Chapter sixty two MAXINE’S POV’S Nakaupo lang kami ngayon ni Lucas sa labas ng bahay, sinundo niya ako dahil sinumbong ako ni Kaleb, pasaway talaga napakaloyal sa kaibigan niya sabing uuwi rin lang. Pero mas okay na rin yun hindi ako napahiya kanina dahil kitang kita nila na nagsasabi ako ng totoo. Nainsulto lang ako ng bongga, ang gandang lalake naman kase ni Lucas. “ Huwag kang lalabas ng hindi ako kasama.” “ Bakit kailangan kasama ka pa?” “ Walang magtatanggol sayo.” “ Kaya ko sarili ko, iiwas lang ako sa kanila para walang gulo.” Kaso kanina first timeko mabully ng ganun sa harap ng maraming tao, mga mas bata pa sa akin ang gumawa nun. Kahit mga teen lang sila, nasaktan ako sa insultong pinagsasabi nila sa akin, parang lahat ng fans ni Lucas ay sinasabing hindi ako deserve na