CHAPTER 7

2861 Words
“BAKIT MAG-ISA ka lang na bumalik sa suite mo?  Ni hindi ka man lang inihatid ng sira-ulo mong ka-date.” Nawala ang iniindang sakit sa kilikili ni Chiza nang makitang nakatayo sa tabi ng elevator si Brad.  Wala na rin itong kasamang babae.  “Si Trigger ba ang tinutukoy mo?  He was not my date.  Niyaya lang niya akong magkape.  Ikaw, kumusta naman ang date mo? Mukhang nag-enjoy kayo kanina, ah. Doon sa cafe. Nakita ko kayo.” Sa wakas ay nilingon na rin siya nito.  She really loves those green eyes of his, bagay na bagay sa guwapo nitong mukha at mamula-mulang mga pisngi. “Sheila’s not my date.” “Ah.  Niyaya ka lang din ba niyang magkape?  Bakit ako, nang yayain kita, tumanggi ka?”  Nakakasama naman ito ng loob.  Ganon na ba siya kapangit para tanggihan nito?  Nang tumingin naman siya kaninang umaga sa salamin, maayos naman ang itsura niya.   A, oo nga pala.  Baldado nga pala ang drama niya ngayon.  Siguro ayaw lang nitong may alagain sa oras na dapat ay nag-e-enjoy ito.  Hmm, sige na nga.  Pinapatawad na niya ito.  Gusto niyang tawanan ang sarili.  Pati sarili kasi niya ay kinakausap na niya samantalang noon, sinasabi niya kahit ang mga hindi niya dapat sinasabi ng malakas.   “Nevermind what I said,” bawi niya sa kalokohang sinabi.  “Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” “Hinatid ko si Shiela sa suite niya.” “Ah. So, paalis ka na.” “Oo.” “Pero elevator iyan paakyat sa mga suites. Andun ang exit ng Stallion Hotel,” turo niya sa bandang kaliwa niya. Imbes na sumagot ay pinindot lang nito ang buton ng elevator. At hindi na uli siya pinansin. Babalikan niya ba si Sheila sa suite nito? At… Bumukas na ang elevator at pumasok na roon si Brad. Naisip ni Chiza na mag-hagdan na lang kaysa mag-elevator. Parang bigla kasi na hindi niya feel makasama sa maliit na espasyo ng elevator ang lalaking may pinakamgandang berdeng mga mata. Tutal naman ay nakakapaglakad na siya kahit paano ng wala ang saklay, basta konting ingat lang sa paghakbang and she would be okay. And, anyway, exercise din naman ang pagha-hagdan at ilang araw na siyang hindi nakakapaglakad-lakad kaya magandang opportunity na ito. “Where are you going now?” boses iyon ni Brad. Medyo galit? Nilingon ni Chiza ang binata. “Akala ko naka-akyat ka na.” “Where are you going?” ulit nito. Bahagya pa siyang napaurong nang lapitan siya nito.  Hinihintay siguro siya nitong pumasok sa elevator kaya nandito pa rin ito hanggang ngayon. “You could use the elevator, you know.” “Sa second floor lang naman ako.  Dadaanan ko lang ang kaibigan—“ “You’re disabled at the moment.  Huwag kang tanga, Chiza.” “Aray ko.”  Hinawakan niya ang kanyang mga tenga.  “Ang lupit mo namang magsalita.” “Ayaw mo kasing makinig.  Lagi mo na lang pinahihirapan ang sarili mo.” Natatawa na siya nang pagmasdan ito.  Tila kasi gustong-gusto na siya nitong kutusan.  And with his gleaming green eyes and serious handsome face, he looked so funny in her eyes.   “What’s so funny?”  Salubong na ang mga kilay nito. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili.  Natawa na siya nang tuluyan.  Hindi na rin siguro nito napigilan ang pagkaasar sa kanya dahil binuhat na siya nito hanggang sa elevator.  Pinindot nito ang ikatlong palapag. “Sa second floor lang po ako.” “You’re going straight to your room.”  Muli itong umalis.  Akala niya ay iiwan na siya nito ngunit pagbalik nito ay dala na nito ang kanyang mga saklay.  Tamang-tama namang bumukas na ang elevator. He gently pushed her inside and thrusted the crutches to her.  Nakangisi na lang siya habang nakamasid dito sa pagsara ng elevator door.  He was watching intently with that mysterious glow in those green eyes of his.  Kinawayan pa niya ito kaya nga nagulat siya nang bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator ay pinigilan na nito iyon.  Pumasok na rin ito. “Hello,” bati niya rito.  “May pupuntahan ka sa third floor?” “Yeah, I’m making sure you’re really going straight to your room.” “I am.” “Wala akong tiwala sa iyo.  Sasamahan na kita at baka atakihin ka na naman ng katangahan mo, kung ano na naman ang gawin mo.  I’m sick and tired of rescuing you.” Hambalusin kaya niya ito ng saklay niya?  “Wala naman akong sinasabing iligtas mo ako, ah.  Ikaw diyan ang lapit nang lapit sa akin.”  Hindi ito umimik.  “At hindi ako tanga, ‘no?  So, will you please stop insulting me?” “I’m not insulting you.  I was merely pinpointing your mistakes.” “Everyone makes mistakes once in a while.  Kailangan iyon para matuto.” “You’re allowed to make mistakes once or twice while you’re still here at the Club.  Thrice…that’s just too much for you.” Tila nalusaw na kandila ang inis na nararamdaman niya rito.  Kung magsalita kasi ito, parang…parang… Bumukas na ang elevator at nauna na itong lumabas.  Kunot-noo siya nitong nilingon. “Ano pang nginingiti-ngiti mo riyan?” tanong nito.  Itinukod nito ang isang kamay sa elevator door upang pigilan iyong magsara. “Natutuwa lang ako.  Concern ka nga lang sa akin kaya nagagalit ka.  I can see that now.”  Lumabas na rin siya ng elevator.  “Thanks.” “Don’t thank me.  Ginagawa ko lang ito dahil…” “Dahil…?” Nagsalubong na naman ang mga kilay nito.  “Ang dami mo pang tanong.  Give me your room key.” Ito na mismo ang nagbukas ng kanyang suite at inalalayan na rin siyang makapasok.  Nararamdaman niyang masaya siya.  Mas masaya kaysa noong pinili niyang mag-isa at lumayo sa mga kalalakihan. “Mabait ka naman pala, ano?” aniya nang maupo sa isang silya roon.  She really couldn’t wait to walk again on her own two feet.  “Wala ng rason para lumayo ako sa iyo gaya ng sabi ni Trigger.” Natigilan ito nang ilagay nito sa isang tabi ang kanyang mga saklay.  “Trigger told you to stay away from me?” “Para rin naman daw iyon sa kabutihan ko.  Baka raw kasi ma-inlove ako sa iyo.” He was silent for a while.  When he finally turned to her, there was an irritated knot on his forehead.  “And what’s wrong with that?” “Nothing.  He probably thought I was—“ “No.  What’s wrong with falling  inlove with me?” Siya naman ngayon ang natahimik.  Sa naging katanungan nito ay doon lang niya kung gaano kalaki ang extent ng naging kadaldalan niya.  Pero hindi rin naman niya mapigil ang sariling hindi magtanong.   “Yeah, what’s wrong with it?” “I was asking you, Chiza.” What’s wrong with falling inlove with you?  Sinalubong niya ang berdeng mga mata nito.  May kung anong makulit ideya na laging pumapasok sa isip niya sa tuwing pinagmamasdan ang mga mata nitong iyon.   I don’t know.  That’s what’s wrong with falling inlove with you, Brad.  I don’t know anything anymore.  I don’t even know what am I feeling right now.  If this is love or not. “Ahm, is there anythign I can do for you, Brad?  Bilang pasasalamat sa pagtulong mo na naman sa akin.” Kung hindi man nito nagustuhan ang pag-iiba niya ng usapan, hindi na ito kumibo pa.  “Wala.  Libre ang pagtulong ko.  Ikaw, may kailangan ka pa ba na puwede kong maibigay?” Yeah, can you get us back in time where we first met?  So, I could stop myself from letting myself be this close to you?  So, I wouldn’t have this kind of dilemma right now?  I really hate talking to my mind. “Puwede bang magpa-order ng pagkain dito?  Hindi kasi ako nabusog sa kinain namin sa conference hall kanina.  Hindi kasi ako makatagal sa pagtayo para pumila sa buffet table.” “Wala man lang tumulong sa iyo?” “I didn’t ask for help.” Napabuntunghininga na lang ito bago nilapitan ang telepono at nag-dial.  “Hindi ka rin pinakain man lang ni Trigger?” “Kape lang naman ang in-offer niya.” “Why did you accept a date like that?” She couldn’t help grinning.  “Because Trigger asked me.  Ikaw din, kung yayayain mo akong makipag-date, tatanggapin ko iyon.  kahit sa karinderya mo lang ako dadalhin at tootphick lang ang i-o-offer mo sa akin.  Just as long as you ask me.” “And why would I ask you out?” “For a change.  Tutal naman, ako na ang nagyaya nung una.” He was looking at her like she was some sort of a lunatic as he placed an order over the phone.  Pero hindi rin nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang kakaibang kislap ng berde nitong mga mata.  Na tila ba natutuwa rin ito sa kanya.  O halusinasyon lang niya iyon dahil gutom na siya?  Whatever.  At least hindi na niya iniisip pa ang mga nauna na niyang pinoroblema kanina.  mas okay na ang ganito.  Dapat siguro ay hindi na lang niya masyadong iniintindi ang mga nararamdaman niyang kakaiba para rito.  At nang hindi na sumasakit ang ulo niya sa kakaisip.  She should just enjoy it, tutal naman malapit na rin siyang umalis.  Babaunin na lang niya ang magandang experience niya sa lugar na iyon, kasama ng lalaking ito. Matapos maka-order ay may napansin na naman itong nakakuha sa atensyon nito.  Nilapitan nito ang bintana niya. “Bakit bukas ito?” “Mas gusto ko ang fresh air.  Napaka-rare nun dito sa Pilipinas kaya sinasamantala ko lang.” Ang sumunod na nakakuha sa atensyon nito ay ang picture frame na nakapatong sa kanyang nightstand.  Gusto sana niya itong sawayin ngunit bago niya iyon nagawa ay ibinalik na rin naman nito iyon sa estante. “He’s goodlooking,” anito. “That’s Maxwell.  He’s Canadian.” Ewan niya pero parang ayaw niyang magkuwento rito tungkol sa lalaking nasa larawan.  Hindi na rin naman ito nagtanong pa kaya okay na lang din iyon.   Isinara na nito ang bintana.  “Masyadong malamig ang hangin dito kapag hapon na.  Nagpapagaling ka pa kaya makakabuting isara mo ito bago maggabi.” “Oo.” Kakaibang katahimikan ang sumunod.  At hindi niya gusto ang katahimikang iyon.  Kaya pinairal na lang niya ang kadaldalan niya. “Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa hotel?  Ang alam ko, may kanya-kanyang bahay na tinutuluyan ang bawat miyembro ng club.” “May kinausap lang akong tao.” Katahimikan uli.  Naman!  Hindi man lang ito mag-contribute para hindi sila nagkakaroon ng ganitong sitwasyon.  She’s leaving tomorrow.  Puwede bang makipag-cooperate naman ito?  She’s trying to make a conversation here. Ayaw naman din kasi niyang umalis nang hindi sila nito nagkakasundo.  Pero talagang mukhang wala na sa mood makipag-kuwentuhan si Brad.  Laking pasasalamat na lang niya at dumating na ang in-order nito. “Samahan mo na akong kumain,” yaya niya rito. “Ikaw na lang.”  Pero ito na ang nag-serve sa kanya ng mga pagkain.  Sweet. Ang mas ikinagulat niya ay nang maupo ito sa tabi niya at makikain na rin mayamaya. “Coffee lang din ba ang in-offer sa iyo ng ka-date mo?” aniya rito. “No.  Its wine.” Patuloy sila sa pagkain.  Magaan na uli ang pakiramdam niya.  “Baka gusto mo rin akong subuan, Brad.” “Don’t push it, lady.” Tumawa lang siya at nilagyan ng dalawang piraso ng lumpiang shanghai ang paperplate nito.   “Napansin kong wala na ang sling ng braso mo.  Okay na ba iyan?  Baka naman tinanggal mo na naman iyan dahil lang ayaw mong mapagtawanan ng mga co-members mo.” “Its fine.  Nakapagpa-check up na rin ako sa doktor kanina.” “Talaga?  Bakit hindi tayo nagkita sa clinic?  Kanina din ako nagpa-check up, eh.” “I saw you.” “So, kaya hindi ka na nagpakita sa akin.  Hindi naman ako nangangagat, ah.”  Hindi na ito sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.  “Hidni ka yata naka-riding uniform ngayon.”  Wala pa rin yata talaga itong balak sumagot.  Napabuntunghininga na lang siya.  “Mabuti at hindi ka nilalayasan ng mga women companions mo?” Napalingon ito sa kanya.  “Paano mong nalaman iyan?” “Alin?  ‘Yung tungkol sa women companions mo?  Sinabi sa akin ni Trigger.” “Mukhang close na kayo, ah.” “Selos ka naman?”  Binuntutan lang niya iyon ng tawa.  “Don’t worry, we’re just friends.  At hindi kami nag-date.  Nagkape lang talaga kami.  In fact, ikaw pa nga ang pinagkuwentuhan namin.” “Im not jealous.  I’m not worried.  I don’t even care if you date all the guys here.” “All the guys?  Grabe ka naman—“  Dinampot niya ang nag-iingay na cellphone.  It was her mom calling in from Australia.  “Hello, Ma.  Napatawag kayo?” “Nagwawala na si Maxwell dito, hija.  We don’t know what to do with him anymore.  Nami-miss ka na siguro nito.  Bumalik ka na nga dito.” Tumawa lang siya.  “Nami-miss lang nga siguro ako niyan, Ma.  Paka-usap sa kanya.”  Ilang sandali pa ay narinig na niya ang ungol ng isang hayop sa telepono.  “Hello, Maxwell.  How are you?  Don’t worry, honey.  Mommy’s coming home soon.  Real soon.  I miss you too.”  Isang tahol ng kanyang alagang aso ang narinig niya bago ang boses uli ng ina ang kumausap sa kanya.   “Well, he looks fine now.  Tama talaga ang suggestion ng Papa mo.  Siyanga pala, kailan ba ang balik mo rito?” “Tapos na bukas ang convention.  Kaya baka bukas din ng gabi nandiyan na ako. Ano nga pala ang gusto ninyong pasalubong, Ma?” Nskita niyang tumigil na sa pagkain si Brad.  Mayamaya pa ay tumayo na ito at sumenyas na aalis na. “Ma, sandali lang ha?”  Binalingan niya ang binata.  “Tapos ka na?” “Sabi naman sa iyo, busog ako.” “Okay…salamat nga pala sa libre, ha?”  Tumango lang ito.  “How about that date, Brad?  Ayaw mo pa rin ba?” Tiningnan lang siya nito at marahang umiling bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.  Is something wrong with him?  Bakit parang nagalit na naman ito? “Who was that?” tanong ng kanyang ina pagbalik niya rito.  “May lalaki ka sa kuwarto mo?” “Si Brad iyon, Ma.  Isa sa mga exclusive members ng Club kung saan ginaganap ang convention namin.” “Really?  So, what’s he doing in your room?” “Alam ko na iyang iniisip ninyo, Ma.  Pero malayo roon ang relasyon namin.  Sinamahan lang niya ako rito dahil may nangyaring aksidente sa akin kahapon.” “You had an accident?” “Pero okay na ako, Ma.  Naipitan lang ako ng ugat sa ankle.  And Brad’s been taking care of me.” “That’s good.  Guwapo ba siya?” “He’s half-Irish and half-PInoy.” “Oh.” “And he’s got green eyes, Ma.” “Oooohh.  I like him already.  Do you?” “Well, he’s really nice.  Kahit na nga ayaw niya iyong ipakita sa iba.” “So, you like him.” “I guess so.”  Hindi na naman niya mapigilan ang mapangiti. “Masaya ako para sa iyo, hija.  And I’m sure, masaya rin si Maxwell. Napalingon siya sa larawan ng dating kasintahan.  He was smiling at her at the picture.  Nalungkot na naman siya nang maalala ito.  Ngunit hindi na gaya noon ang kalungkutang nararamdaman niya ngayon.  And its all because Brad’s been with her to make her day complete. Its been a while since she felt this way.  Masaya na rin siya para sa kanyang sarili. “Sayang nga lang at malapit na kaming maghiwalay, Ma.” “Ano ba iyang sinasabi mo?  E, di manatili ka pa riyan kung talagang gusto mo pa siyang makasama.” “Hindi na puwede, Ma.  Three days lang ang ibinigay na araw sa amin ng management ng Stallion Riding Club.  For convention lang talaga.  I don’t know kung mag-a-allow sila rito ng mananatili for vacation purposes.” “Then talk to the management—“ “Ma, mabuti na rin siguro na makauwi na ako riyan agad.  Nami-miss ko na rin naman si Maxwell.” But she knew it wasn’t her dog she was missing the most.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD