Chapter ninety seven MAXINE’S POV’S Ilang lingo na ang lumipas, lingo na lang din ang bibilangin bago ang kasalan nila Lucas, napakablis ng oras na para bang minamadali na rin ako na sabihin ang katotohanan tungkol sa totoong nangyari sa panahon namin. “ Oh, dalhin mo to sa bu—” “ Akin na po!” agad kong kinuha yung basket dahil dadalhin ko ito sa bukid, at naroon si Lucas sa bukid. Hindi ko na siya nakakausap ng matagal kagaya ng dati kaya naman natatakot ako na iniiwasan na niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya at pinapaalala ko sa kanya si Maxine. Hindi ko maintindihan si Lucas ngayon, kakaiba na siya para bang may itinatago rin siyang sikreto. Mabuti na lang naabutan ko siyang mag isa sa may bukid. “ Yung pagkain pala dala ko na.” “ Salamat Emily.” Ngumiti siya pero hindi na