MATAPOS kumain ay isa-isa na rin na nagpaalam ang mga bisita, kaibigan at pamilya nila Lancelot at Torichiro kaya ngayon silang dalawa na lang ni Lancelot ang naiwan dito sa beach house. Pinakatitigan ni Tori ang sarili sa full length mirror na nasa banyo. Halos isang oras na rin siyang nagkukulong dito. Hindi niya kasi alam kung papaano pakikiharapan ang asawa niya na hindi siya maiiyak. Ayaw man niyang isipin, pero isang araw na lang ang natitira sa kanila bago ito sunduin ni King Aaric. Isang Araw... Muling pumatak ang mga luha ni Tori at tutop ang bibig na impit siyang umiyak ng umiyak. Hindi na niya napansin kung gaano katagal na naman siyang nasa ganung ayos. Hirap siyang nagbuga ng hangin at muling pinakatitigan ang sarili. Walang mangyayari kung magdamag siyang iiyak. Dapat ni