Chapter ninety six MAXINE’S POV’S Hindi tuloy ako makatakas kay manang Cora, hindi ko kase siya tinulungan kahapon dahil nag usap kami ni Lucas. “ Ako na po magdadala nito.” Ayaw niya akong palabasin kaya nagvolunteer ako na magdala ng pagkain sa bukid. “ Ako na lang baka mamaya ay hindi ka nanaman bumalik.” “ Ako na po, mabigat to at napakainit baka mahimatay kayo wala na akong nanay pagnagkataon, aray!” bigla niya akong hinampas. “ Anong tingin mo sa akin? Madaling mamatay?napakabata ko pa at malakas pa ako sa kalabaw.” “ Ako na lang po magdaala nito.” “ Hindi pwede, ako na ang magdadala nito, hindi ka lalabas ng bahay na ito, baka hindi ka nanaman mahagilap.” Hays! Ang tigas niya, hindi siya naaawa sa akin? Ang boring na dito sa loob ng bahay, gusto ko na lumabas, wala pa man