NAKATALUNGKO LANG si Chiza habang yakap ang sarili. Nilalamig na siya at nagugutom. Pinapapapak na rin siya ng mga lamok na akala niya ay naging friends na niya dahil sa sobrang tagal na niyang nakaupo roon. Kanina pa siya nagpapalakad hanggang sa makabalik siya sa puno kung saan una silang nagkita ni Brad. Doon na lang siya naupo upang magpahinga. Malapit na ang hotel pero natatakot siyang maglakad dahil masyado ng madilim ang paligid. Baka mamaya, imbes na daan pabalik ng hotel e daan papuntang langit ang mapuntahan niya. She could still wait here. Siguro naman kahit paano ay may maghahanap na sa kanya. “Brad…” bulong niya. “Hanapin mo ako, walanghiya ka. Kasalanan mo kung bakit ako naligaw.” Sa haba ng nilakbay niya sa pagpapaikot-ikot sa kagubatang iyon, tila nag-expire