PAGKATAPOS ng seremonya ay nagkaroon ng konting salo-salo. Ang kainan ay napuno ng tawanan na pinangungunahan nila Karrim at Cairo na napag-alam ni Tori na kasapi ito sa Golden Wolf na siyang nagligtas sa kapatin niyang si Yuna. Nakilala din niya si Ivory at Sammuel na pinasalamat niya ng buong puso. Laking saya niya nang dumating din ang tatay, papa at ang kapatid niyang si Yuna na talagang pinasundo pa ni Mask para sa importanteng araw na ito. Nandirito rin ang bagong second lord ng Iron Wolf na si Vance na ipinakilala sa kanya ni Lancelot kanina. Syempre si Fan at ang anak nitong si Marri na laging naka agapay sa kanya na imbis na siya ang umaalalay dito dahil buntis ay siya pa ang laging inaalalayan. Pinipilit niyang ngumiti para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan niya at hind