PINAGMASDAN ni Mask si Tori na mahimbing ng natutulog. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito gayon din ang peklat nito. Kumirot ang puso niya nang maalala kung paano nito sugatan ang sarili ng araw na iyon, patunay lang na gusto nitong makalaya mula sa kanya. Alam ni Mask na wala siyang karapatan na makaramdam ng ganito dahil siya ang puno't dulo ng lahat ng paghihirap ni Tori. Alam din niyang huli na para ayusin pa ang lahat, pero hindi pa huli para palayain mula sa impiyerno si Tori. Wala siyang ibang gusto ngayon kundi ang maging malaya ito. Torichiro deserves to be happy, he deserve to love and be loved by someone deserve him. 'Yung lalaking kaya siyang pasayahin, 'yung lalaking hindi siya sasaktan at 'yung lalaking mamahalin siya at gagawin siyang mundo nito. At hindi siya 'yun.