Chapter ninety eight MAXINE’S POV’S Sobrang lugmok ko habang naghuhugas ng kaldero pero bigla akong nakarinig ng may sumisigaw na akala mo ay may nasunugan. Maxine siya ng Maxine kaya nagulat ako, tumatakbo si Kaleb papunta sa akin kaya napatayo ako, hingal na hingal siya kaya binigyan ko siya ng tubig dahil nahihirapan siya magsalita. Nabigla ako ng banggiti niya si Jingle. Ang crush niyang si Jingle naaalala niya kaya malamang naaalala na niya ako, tuwang tuwa kaming dalawa habang nagyayakapan, mukha kaming tanga hahaha. Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya ngayon at naaalala na niya ako. Hindi ko naiwasang mapaluha sa sobrang saya ko. “ Paano mo naalala?” “ Dahil sayo, pinapaalala mo paulit ulit kaya naman iniisip ko rin ng paulit ulit, hindi lang ikaw ang sumagi sa isipan