TAHIMIK lang si Torichiro habang nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyang lulan nila papunta sa hindi pamilyar na lugar. Naglalaro ng mga daliri niya habang ang tuhod ay hindi mapigilan sa paggalaw. Sinusubukang pakalmahin ang sarili para hindi umiyak. Pero kahit anong gawin niyang pagpupumigil sa mga luha niya ay may sarili yung mga buhay na pumapatak. Mabilis niyang pinunasan ang pisngi at marahan na nagpakawala ng hangin. Sobrang ang sikip-sikip ng dibdib niya mula pa kahapon nang marinig niya ang sinabi ni King Aaric. Hindi niya alam kung paano yun tatanggapin o kung paano niya makakayang isipin na hindi basta mawawala si Lancelot sa kanya kundi habang buhay na niya itong hindi makakasama at makikita. Kaya ba sinama siya nito para siya mismo ang makarinig sa parusang kamatayan dah