Chapter one hundred MAXINE’S POV’S Kakahatid ko lang ng pagkain dito sa bukid, kasama ko ngayon si Kaleb at siya ang nagbitbit ng basket. “ Anong bumabagabag sa iyo Maxine?” “ Kakaiba si Lucas.” “ Kakaiba naman talaga si Lucas, matangkad, magandang lalake at higit sa lahat ay mayaman—“ “ Hindi yan yung ibig kong sabihin.” “ Eh ano?” “ Iba talaga yung kinikilos niya, parang kilala niya ako.” “ Paano mo nasabi yun?” “ Binuksan niya kase yung ilaw kagabi.” “ Hahaha binuksan niya lang yung ilaw ganyan ka na? Hahaha.” “ Tumigil ka nga seryoso ako, parang kilala niya ako na parang hindi, kase kung oo bakit itutuloy parin niya yung kasal?” “ Alam mo Maxine, sadyang mabait lang si Lucas kaya nagagawan mo ng ibang kahulugan ang mga pinapakita niya sayo, tama ka sa sinabi mo na kung kil