PARANG MAY mali. Parang may hindi tama. Iyon ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Chiza habang pinagmamasdan si Brad na naglalakad palabas ng clubhouse lobby. Something was wrong. Because her heart was feeling so restless and…hurt. At naiiyak siya. Oh, my goodness! Nababaliw na yata ako. Isang panyo ang nakita niyang iniabot sa kanya ni Trigger. “Narinig ko sa balita na nakaalis na ng bansa ang bagyo. Cold front na lang ang dahilan kng bakit umuulan pa hanggang ngayon. But in an hour or two, baka tuluyan ng gumanda ang panahon. I could take you back to Manila myself. We could my chopper. That is, if you really want to go.” “Walang masama kung babawiin mo ang mga sinabi mo, Chiza,” wika naman ni Jhunnica. “Kunsabagay, lahat na ng tao ngayon nagsisinungaling. Pati
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books