CHAPTER 4

1557 Words
AGAD INASIKASO si Chiza pagdating na pagdating nila ni Brad sa state-of-the-art clinic na iyon  ng Stallion Riding Club.  Paalis na sana ito matapos siyang ilapag sa isa sa mga medical beds doon nang pigilan niya ito. “You’re hurt, Brad.  Ipatingin mo na muna sa doktor iyang pinsala mo para makasigurado tayong ligtas ka na.” “I’m fine.”  Kulang na lang ay bugahan siya nito ng apoy sa sobrang sama ng pagkakatitig nito sa kanya. “No, you’re not.”  Binalingan niya ang dalawang doktor na nakamasid lang sa kanila na tila naghihintay na matapos ang usapan nila.  “Nadisgrasya ko siya nang mahulog ako sa puno kanina at madaganan ko siya. Nahulog siya sa kabayo niya. Nakita kong napapangiwi siya nang buhatin niya ako kaya siguradong may pinsala sa kanya.” “Bakit ba marunong ka pa sa akin?” angil nito.  “Ako ang may katawan kaya ako lang ang nakakaalam kung ano ang kalagayan ko.  So, when I said I’m fine, I am just fine.” “Magpapa-check up ka lang naman, ah.  Ano ba ang ikinakatakot mo dun?” “I’m not—Why am I wasting my time with you, anyway?”  Patungo na ito na sa pinto nang muli siyang magsalita. “Hindi ako magpapagamot kapag hindi ka nagpatingin sa mga doktor.” “Bahala ka.” She tried getting off the bed.  Nag-panic ang mga nurses.  Galit na ang nakita niya sa mukha ni Brad nang lapitan siya nito at pigilang makababa ng kama.   “Ang kulit mo talaga.  Hindi ka na nakakatuwa—“  He winced loudly when he grabbed her with his left arm. “See that? See that? Ano ngayon ang sinasabi mong okay ka lang?” Binalingan niya ang doktor na nagtse-check up sa paa niya. “Doc, siya rin may injury.” “I know. Huwag ka muna kumilos, Miss. Na-dislocate itong ankle mo kaya namamaga. Sit tight while try to do something about this.” “Pero, Doc, si Brad--” “I’m fine!” giit ni Brad. “Nawalan ka na yata ng sense of responsibility, Brad,” wika ni Reid.  “Ganyan ba ang nagagawa ng pagkatalo sa competition?  Mabuti na lang pala at hindi pa ako natatalo kahit minsan.  I don’t want to end up a fool like you.” Sabay silang napalingon ni Brad sa isang sulok ng clinic.  Naroon ang isa pang lalaki na nakabukas na ang suot na uniporme nitong black jacket.  Nagbabasa ito ng magazine kaya hindi niya makita ang itsura nito.   “By the way,” patuloy nito.  “You can’t ride again unless the doctors here give you a clean bill of health.” “You can’t tell me what to do.” “And I already told you, we have rules here.” “And I said I’m fine…”  Napangiwi uli si Brad nang hawakan ang balikan nito. “No one rides a horse with an injury.” “This is not an injury--” “I am the owner of this place, Brandon James Crawford. Even if you don’t have any injury, I can still kick you whenever I want and you can’t do anything about it.” “T-teka, hinay-hinay lang,” singit ni Chiza. “Hindi kailangang umalis ng Club ni Brad.  It was just a simple injury—“ “You’re not a doctor, Miss. So, please.  Don’t talk like you know anything about medicine.” Doon lang din nag-angat ng mukha ang lalaki.  She knew that handsome face.  Reid Alleje, sole owner of the exclusive Stallion Riding Club.  Pero ano kaya ang ginagawa nito sa clinic na iyon? “Give the woman a break, Reid,” wika ni Brad sa wakas.  “She’s injured.” “So are you.  But I’m not giving you a break.  So. Magpapa-check up ka ba o susunugin ko na ang membership file mo?” “Magpapa-check.” “Good boy. By the way, ako nga pala ang nanalo sa race natin kanina. Ipinapaalam ko.” “He just met an accident,” singit ni Chiza. “Kasalanan ko kung bakit nakapag-perform nang maayos si Brad--” “I still won.”  Kinuha ni Reid ang isang tabletang iniabot dito ng nurse at mabilis iyong ininom.  Pagkatapos ay nagtungo na sa pinto ng clinic.  “You, two, are giving me a headache. You better not show up in front of me unless you’re both cleared of any injury. Are we clear, Brad?” Brad just nodded. Tumango na rin si Chiza. Doon lang lumabas ng clinic si Reid Alleje. “He’s kinda scary. But also adorable. don’t you think…?” komento ni Chiza nang balingan si Brad na ngayon ay hinuhubad na ang suot na coat jacket. Nawalan na siya ng imik habang pinagmamasdan ang lalaki.  Lalo siyang natameme nang mag-umpisa na itong buksan ang mga butones ng long sleeve polo na parte ng uniporme nito.  Napangiti na lang siya nang mapalingon ito sa kanya.  He was really handsome, and his green eyes made it even more obvious.  Natigil lang ang pagnanasa niya rito nang maramdaman ang matinding pagkirot sa kanyang paa.  Napahiyaw siya sa sakit. “Konting tiis lang, Miss, ha? Lalagyan na natin ng elastic bandage itong paa mo para maiwasan ang magkaroon ng further damage sakaling di sinasadyang madisgrasya mo uli ito.  We have to prevent it from unnecessary movements and this bandage will help you protect your injury until your feet recovered.” Daig pa niya ang pusang hindi maiwi nang ipagpatuloy ng doktor ang ginagawa nito.  Pipikit siya, didilat, mapapasinghap at mapapangiwi sa tuwing mararamdaman ang bawat paggalaw sa kanyang paa.  Pinagpapawisan na siya ng malamig. “Hindi ba puwedeng idaan ko na lang sa pagdadasal sa mga santo itong paggaling ko?” mayamaya’y hirit niya.  “Nakakaiyak na kasi ang sakit, eh.” “Tiisin mo,” wika ni Brad sa kanyang tabi.  “Kasalanan mo na naman kung bakit pareho tayong nandito ngayon.” Nang lingunin niya ito ay ibinabalik na nito sa pagkakabutones ang suot nitong polo.  “Tapos ka na agad?  Bakit ang bilis mo?” “Check up lang naman ang ginawa sa akin.  I don’t have any injuries, like I said.” “Bakit naka-sling iyang braso mo kung wala kang injury?” “Para hindi ko muna raw igalaw ang braso ko.” “Bakit ako—aaaww!” hiyaw na naman niya.  Dinampot niya ang jacket nito sa kanyang tabi at kinagat upang mapigilan ang mas lalo pang pagsigaw.  Nakakahiya na kasi, ang ingay-ingay na niya. Nang kunin ni Brad sa kanya ang jacket nito ay nahablot naman niya ang manggas ng suot nitong polo.  Hinila niya ito sa kanyang tabi at ito ang piniga ang walang pinsala nitong braso nang muling maramdaman ang pagkirot sa kanyang paa.  Nang maupo ito sa kanyang tabi ay itinago niya ang mukha sa likuran nito dahil naiiyak na talaga siya. She stayed hiding behind his back while he stayed by her side, allowing her torture his good arm.  Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal sa likuran nito.  Basta ang alam niya, nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan tabi ni Brad.  Kaya nga medyo nagtaka pa siya nang sabihin ng doktor na tapos na ang session nila.  She looked at her feet. “Basta sa ngayon, ang maipapayo ko lang ay iwasan mong itapak muna iyang paa mo,” wika ng doktor.  Inabot nito sa isang nurse ang isang pares ng saklay.  “Use this for a while.” Isang wheelchair ang dala ng nurse.  Tinulungan siya nitong maka-upo roon.  Brad tried to helped her but the doctor stopped him. “Ikaw din, Mr. Crawford.  Kailangan mo rin ng pahinga at pag-iwas sa paggalaw ng iyong braso.  Pareho lang naman kayo ni Miss…?” “Chiza,” sagot niya. “Chiza dela Cruz.” “Ni Miss dela Cruz.”  Binalingan na ng doktor ang nurse.  “Pakihatid na siya sa kanyang tinutuluyan.  Magpahinga ka ng husto, Miss.” “Yes, Doc. Thank you ho.”  Nilingon niya si Brad.  “Ikaw din, Brad.  Salamat nga rin pala sa lahat ng tulong.  At pasensiya na kung nadisgrasya ka nang dahil sa akin.” Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa.  She smiled at him and waved goodbye as the nurse pushed her wheelchair out of the clinic. “Ang guwapo ni Brad, ano?” wala sa loob niyang wika sa nurse.  “Ang suwerte ng girlfriend nun.” “Wala pa ho siyang girlfriend, Ma’m.” “Wala?  Bakit?  Ang mga lalaking may ganong mukha, hindi na dapat nagpapagala-galang walang babae sa kanyang tabi.” “Karamihan naman sa mga members ng Club ay single pa and available pagpasok nila rito.  Ang totoo, okay na rin iyon, Ma’m.  Para libre natin silang pangarapin.” “Kunsabagay.”  He remembered Brad’s handsome face and unmistakingly remarkable green eyes.  “Sayang, hindi na ako puwedeng mangarap.  Mukhang masarap pa namang pagnasaan ang Brad Crawford na iyon, ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD