“WHAT? KUNG ganon, sino ang ‘honey’ na kausap mo sa telepono noong nandun tayo sa hotel suite mo nang tumawag ang Mama mo?” “That was my dog. I mean, mine and Max’s.” Ilang sandali ring nawalan ng imik si Brad sa tabi ni Chiza. Ayaw pa sana niyang pag-usapan ang tungkol doon at ang balak niya ay sa kanyang pagbabalik na lang niya ikukuwento iyon sa binata. Pero hindi na yata talaga iyon maiiwasan ngayon. “Namatay sa cancer sa dugo si Max. I knew he had leukemia even before we started dating. Pero hindi iyon napigilan na mahalin ko siya. Tinanggap ko ang kalagayan niya at minahal siya sa kabila ng pagtataboy niya sa akin dahil nga sa sakit niya. Siguro inborn na sa akin ang kakulitan at isa siya sa mga naging biktima ng karisma kong iyon, kaya kahit ayaw niya, minahal din niya ak