CHAPTER 5

1383 Words
NAGBABASA SI Chiza ng pocketbook habang nakaupo at nangunguyakoy sa bintana ng suite ng kanyang hotel room.  Feel na feel pa niya ang paglalaro ng hangin sa kanyang mahabang buhok.  She really loves the feel of the breeze against her hair.  Lalo na kapag naaamoy niya ang kanyang buhok.  Hinawakan niya ang ilang hibla ng kanyang buhok at sininghot-singhot iyon. “Effective ang Stallion Shampoo nilang iyon dito sa hotel, ha?” bulong niya sa sarili.  “Makabili nga niyon bago ako bumalik ng Australia.” Narinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid.  Umalis siya sa bintana.  With a wombly walk because of her unfamiliar crutches, she opened the door.  Agad sumilya ang ngiti sa kanyang mga labi nang makilala kung sino ang kanyang bisita. “Brad.” “Wala ka ba talagang pakialam sa kalagayan mo?  Pinatikim ka na nga ng Diyos ng pakiramdam kung paano madisgrasya, hindi ka pa rin nadala.” “Ha?  Hindi yata kita maintindihan.” Napabuntunghininga na lang ito.  “Nevermind.  I need my jacket back.” “A, oo nga pala.”  Nagtataka pa rin siya sa ipinakita nitong pag-aalala ngunit hindi na lang niya iyon inusisa pa.  Baka kasi mabuwisit lang ito.   Iika-ika niyang tinungo ang kanyang kama kung saan naroon ang itiniklop niyang jacket nito.  Pero nauna na sa kanya ang binata.   “Hay, salamat,” aniya.  “Ang hirap kasing maglakad dito sa mga saklay ko kaya mabagal talaga akong kumilos ngayon.” Imbes na sumagot ay lumapit lang ito sa bintana.  Saglit na tila ininspeksyon nito iyon bago isinara iyon at ini-lock.   “Reid would throw you and your company out of the Stallion Club Hotel if he sees you hanging in the open window.” “He saw me?” “Not yet.  But if I see you again, I’ll push you out the window myself.  Tutal mukhang wala ka namang pakialam sa buhay mo.” Napatingin na lang siya rito.  “Hindi totoo iyan.” “Oh, yeah?  Then what the hell are you trying to do sitting on that window?  Nasa third floor ka, Chiza.  Hindi ka sasantuhin ng sementadong lupa na babagsakan mo kapag nahulog ka.” Bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi.  “You’re worried about me?” “No?” asar na ang mukha nito.  “I was just concerned about the dirt you’re going to make after you splattered yourself all over that cemented pavement. Ayokong mahirapan ang mga tauhan dito sa paglilinis ng kalat na iiwan mo.” “You have a very rude sense of humor, do you know that?” “That’s my best asset.” “No, your green eyes is.”  Nahalata ni Chiza ang pagkagulat sa mukha nito.  Hindi siguro nito inaasahan ang huli niyang sinabi.  “yOu really doo have the most gorgeous eyes, Brad. Kaya hindi ka na dapat nagugulat kapag may pumupuri sa mga mata mo.” “I don’t want to talk about my damn eyes.” “Ganon ba?  Sayang naman.  I like your eyes, by the way.  It reminds me of green fields and Kero Keropi.” “Kero-Kero what?” Natawa na lang si Chiza sa reaksyon nito.  Caught off-guard ang masungit na binata. And she found that even in his grumpiest mode, she still couldn’t help liking him. Siguro dahil nararamdaman niya na sa kabila ng pagsusungit nito sa kanya ay hindi ito nagalit ni minsan. Ni katiting. Lalo na nang magpakita ito ng pag-aalala nang madisgrasya siya sa kagubatan. Idagdag na rin ang concern nito nang makita siya nito marahil na nangunguyakoy sa bintana ng hotel room niya. “Kero Keropi, ‘yung palaka dun sa San Rio,” sagot niya sa wakas. “You’re comparing my eyes to a frog?” “Hey, Keropi happens to be a very cute frog.”  Napailing na lang ito.  Agad naman siyang bumawi.  “Kumusta na nga pala ang lagay ng braso mo?  Maayos na ba iyan?” “Iyang kalagayan mo ang intindihin mo imbes na ang problema ng ibang tao.” “Ayos naman na ang paa ko.  Naitatapak ko na nga ito, eh.”  Pero napangiwi naman siya nang subukang ilapat ang naka-bandage niyang paa sa carpeted floor.  “Medyo ayos lang pala.  Hindi pa siya puwedeng gamitin agad—“ Brad had caught her with his good arm, semi-carrying her to her bed.  Naiwan tuloy ang mga saklay niya sa kinatatayuan kanina.  Nang maiupo siya nito sa gilid ng kama ay binalikan nito ang mga saklay niya.  inilagay nito ang mga iyon malapit sa night table kung saan madali niyang makukuha sa tuwing babangon siya ng kama. “Pangalagaan mo naman ang sarili mo,” sermon nito sa kanya.  “Hindi sa lahat ng oras, susuwertehin ka sa buhay.  At hindi sa lahat ng oras, may mga doktor na sasagip sa iyo.” Ngumiti lang siya.  “Uy, concerned siya sa akin.  May puso ka rin naman pala kahit paano, Brad.  Akala ko basta ka lang utak na naglalakad.” Lumapit ito nang husto sa kanya at dinutdot ang kanyang noo.  Napahiga siya sa kama.  Tatawa-tawa lang siya habang pinagmamasdan itong matikas na nakatayo sa harap niya.  Subalit unti-unti ring naglaho ang kanyang ngiti nang may kung anong mapansin sa berde nitong mga mata habang nakamasid sa kanya.  Naramdaman niya ang pag-iiba ng t***k ng kanyang puso.  Its beat was quite different, but not that new.  She could recognize that fast beating of her heart coz she once felt that same way for a man from her past.  Kaya naalarma siya. Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito.  Not right now.  Not with a stranger. Tila nahalata rin ni Brad ang discomfort niya dahil kahit ang kakaibang ekspresyon sa guwapo nitong mukha ay nagbago.  Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay walang imik na rin itong lumabas ng kanyang silid.  Naupo siya at dinama ng kanyang kamay ang dumadagundong niyang dibdib.  Bakit ganito na lang kalakas ang pagtibok ng kanyang puso?  Natakot ba siya nang husto kay Brad?  Pero ano ang kinatakutan niya?  Ni hindi nga ito gumawa ng kahit na anong bagay na dapat niyang katakutan.  In fact, lagi pa nga siya nitong tinutulungan.  And he was concerened about her. What the heck’s wrong with her? Nakita niya ang jacket nito sa ibaba ng silya.  Doon marahil nito inihagis iyon nang hapitin siya nito kanina at iupo sa kama.  Without thinking, inabot niya ang kanyang mga saklay, dinampot ang jacket at sinundan si Brad sa labas.  Tamang-tama namang hindi pa ito nakakalayo. “Brad!”  Lumingon ito.  Itinaas niya ang jacket nito.  Lumapit naman ito agad.  Hayun na naman ang pagdagundong sa kanyang puso.  Ngunit pinabayaan na lang niya iyon.  “Nakalimutan mo na naman…” Tahimik lang nitong kinuha iyon at tumalikod ng muli.  Hindi na naman niya mapigilan ang mapangiti.  Kakaiba talaga ang isang ito.  Maybe that was it.  She was just fascinated by him so she’s feeling ‘something’ for him. “Brad!” tawag uli niya rito.  Lumingon naman itong muli.  “Promise, hindi na ako uupo uli sa bintana.” No answer.  He just punched the elevator button.  Ewan niya kung anong pumasok sa kukote niya ngunit natagpuan na lang niya ang sariling nagsasalita. “Brad, puwede ka bang mayayang lumabas mamaya?” Akala niya ay hindi na ito sasagot pa.  “I don’t date female guests.” Sumige pa rin siya.  “Can’t you make exceptions?” “No.” “Just this once?” “No.”  Bumukas na ang elevator at pumasok na ito roon. Kumaway na lang siya rito bago iyon sumarang muli.  Ngingiti-ngiti lang siyang bumalik sa kanyang silid.  She had never met anyone as blunt as he was, and yet still looked utterly adorable in her eyes.   Fine.  Tinanggap na niya ang katotohanang maaaring may gusto siya rito.  Dahil nga bago ito sa mga lalaking nakakasalamuha na niya.  At ito lang din ang nag-iisang lalaking laging nakakapagpangiti sa kanya kahit walang kadahi-dahilan. “And it would have been nice having him say ‘yes’ to me.”  Kahit isang beses lang, bago siya bumalik ng Australia.  “Hmm…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD