Chapter ninety nine MAXINE’S POV’S Assumera lang ba talaga ako? Ngayon naman normal na normal ang turingan nila Lucas at Clara sa isat isa, hindi na namin hinintay si Clara kahapon at umuwi na agad kami. Walang ibang reaksyon si Lucas ng makauwi kami, ganun din si Clara. “ Hays! Gulong gulo na ako sa nangyayari, wala pa akong nagagawa, ang lapit lapit na ng kasal.” “ Huy!” “ Ano ba Kaleb!” “ Hindi ka na mabiro, napakaseyoso mo parin katulad ng dati Maxine.” Umupo siya sa tabi ko habang nakatunganga ako dito sa kusina. “ Anong nangyari kahapon? Paumahin dahil hindi ko napigilan noong pasamahin ka nila sa bayan, alam ko namang masasaktan ka kapag sumama ka.” Nasaktan nga ba ako? Kinilig nga ako dahil nasa iisang payong kami ni Lucas, yung akala ko na sinundan niya si Clara para sun