UMARKO ang isang kilay ni Lancelot habang tinititigan ang Alpha ng Poblacion. Is this the leader of the Moon Pack? He look wasted. Papaano niya pa ipagkakatiwala sa taong ito ang pangalawang posisyon? Kunot noong nilingon niya si Karrim na naka-upo sa likod ng executive table nito. Tumikhim si Karrim. "Mask-I mean Lancelot, I want you to meet my best buddy, Vance Fuentebella. Leadernof the Moon Pack." "Is he the real Vance?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya kay Karrim. Kilala niya si Vance pero hindi sa mukha. Marami na siyang narinig na magaganda patungkol dito kaya hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon na para itong hindi pa naligo. Makapal ang bigote, may kahabaan na rin ang balbas nito at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya na nangangamoy alak ito. Inis na umayos n