Chapter eighty two LUCAS POV’S Napakaaliwalas ng kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin at kulay asul ang kalangitan. Nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno, dito ako dinala ng aking mga paa habang naglalakad lakad mag isa. Parang may kakaiba sa punong ito kaya ako napadpad dito. At parang may kakaiba din sa akin na hindi ko maipaliwanag ngayon, napatingin akong muli sa porselas na nasa kamay ko ngayon. Nararamdaman ko talaga na may nangyaring hindi ko maalala. Malakas ang kutob ko tuwing iniisip ko ito dahil maraming kakaibang bagay ang lumitaw sa amin ni Kaleb, maski ang kaibigan ko ay may inaalala rin na kakaiba. “ Anong nakalimutan ko?” tanong ko sa aking sarili, napakalakas ng pintig ng aking puso, para itong dinudurog paunti unti. Sumasakit ang ulo ko kakaisip, wala akong