HATING gabi na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Torichiro. Ang isip niya ay puno ng katanungan. Mga katanungang tungkol sa buhay niya mula nang isiwalat ng kanyang papa ang tungkol sa tunay niyang pinagmulan. Gusto niyang matawa sa mga oras na ito, pero alam niyang hindi pwedeng isawalang bahala ang nangyayari ngayon sa mundo ng Yakuza. Dahil daw sa pagkamatay ng aking ama isa-isa na daw ulit nagsisilabasan ng mga kalaban ni papa para pasukin at angkinin ang Sakura Group. Nasabi rin sa'kin ni papa na desisyon ko raw kung tatanggapin ko ang posisyon o hindi. Pero nasabi rin nito na hindi rin saw titigil ang mga tauhan ng ama ko na makuha ako at madala sa Japan. Nasa tradisyon na raw na ang unang anak ang papalit kapag nawala na ang nasabing pinuno. Pero paano? Isa lamang siyang om