“MAGANDA TALAGA itong lugar na ito, ano? Maaliwalas para sa lahat. Kaya lang napansin kong walang mga bata rito. Bakit? Do you have anything against kids? Sayang kung ganon. Mas masarap pakinggan ang boses ng mga nagtatawanang mga bata habang pinagmamasdan ang napakagandang lugar na ito. You should try it once. I’m sure magugustuhan din ninyo iyon ng mga kasamahan mo rito sa Stallion Riding Club. You are a member, aren’t you?”
“Don’t you get tired of talking? You’ve been talking nonstop since we left the forest fifteen minutes ago.”
“Ikaw, hindi ka ba napapanisan ng laway? Fifteen minutes ka na ring hindi nagsasalita, ah,” nakangiting sagot ni Chiza. Kampante pa rin siyang nakasandal sa matatag na katawan ni Brad habang minamaniobra nito ang kabayo patungong Clubhouse. She really liked the feeling of his hard solid body against her back. As well as his mild masculine scent that soothed her tired soul.
“Hindi ka gaanong palasalita, ano?” Hindi ito sumagot. “Napansin ko lang. I like to talk, though. Marami kasi akong gustong sabihin. Nabo-boring ako kapag wala akong kausap kaya nga siguro sa advertising ako napasok. Pero may naalala ako sa iyo. Katulad mo rin siyang hindi palasalita. Katwiran niya, kapag ako ang kasama niya, mas mabuti na ang may nakikinig kaysa pareho kaming dumaldal. Kasi wala raw makakaintindi sa pinag-uusapan namin kung sabay kaming nagkukuwento—“
Napahinto siya sa pagsasalita nang biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo. Nagulat tuloy siya at napayakap na lang dito.
“Face straight up!” narinig niyang utos nito.
“Anong face straight up?” pasigaw na rin niyang wika upang marinig nito ang sinasabi niya. “The air was too strong its distorting my face!”
“Bahala ka na nga.”
Ilang minuto rin siyang nakakapit na parang tuko sa katawan ni Brad. Pakiramdam pa nga niya ay nanigas na ang buong katawan niya dahil sa sobrang lamig ng hangin. Idagdag pa ang nerbiyos na nararamdaman niya. Mabuti na lang at hindi ito nagreklamo sa mahigpit niyang pagkakayakap dito. And anyway, kahit naman magreklamo ito ay hindi rin niya aalisin ang mga braso na nakayakap dito.
“We’re here,” mayamaya’y narinig niyang bulong ni Brad.
Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang grupo ng mga unipormadong lalaki na nakatingin lang sa kanila. They must be the other members of the riding club.
“Magpatawag kayo ng medical personnel,” wika ni Brad.
Isa lang sa mga ito ang kumilos. Ang iba, nakamasid pa rin sa kanila. Brad dismounted from his horse and helped her get down. Isang paa lang niya ang inilapat niya sa lupa sa pag-iingat na mapalala ang pinsala sa isa pa niyang paa. Most of her weight was carried by Brad who didn’t let her go.
“Parang gusto kong halikan ang lupa,” sambit ni Chiza.
“Go ahead.”
She dropped to the ground when he loosed his grip on her. “Lupa…! Lupa, I miss you…”
Akala niya kanina ay hindi na siya makakatapak pang muli ng lupa. Masyado kasi talaga siyang kinabahan nang tumakbo ang kabayo ni Brad na kinasasakyan nila. Hinding-hindi na siya sasakay pa ng kabayo kahit kailan. Isa sa mga lalaking nakamasid lang sa kanila kanina ang lumapit sa kanya at ininspeksyon ang kanyang paa.
“Namamaga ang paa mo, ah. Brad, bakit mo naman siya hinayaang magkaganito? Dapat ay inalalayan mo siya hanggang sa dumating ang medical personnel. Hindi niya dapat itinatapak ang paa niyang ito kung hindi ay lalala ang lagay nito.”
“That wasn’t my fault, Reigan. Siya ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan. Umaakyat siya ng puno na hindi naman marunong bumaba. Teka, sino ka nga uli?”
Imbes na maasar ay natawa lang ang lalaking nagnangangalang Reigan. “Gaya ka pa rin ng dati, Brad. Masama pa rin ang ugali mo. Kaya siguro hindi ka pa kinukuha ni Lord.”
“Ikaw naman kasi, Reigan, para kang kabute na pasulpot-sulpot dito,” singit ng isa pang lalaking naupo sa harap niya upang makiusyoso sa paa niya. “Nagpagti-trip-an ka tuloy ng wala sa oras. Hmm, Miss, alin ba ang masakit sa iyo? Ito ba?” She screamed as the new guy touched her swelling feet. “Oh, mukhang ito nga.”
“Stay away from her Jigger,” utos ni Brad. “Bago mo pa siya tuluyang mabaldado.”
“Let me interpret it to you, Jigger,” natatawang baling ni Reigan dito. “Ikaw ang mababaldado kapag sinipa ka ni Brad.”
“Why? I’m nice. Di ba, Miss…?”
“Chiza. My name is Chiza.”
“Chiza. Cute name. My name is Trigger Samaniego.”
“Trigger? I thought you’re Jigger?”
“I never said I was Jigger, Reigan.”
“You also have a cute name,” wika ni Chiza kay Trigger.
“Really? Narinig mo iyon, Brad?” tanong nito kay Brad na tahimik lang na nagmamasid sa kanila.
Napansin ni Chiza na mas lalong naging masama ang timpla ni Brad dahil kulang na lang ay tirisin nito ng buhay si Trigger. Pero tila balewala lang naman iyon sa lalaki.
“Ang tagal ng medical team, ah,” wika ni Reigan. “Tayo na lang ang magdala sa kanya sa clinic.”
“Nangako na ako sa sarili kong hinding-hindi na tatapak ng clinic mula nang mangyari ang aksidente noon kay Temarrie,” wika ng isa sa mga lalaking nag-uumpukan. “I think I’ll pass.”
“Ako rin.” Tumingin si Trigger kay Brad. “Ipinauubaya na namin siya sa iyo, pare.”
Subalit tinalikuran lang sila nito at naglakad patungo sa direksyon ng east entrance ng Clubhouse. Napailing na lang ang mga kalalakihan nang lumapit ang mga ito sa kanya.
“Pasensiya ka na sa isang iyon, Miss. Ganon lang talaga iyon.”
“Ang totoo, mababait naman kaming lahat dito. Lalo na ako. Sina Brad, Reid at Yuan lang ang occasional na tamaan ng kabaitan.”
“Gentleman ako. Don’t worry, Miss. Ako na lang ang bahala sa iyo.”
“Dadalhin mo siya sa clinic, Kai?”
“Hindi. Pero sasamahan ko siya rito. Malamig pa naman ang panahon at baka lang kailanganin niya ng…kakuwentuhan—O, ano na naman ang iniisip nyo at ganyan ang tingin nyo?”
“Dumidiga ka na naman.”
“Of course not. Nag-o-offer lang ako ng kabaitan ko. Miss China--”
“Chiza. My name is Chiza.”
“Miss Chiza, sasamahan na muna kita rito habang hinihintay natin ang susundo para madala ka Clinic. Okay lang naman, di ba? Mabait naman ako.”
Kanya-kanya na ng kantiyaw ang mga kasamahan nito.
“Mabait ‘pag tulog.”
“’Di ba, may date ka pa?”
“’Sumbong ka namin sa nanay mo.”
“Matagal nang namayapa ang mommy ko.”
“Sa tatay mo.”
Naaaliw pa si Chiza sa takbo ng usapan ng mga ito kaya laking gulat at pagtataka niya nang maramdaman ang pag-angat ng katawan niya sa lupa. Brad’s green eyes greeted her when she turned to her sort-of rescuer. Matutuwa na sana siya kung hindi lang niya napansin ang impit nitong pagsinghap at pagngiwi. Kakaiba rin ang pamumula ng pisngi nito kaya nag-alala siya.
“May—“
“Just shut up, okay?” sansala nito sa sasabihin niya. “You’ve already given me too much trouble.”
“Kung ganon may pinsala ka rin sa nangyari kanina—“
“I told you to shut up, didn’t I?”
“I told you I don’t know how to do that, didn’t I?” Nang marinig ang muli nitong pagsinghap ay lalong napatunayan ni Chiza ang kanyang hinala. “Ibaba mo na lang ako, Brad. Baka lumala pa ang lagay mo. Saan ba ang masakit sa iyo—“
“Ang tenga ko. Masakit na ang tenga ko sa kadaldalan mo.”
“You don’t mean that.”
“One more word from you and I’ll drop you to the nearest cliff.”
Imbes na matakot ay natawa pa siya sa kasungitan nito. Paano nga ba naman siya magagalit o maaasar sa isang gaya nitong napaka-sweet? Kahit parang hindi nito mabanat ang pisngi para sa isang ngiti. Okay lang naman.
“Chiza, you need our help?” habol na tanong mga kalalakihan na iniwan nila.
She turned to them and smiled as she gestured ‘okay’ with her hand. Kumaway lang din ang mga ito sa kanya.
Such a funny bunch of men.
Sana lang kasing welcoming ng mga iyon ang isang ito na kasama niya ngayon. Speaking of this man…
Pinagmasdan niyang muli ang guwapong mukha nito.
“Magkasing guwapo kayo ni Maxwell,” wika ni Chiza mayamaya. “Mas mahinahon lang siya magsalita kaysa sa iyo.”
Brad didn’t even bother asking who Maxwell was. He just carried her towards the clinic. Tamang-tama namang nakasalubong na nila ang mga medical personnel na ipinatawag nito.
“Sir, kami na ho ang aalalay kay Ma’m--”
“Ako na. Malapit na lang naman ang clinic. Kaya ko na ‘to. Pero sa susunod na may magpatawag sa inyo at hindi kayo dumating agad, kayo ang itatapon ko sa bangin.”