Chapter eighty three MAXINE’S POV’S Dalawang araw na simula ng umalis si Lucas. Ang akala ko habang tumatagal ay makakalimutan ko na ang sakit kaso, bakit mas lumalala ang pagkamiss ko sa kanya bawat araw na lumilipas? Iyak parin ako ng iyak tuwing naaalala ko siya. Walang minuto na hindi ko siya naisip. “ Maxine, nandyan ka ba?” “ Oo, sandali lang.” Nasa sala ako at kumakatok si Dylan. “ Ano yan?” “ Alam kong hindi ka nanaman kakain kaya dinalhan kita nito.” May dala dala siyang almusal. “ Salamat.” Para kaseng ayokong gumalaw sa kinauupuan ko at ayokong makita ang bawat sulok ng bahay ko dahil naaalala ko si Lucas ganun na rin si Kaleb. Kaibigan ko na rin si Kaleb kaya naging malapit na siya sa akin. “ Wala ka bang trabaho?” tanong niya sa akin. “ Pinagpahinga muna ako ni ma