HUMIGPIT ang paghawak ni Tori sa manibela nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng mansion ni Mask. Ngayon pa lang ang bilis na ng tahip ng puso niya, paano pa kung magkaharap na sila. Wala pa siyang naisip na dahilan nasasabihin kapag nagtanong ito kung bakit siya nandirito ngayon. Sinubsob niya ang noo sa manibela tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ilang minuto pang nasa ganung ayos si Tori bago siya magpasyang bumaba ng sasakyan. Hindi dapat siya mag-aksaya ng oras, dahil sa bawat segundong lumilipas ay ang kapatid niya ang nakataya. Pero nasisiguro naman siya na hindi ito gagalawin ni Killoran hanggat hindi pa tapos ang oras na ibinigay nito sa kanya. Malalaki ng hakbang na naglakad si Tori palapit sa malaking tarangkahan ng mansion. Agad siyang pinagbukas ng mga delt