HAPON NANG maisipan ni Chiza na maglakad-lakad muna sa forest part ng Stallion Riding Club. Katatapos lang ng ikatlong araw ng convention at naghahanda na ngayon ang lahat para sa kanilang pag-alis bukas ng umaga. Matagal na siyang nakahanda kaya ngayon ay pabandying-bandying na lang siya. Isa pa, gusto niyang lasapin sa huling pagkakataon ang kagandahan ng lugar na iyon na nakapagbigay sa kanya ng bagong pag-asa sa buhay. Kung hindi kasi siya nakarating dito, baka hanggang ngayon ay nagkukulong pa rin kanyang lungga sa Australia at mag-isa.
Napangiti siya nang makita ang puno kung saan sila unang nagkakilala ni Brad. And speaking of Brad, nakita niyang naroon din ang binata. Nakatayo ito habang nakasandal sa katawan ng puno at nakatanaw sa magandang view ng Taal Lake. Fully recovered na nga ito sa natamong pinsala dahil pinayagan na uli ito ni Reid na makasakay ng kabayo. Ilang metro mula rito ay nanginginain naman ang alaga nito. He was wearing his riding uniform and he looked even more like a prince in her eyes with each passing moment.
Kuntento na sana siyang pagmasdan lang ito kung hindi nag-ingay ang kabayo nito. Nabulabog tuloy ang binata at napalingon sa direksyon ng hayop. Nahagip na rin tuloy siya nito ng tingin. She didn’t know what came to her when she looked into those deep green eyes of his. Kumabog nang husto ang dibdib niya.
“Ahm, sorry. Naistorbo ba kita? Naglalakad-lakad kasi ako nang makarating ako rito.”
“Naliligaw ka ba?”
“Ha? Hindi, ah…” Ang totoo, wala talaga siyang plano na magpunta roon dahil hindi naman niya alam ang daan doon. Nagkataon lang talaga na doon siya nakarating. Idinaan na lang niya sa ngiti ang lahat. “Nandito ka rin pala. Nagse-senti ka rin ba? Kulang na lang pala ay umakyat ako ng puno at magpatihulog.”
“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Ako na lang ang pipilay sa iyo.” He brushed the side of his immaculate uniform. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Delikadong maglakad dito nang mag-isa, lalo na kung hindi mo kabisado ang lugar.”
“Gusto ko lang maglakad-lakad. Pina-practice ko na rin ang mga paa ko na masanay uli sa bigat ko. Alam mo iyon? Parang sa baby.”
“Well, you’re not a kid anymore so why don’t you go back and give yourself a favor? Take a rest. Hindi ba’t ngayon na ang alis ninyo? Ano pa ang ginagawa mo at nagpapagala-gala ka pa rito?”
Bakit ba nagsusungit na naman ito?
Nag-aalala lang iyan dahil baka nga naman maligaw ka, gaga.
Napawin naman agad ang inis niya rito sa isiping iyon. Bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Nag-aalala ka na naman ba sa akin? Ikaw talaga, Brad. Napapansin kong napapadalas na yata iyang pag-aalala mo sa akin. Hmm, baka iba na iyan, ha?”
Tumalas ang mga mata nito at nagsalubong ang mga kilay. “Hindi ako mahilig sa mga babaeng players.”
“Players? Ako ba iyon?”
“Meron pa bang ibang babae rito?”
“I’m not into sport.”
“You’re not dumb, Chiza.”
“Ah, my very first compliment from you. Ganito pala ang pakiramdam ng pinupuri mo, ano? Nakaka-high.”
Hindi na ito sumagot pa. Bagkus ay kinuha na lang nito ang kabayo at sumakay doon.
“Bumalik ka na sa hotel, Chiza.”
“Mamaya na. Ito na ang huling araw ko rito, eh.” Tiningala niya ito. “Hindi mo man lang ba ako ipapasyal, Brad? Close na rin naman tayo kung tutuusin, hindi ba?”
“No.” Pinatakbo na nito ang kabayo palayo.
Sinundan na lang niya ito ng tingin na may lungkot sa kanyang mga mata. “Brad, naman. Ito na nga ang huling pagkakataon nating magkasama, pinagsusungitan mo pa ako. Kabuwanan mo ba ngayon at ganyan ka kasungit?”
Napabuntunghiningan na lang si Chiza nang ibaling niya ang atensyon sa magandang tanawin ng Taal Lake. Gusto niyang magtampo sa binata. Pero ano naman ang dahilan niya ngayon? Afterall, he had all the right to be mad at her. She ruined his chances of winning a race the first time they met her, and she almost ruined his favorite sport when he got injured because of her. Kaya kung tambakan man siya nito ng sama ng loob nito sa mundo, tama lang iyon para kahit paano ay makaganti ito sa mga ginawa niyang panggugulo rito.
A gust of cold air brushed her cheeks. She closed her eyes and remembered the first man who taught her how to appreciate little things in life.
“Maxwell…”
Ngunit agad din siyang nagmulat ng kanyang mga mata dahil imbes na ang pamilyar na mukha ng dating kasintahan ang rumehistro sa isip niya, ang guwapong mukha ni Brad at ang berdeng mga mata nito ang malinaw niyang nakita. Weird…but she felt fine with it. Hinanap niya sa kanyang puso ang dating kasintahan.
“Are you doing this for me, Maxwell?” bulong niya sa hangin. “But I don’t think I’m ready for this. Not yet, Max. Please. Not yet.”
Ipinasya niyang bumalik na sa hotel para makapagpaalam na rin siya sa mga organizers ng convention na iyon. Tamang-tama namang nakasalubong niya si Trigger, hindi ito nakasakay sa kabayo nito. Bagkus ay hawak lang nito ang renda niyon. Mukhang gaya niya ay type rin nito ang maglakad-lakad ngayon.
“Trigger! Kumusta?”
Tumaas lang ang mga kilay nito ngunit sumilay naman ang ngiti sa mga labi nito. “Okay lang. Anong ginagawa mo rito, Chiza?”
“Nag…naglalakad-lakad. Gusto ko pang makita ang ibang lugar dito sa Stallion Riding Club bago sana ako umalis.”
“Oo nga pala. Ngayon ang tapos ng convention ninyo, hindi ba?”
“Kanina.” Sinulyapan niya ang direksyong pinanggalingan nito. “Nakasalubong mo ba si Brad?”
“Hindi. Bakit?”
Napabuntunghininga na lang uli siya. She could confide in him. Sandali lang sila nitong nagkausap sa coffeeshop kahapon ng umaga. Pero ito ang nag-iisang taong nakaalam ng nararamdaman niya para kay Brad.
“Hindi ko maintindihan ang kaibigan mong iyon. Akala ko, okay na kami. I mean, he even came to my room to make sure I won’t get myself into trouble again. Sinamahan pa nga niya akong kumain. Tapos, biglang bigla na lang, hindi na naman siya namamansin. Pinagsusungitan na naman niya ako. Wala naman akong alam na ginawa kong mali para magkaganun siya sa akin.” Napaka-pathetic na nitong ginagawa niya. Biruin mo, naglalabas siya ng sama ng loob sa isang lalaking nakasalubong lang niya sa gubat.
She must have been this desperate.
“Paalis na nga lang ako, ganito pa ang napapala ko.”
“You like Brad?”
“Oo na nga. Hindi ba’t inamin ko na iyan sa iyo kahapon?”
“Ah, okay. Sorry, medyo nakalimutan ko. Pero matanong ko lang…are you in love with Brad?”
“Nasagot ko na nga iyan, ‘di ba?”
“Like and love is not the same thing.”
Napatitig siya rito. Nakangiti lang ito sa kanya. Parang gusto niyang magtaka. Kahapon kasi ay hindi naman ito gaya ngayon na lagi na lang nakangiti. Pero ang mas inalala niya ay ang huling sinabi nito. Pati na rin ang naging huling katanungan nito. Was she inlove with Brad? Inamin na niyang gusto niya ito. Pero magkaibang bagay nga naman ang gusto at mahal, hindi ba? Simple lang ang tanong. Simple lang din ang isasagot niya. Yes or no lang. Ngunit tila napakahirap naman mamili sa dalawang kasagutang iyon.
“I…” Am I inlove with him? Palakas na nang palakas ang t***k ng kanyang puso. Hanggang sa pakiramdam niya ay tila kakapusin na siya ng hininga. I can’t be inlove with him. We’ve only been together for three days. Madalas ay nagkakagulo pa nga kami. How can I be inlove with him?
May narinig siyang mga yabag at mula pinanggalingagn direksyon ni Trigger ay sumulpot ang kabayo ni Brad. He was still riding on it. And the knot on his forehead was still visible as he stared down at her. Nagrambulan na nang husto ang emosyon niya. Nakigulo pa ang puso niya.
“He’s Jigger,” tukoy nito sa lalaking kaharap niya. “Hindi lahat ng lalaking may mukha ni Trigger ay si Trigger na, Chiza.”
“H-hindi ikaw si Trigger?” tanong niya sa kaharap. “Kung ganon…”
“Kung ganon, huwag ka na uli babalik dito para lang hanapin si Trigger,” singit ni Brad.
“Hindi si Trigger ang dahilan ko nang magpunta ako rito.”
“Oh? Then what are you doing here, talking to him?”
“I thought he was Trigger.”
“You ‘wanted’ him to be Trigger.”
Nagpagting na rin ang kanyang mga tenga. “Bakit ba lagi mong minamali ang mga sinasabi ko? It is what it is, Brad. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka.”
“Hindi ko naman kailangang maniwala. Its really none of my business who you go out with.”
“Ganon naman pala, eh. So, bakit ka ganyan kung makapagsalita ngayon? At bakit na parang lagi kang nagagalit kapag napapasok sa usapan si Trigger? Are you jealous of him?”
“And why would I be jealous? I told you, I’m not into two-timing girls.”
“I am not a girl! Dalaga na ako. And will you please stop acting like a kid? Dapat siguro ikaw ang tinatanong nitong si Trigger, eh.”
“I told you he’s not Trigger!”
“E, magkamukha naman sila kaya pareho na rin iyon.”
“Magkaiba sila!”
“I think Brad was just jealous, Chiza.”
“Shut up, Jigger!”
“You know, I really don’t like that word.” Sumakay na rin ng sarili nitong kabayo si Trigger. O si Jigger. Basta. “Bahala na nga kayong mag-ayos ng problema ninyong iyan.”
And then he was gone. Naiwan silang nagsusukatan ng titig ni Brad. Hindi siya nakatiis.
“Pinagseselosan mo nga ba si Trigger?”
“No.” He maneuvered his giddy horse towards the other direction. “And for the last time, that’s Jigger, not Trigger.”
And then he went off. Naiwan na naman siyang nakatanga na lang dito. “So, if you’re not jealous, why the heck are you acting like that? What are you so mad about?”
Nanggigigil niyang pinagsisipa ang mga tuyong dahon na nadadaanan habang naglalakad pabalik ng hotel. Nakakainis! Nakakainis talaga! hindi lang siya kay Brad nabubuwisit. Pati sa kanyagn sarili. Dahil hindi niya masagot ng maayos ang iniwang katanungan ni Jigger sa kanya.
“Peste! Kung bakit naman kasi ang kakambal pang iyon ni Trigger ang nakasalubong ko? Nalaman tuloy niya ang hindi dapat niya nalaman. At hindi na sana nagulo pa ng ganito ang isip ko sa lintik na katanungang iyon!”
Do I love him? Am I in love with him? Aahhhh! Napatanga si Chiza sa harap ng nagtataasang mga puno at masukal na kapaligiran. Where the heck am I? Hindi na niya namalayan ang nilalakaran kaya ngayon, imbes na makabalik ng hotel ay mas lalo pa niyang napasok sa kagubatan.
“Darn it! Naligaw na yata ako.” Lumingon-lingon siya sa may kasukalan na parte ng kagubatang iyon. “s**t. Naligaw na nga ako. Hindi ko na alam ‘to. Saan ba ako nanggaling…”