Chapter sixty one LUCAS POV’S Narito kami ngayon sa trabaho ni Maxine at kinakausap ako ngayon ng mga matataas ang posisyon dito sa kompanyang ito. “ Kailangan mong itanggi na may girlfriend ka kung hindi mas lalaki ang issue.” “ Tama yun Lucas, kailangan mong gawin ang bagay na iyan kung hindi madadamay ang girlfriend mo.” Paano madadamay si Maxine? Nadamay na nga siya mismo. “ Gagawa kami ng presscon mamaya at lahat ng sasabihin namin sayo ay kailangan mong sabihin sa media mamaya.” Bakit ang mga tao dito ay dinidiktahan ang gagawin ng isang tao? Hindi ba pwede na kung ano ang gusto kong sabihin ay yun dapat ang masunod. Hindi ako sumasagot sa kanila dahil ayoko ng mga iniuutos nila sa akin. “ Huy Lucas makinig ka sa amin, importante itong career mo dahil kapag may mali kang sina