KATATAPOS LANG ng ikalawang araw ng convention nina Chiza sa conference hall ng Stallion Riding Club nang sa paglabas niya roon ay may makabanggaan siya.
“Ops! Sorry, Miss.” Inilalayan siya nito upang hindi siya ma-outbalance sa saklay niya. “Sorry, hindi kita napansin.”
“Okay lang.” Inayos niya ang kanyang saklay. “Hindi na talaga siguro ako masasanay sa mga ito. Mabuti na lang at temporary lang ito.”
“How’s your foot?”
Napatingin siya sa mukha nito. She remembered him. “My foot? Alin, ‘yung pinanggigilan mo?”
“No, that was my twin Jigger’s doing.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “I’m Trigger.”
“No, that person said he was Trigger. So it was you.”
Ngumiti lang ito. “It was nice to meet you.”
Nag-aalangan man ay tinanggap na rin niya ang kamay nito. I wouldn’t be in the country for too long so might as well just go with the flow sa kung anomang topak ng magkakambal.
“Chiza. My name’s Chiza.”
“I know. You just said you already met me before. Naikuwento na nga rin kita sa kakambal ko.”
“Ah, oo nga pala.”
“So, how’s your foot now? Doing better?”
“It’s getting along. Gusto ko na ngang idispatsa ang mga saklay na ito, eh. Tutal kaya ko na talagang maglakad. Kaya lang baka pagalitan na naman ako ni Brad. May pagka-dogmatic pa naman ang pamamaraan ng pag-aasikaso nun.”
“Yeah, well, that’s our Brandon James Crawford alright. If you look past his grumpy demeanor, you’ll find…another grumpy demeanor. But he’s okay.”
“Tell me about it,” natatawa niyang sagot.
“By the way, may ginagawa ka ba ngayon? Yayayain sana kitang mag-coffee. Kung okay lang sa iyo. Nakukunsensya kasi ako na parang lumala pa ang lagay ng paa mo nang ‘panggigilan’ ko. At ngayon naman, muntik uli kitang madisgrasya.”
“Oh, I’m really just fine. But I’ll take that coffee. Tutal naman papunta na rin ako sa pinakamalapit na cofeeshop dito. May napansin kasi akong magandang cafe na nadaanan ko papunta sa venue ng conference namin.”
“Okay then. Let’s go?”
“Wait. Baka may biglang sumugod sa akin at sabunutan ako, ha? Wala akong laban ngayon.”
“Don’t worry. I don’t bring a companion here with me. Except my parents. And my sister, but she’s in hell right now wrecking havoc with Satan so no worries about unwanted attention from my…’companion’.”
“Wrecking havoc in hell. Kakaiba ang description mo sa kapatid mo, ha?” Nag-umpisa na silang maglakad. Pero dahan-dahan lang lang sila at mukhang wala namang reklamo ang kasama nya kahit usad-pagong sila dahil sa sitwasyon niya. “Bakit ‘companion’ ang tawag mo sa girlfriend mo?”
“I don’t have a girlfriend. Anyway, ‘companion’ ang tawag sa mga female guests ng mga club members dito na hindi namin kamag-anak.”
“Women companion. So...girlfriend na hindi official, ganon?”
“Let go of the ‘girlfriend’ thing. Magkaiba iyon ang companion sa girlfriend. Dito sa SRC, puwede kaming magdala ng babaeng ka-date. Or a woman companion. So it wasn’t necessarily a girlfriend-boyfriend thing.”
“I see. May pagka-conceited din kayo rito, ano? Nag-iisa lang kayo sa buhay ng mga babae ninyo. Pero kayo, lahat ng babae, buhay ninyo.”
“Hindi naman sa ganon. Ang totoo, bago kami magsama ng companion dito, ipinapaliwanag naman namin ang rules ng pagsasama namin. Na walang commitment or whatsoever. Kung aasa sila, hindi na siguro namin kasalanan iyon, hindi ba? I mean, we just enjoy their company. Other than that, well, kailangan muna ng mahaba-habang oras para magkaalaman kung may future nga sa pagitan namin. That’s fair enough, right?”
“Pero hindi na kayo nagkakaroon ng mahaba-habang oras dahil sa umpisa pa lang, ayaw na ninyo ng ‘mahaba-habang usapan’.”
“Hmm.” Nilingon siya nito. “You’re bad for my ego.”
Ngumiti lang siya. “Pero puwede ba akong magtanong?”
“Tungkol sa…?”
“Totoo bang hindi nakikipag-date ang mga members ng club sa mga female guests dito?”
“Choice na iyon ng member, just as long as both parties are single. Asar kasi si Reid sa mga eskandalo na gawa ng mga babaeng nag-aagawan sa iisang lalaki.”
“May katwiran naman ang pagkaasar niya.” Hindi maalis sa isip niya si Brad. “May girlfriend na ba si Brad? Or may kasama ba siya ngayong official niyang woman companion?”
“I don’t know about the girlfriend thing. But I know he’s here just to rest, minus the woman companion. Bakit mo naitanong?”
“Wala naman. Curious lang.”
“Dahil…?”
“Nothing. I’m really just curious.”
“Na wala siyang girlfriend? Maybe that was choice. Alam mo, kahit playboy, napapagod din makipaglaro minsan at gusto na lang mapag-isa at magpahinga.”
“You have a point.”
“Now, I’m curious about you.”
“Me?”
“Yes. Parang concern ka kasi sa pagiging single ni Brad. Hindi magtatanong ang isang tao kung may girlfriend na siya kung hindi ka interesado sa kanya.”
Trigger was a keen observer, iyon ang napansin niya rito. Kaya wala ng dahilan pa para itago rito ang ginawa niya kahapon. “Well…I asked him out yesterday. Sabi niya hindi raw siya nakikipag-date ng mga female guests.”
“So, you like Brad.”
“I like his eyes. It reminds me of someone…” Ibinalik niya sa alaala ang lalaking naging bahagi na ng kanyang buhay.
“That ‘someone’…does she have green eyes like Brad?”
“He,” pagtatama niya. “No, his eyes were blue.”
“Kung ganon, ano ang ipinaaalala sa iyo ng berdeng mga mata ni Brad kung ang lalaking iniisip mo ay blue naman pala ang mga mata?”
Napakunot-noo si Chiza. Oo nga, ano? Ang layo nga naman ng asul sa berde. Kaya paanong nagagawang ipaalala sa kanya ni Brad ang isang lalaki sa kanyang buhay? Iyon pa rin ang umiikot sa isip ni Chiza nang makarating sila ni Trigger sa coffeeshop. Mangilan-ngilan ang mga tao roon, karamihan ay pamilyar na mukha ng mga kasamahan niya sa convention kanina. Ang ilan naman, lalo na ang mga lalaki, ay pamilyar din sa kanya dahil minsan na niyang nakita ang mga itong pakalat-kalat sa Clubhouse noong naka-uniporme pa ang mga ito.
Kaya hindi na nakapagtatakang nahagip ng tingin niya ng isang lalaki sa kabilang table. Si Brad. May kasama itong babae. Gusto sana niyang sumimangot at kastiguhin si Trigger.
Akala ko ba nagpapahinga ang lalaking ito, minus the woman companion?
Nang mapalingon sa kanya ang binata at tumutok sa kanya ang berdeng berde nitong mga mata, tila bulang naglaho ang kanyang ngitngit sa mundo. Ngumiti na lang siya at kinawayan ito habang inaalalayan siya ni Trigger na makaupo. Walang rekasyon mula kay Brad.
“Jealous?”
“No. Pero…” Saglit uli niyang sinulyapan ang kinaroroonan ni Brad at ng kasama nito. “Akala ko wala siyang official female companion ngayon dito dahil nagpapahinga siya? E sino iyon?”
“Probably one of his admirers na natiyempuhan siyang mag-isa. Aura lang ni Brad ang isnabero sa kanya pero sa totoo buhay, he’s quite a nice guy.” Nilingon din ni Trigger si Brad at kinawayan ito nang mapalingon sa kanila.
Ilang sandali rin na nakatingin lang sa kanla si Brad bago ito muling bumaling sa kasama nitong babae.
“Yep, that was not his date,” sambit ni Trigger. “He would never look at another woman if he already has one in his life.” Tinawag nito ang waiter at ibinigay ang order nila bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “And as far as I know, there’s just only one woman Brad would allow to ride with him on his horse. At iyon ang magiging tanging babae sa buhay niya.”
“Ha? E, paano iyan? Naisakay na niya ako sa kabayo niya?”
“Really?” His tone does not sound like he was questioning, though.
“So…ibig sabihin, hindi na niya makikita ang babaeng para sa kanya dahil naistorbo ko na ang kapalaran nya?”
“Oh. My. Goodness. The Math is not Mathing today, huh.”
“What?”
“Nothing. You were saying…?”
“I’m saying…” Napalingon uli si Chiza sa direksyon nina Brad. He was not talking but merely listening to whatever his companion was saying.
Ito kaya ang babaeng isasakay ni Brad sa kabayo niya? Ang mapipili ng binata na makasama habambuhay?
Impit siyang natawa. Ridiculous. Dumating ang in-order nila at doon na lang niya itintuok ang atensyon.
“What’s so funny?” tanong ni Trigger.
“’Yung kasabihan nyo dito sa Stallion Riding Club. You’re not really serious about it, right? Because you can’t find love at the back of a horse.”
“I agree.” Nilingon nito ang direksyon nina Brad. “Wala na sila.”
Wala na nga ang mga ito. Inilibot ni Chiza ang paningin sa paligid at nakita niyang magkasabay na naglalakad patungo sa exit ng coffeeshop na iyon sina Brad at ang kasamang babae nito.
“Trigger, do you think they would do ‘it’?”
“Tanungin mo sila.”
“Puwede ba?”
“This is a free country.”
She would have, if she didn’t see the two parted ways after they got out of the place. Nakaplaster na ang ngiti sa kanyang mga labi. Mabuti naman at malinaw pa ang isip ni Brad. Hindi ito gagawa ng isang bagay na alam nitong maaari nitong ikapahamak.
“Can I say something to you, Chiza?”
Nilingon niya si Trigger. “Tungkol saan?”
“If you’re not into romance and heartaches, don’t get too close to Brad.”
“Meaning…?”
Humigop muna ito ng mainit na kape bago nag patuloy. “I mean, if you don’t want to fall in love with Brad, don’t get too close to him. Falling in love and heartaches always come together.”
Hinawakan ni Chiza ang tasa ng kanyang kape at tinitigan ang likido. “I know.”
“Hindi ko sinasabing layuan mo si Brad. Gusto lang naman talaga kitang bigyan ng konting advice. Men here are not that good when it comes to matters of the heart.”
Tiningnan niya si Trigger. “Gaya mo?”
“Iba ako.”
“Iba rin si Brad.” Trigger looked at her for a moment and smiled. Na-conscious tuloy siya nang wala sa oras dahil tila may ibig ipahiwatig ang ngiti nitong iyon. “I mean…lahat naman ng tao ay magkakaiba. At kayong mga Stallion boys, siguro naman ay hindi lahat sa inyo ay may masamang reputasyon pagdating sa pakikipagrelasyon. I think you’re good enough to deserve a good woman.”
“Thank you, Chiza. That was really a nice thing to say.”
“You’re welcome.” Hinigop na rin niya ang kanyang kape. “I’m not going to fall in love with Brad, don’t worry. And even if I wanted to, hindi na mangyayari iyon dahil matatapos na bukas ang three-day convention ng kumpanya namin. Babalik na ako sa Australia.”
“Ang bilis naman.”
“Maraming trabaho, eh.”
“Ayaw mo mag-stay kahit ilang araw lang? Kapag tinanong ka ng boss mo, sabihin mo nabalian ka ng buto or something. Hindi ka naman talaga magsisinungaling dahil totoo na nadisgrasya ka rito.”
“Magaling ka sigurong negosyante. ‘Lakas mo mang-sales talk, eh.”
“Have you been in love before, Chiza?”
Hindi agad siya nakasagot. “Bilis naman ng pag-change topic.”
“Well? Have you?”
“I did, yes.”
“Kung ganon, alam mo na rin siguro na pagdating sa usaping pampuso, walang imposible. Hindi ba?”
“Akala ko ba ayaw mong ma-in love ako kay Brad? Bakit ngayon, parang ibinubuyo mo pa ako sa kanya?”
“Kailangan pa ba talaga kitang ibuyo?”
“I’m…I…” Napabuntunghininga na lang siya. “You’re crazy.”
“And I didn’t say you’re not allowed to fall in love with Brad. In fact, susulsulan pa nga sana kita.”
“You really are crazy.”
Pinagsugpong nila ang kanilang mga tasa ng kape sa ere. Ngayon ay batid niyang hindi na rin naman pala masama ang makipag-kaibigan sa mga Stallion boys. Iba na nga lang usapan ang ma-in love sa mga ito.
In love? What the heck am I talking about? Ako yata ang nasisiraan na ng bait.