Chapter ninety five MAXINE’S POV’S Sobrang curious ko kay Clara kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, siguradong magkikita sila ni Juancho yun kase ang dinig ko, ang magiging lolo ko sa hinaharap makikita ko na rin sa wakas, kaya naman sinundan ko siya saan man siya magpunta. Hindi ako nakapagpaalam kay manang Cora kakasunod kay Clara, medyo malayo na siya sa bahay nila Lucas at huminto siya sa isang malaking puno, pasilip silip pa siya para makita kung may ibang taong nakasunod sa kanya. Magaling ako magtago kaya hindi niya ako mapapansin. Wala pang isang oras kaming naghintay ay may palapit ng lalake sa kinatatayuan niya, mukhang si Juancho na yun. May itsura rin siya at makisig rin ang katawan niya, mas matangkad nga lang si Lucas. Agad siyang niyakap ni Clara ng magkita s