“MAYBE WE should do the steeplechase for the next round. Marami pa sa atin ang hindi gaanong nakakapag-perform ng maayos sa event na iyon.” “Dapat siguro mag-grupo-grupo na tayo. Para mas organized ang mga magiging practice sessions natin.” “Okay lang sa akin. Ang problema, magkakapareho ba ang magiging schedule natin sa trabaho para magkasundo sa oras at araw ng practice?” “Pero hindi rin naman puwedeng hintayin natin ang schedule ng isa’t isa. Sa busy natin, aabutan na lang tayo ng Second Coming e hindi pa tayo nagkakasundo sa schedule.” “Sige, ganito na lang. Kung sino ang talagang gustong sumali sa mga game events sa Open Tournament, magpalista na lang. Ang mga iyon ang payag na mag-practice according to plan. ‘Yung iba na hindi makakuha ng maluwag na schedule, practice on yo