NAKATANGA NA lang si Chiza habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Western-style house na iyon ni Brad. Sa liwanag ng buwan at mga bituin, litaw na litaw ang kagadanhan niyon. Parang munting palasyo sa gitna ng kawalan. Napakaganda. Itinatali pa ni Brad ang kabayo nito sa puno di kalayuan sa bahay kaya naisipan niyang libutin ang kabuuan paligid ng bahay. Napapalibutan iyon ng mababang bakod at napapalamutian ng mga halamang namumulaklak. Sa pinakalikuran ng bahay ay may patio na nakatanaw sa Taal Lake. She looked up at the bright moon above. Ang lahat yata ng feature ng bahay na iyon, na-complement ng natural na ganda ng kalikasan. “Chiza!” sigaw iyon ni Brad. “Right here.” Nakita niyang tila nagmamadaling nagtungos sa kanya ang binata. “You know, ngayon lang ako nakakita ng gan