Kabanata XIII

2110 Words
Chapter thirteen MAXINE’S POV’S Ang daming tumulong sa akin ng maihaon na ako sa pool ni Lucas, agad akong sinalubong ni Sharlene at binigyan ng tuwalya. “ Maxine ano bang nangyari sayo?” “ Aksidente lang to, kasalanan ko rin hindi ko nakita dinadaanan ko.” Pagdadahilan ko, alangan naman sabihin ko sa kanila na pinatid ako ni Miraya, ang dami namin dito ngayon siguradong pagkakaguluhan si Miraya at ako nanaman ang magiging dahilan. Nakakahiya kay Dylan kapag nangyari yun. Pareho kami ni Lucas na basang basa, inasikaso din siya ni Sharlene dahil mukang may gusto ito sa kanya, kung alam mo lang kawirduhan niya. Pero nagpapasalamat parin ako at niligtas niya ako, sobrang dismayado ako kay Dylan dahil siya ang inasahan kong magliligtas sa akin dahil siya ang malapit sa akin. Hindi alam ni Sharlene na boyfriend ko si Dylan kahit na magbestfriend kami, paano naman kase ang daldal ng babaeng yan kaya inililihim ko sa kanya mga nangyayari sa akin, siya ang nagpapayo sa akin palagi sa mga problema ko kaso minsan yung payo niya palpak hahaha. Ang alam niya lang ay may boyfriend ako pero hindi ko pa pinapakilala sa kanya. “ Maayos na ba ang lagay mo Clara?” “ Okay ako, huwag ka mag alala.” “ Heto, magpalit kayong dalawa.” May binigay na damit sa akin si Sharlene at ganun din kay Lucas, pumunta ako sa may stock area namin para magpalit. Hindi man lang ako nilapitan ni Dylan hanggang ngayon, nakakalungkot naman. “ Clara—“ “ Aahh!” “ Paumanhin” agad siyang lumabas, nako naman mabuti na lang nakabra ako kung hindi, lagot na. Bakit bigla bigla na lang pumapasok si Lucas dito? Wala kaseng pinto itong pinagbibihisan ko, malaking tent lang ito tapos yung mahabang kurtina at yun ang harang ko. Nakakahiya naman oh, kanina ang lungkot ko pero ngayon nahihiya na akong lumabas. Mukhang may sasabihin siya sa akin kaya siya lumapit kaya binilisan ko na magpalit ng damit at lumabas agad. Nasa gilid ni Lucas si Jingle. “ Paumanhin Clara sa—“ “ Sshh!” pinatigil ko siya dahil nakakahiya kapag binanggit pa niyang nakita niya akong nagbibihis “ Bakit nandito ka? Nasaan si Dylan?” “ Nasa sasakyan, ayos ka lang?” bakit si Jingle ang lumapit sa akin hindi si Dylan? Kalungkot naman. Dapat yung boyfriend ko ang nagchecheck sa akin kung maayos ba ang lagay ko lalo pa at muntik an ako malunod, pero bakit ganun, hindi man lang siya nagpakita sa akin kahit palihim lang. “ Oo, okay lang ako pakisabi sa kanya.” ngumiti ako upang hindi ipahalata na, hindi talaga ako okay. Inutusan niya siguro si Jingle na kamustahin ako, bakit hindi siya ang pumunta? Tsk. Nagulat na lang ako ng nakita kong palapit sa akin si Miraya, ano nanamang gagawin nito sa akin? Baka pahiyain nanaman niya ako sa mga kasama ko. Lahat ng mga kasama ko sa trabaho ay nakatingin sa kanya at may sumusunod sa kanyang media, anong kalokohan to? “ Miss ayos ka lang ba?” huh? Ang lambing ng boses ah “ Mukhang kasalanan ko ang nangyari sayo, patawarin mo ko.” Humingi siya ng tawad sa akin at yumuko, ang lakas ng flash ng mga camerang nakatutok sa amin. Walang hiya naman ano to? kailangan talaga imedia lahat ng nangyayari? Pakitanggilas lang tong si Miraya dahil sikat siya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang humingi ng tawad sa akin. “ Okay lang yun.” Yan na lang ang tanging nasabi ko dahil, pinagkakaguluhan na kami ng mga media dito, lumapit sa akin si Miraya at niyakap ako tsaka siya umalis ng nakangiti sa akin. Ang galing din niya magpanggap, ganyan ba talaga sa showbiz? “ Dahil kay Dylan kaya yan nagsorry sayo.” “ Huh?” “ Napahiya siya kanina dahil kay Dylan.” “ Ibig sabihin, nakita ni Dylan ang nangyari?” “ Tama, kaso naunahan siya ng kaba at takot, pagpasensyahan mo na ang alaga ko Maxine, stress lang siya masyado.” Pinahiya niya pala si Miraya kaya humingi ng tawad bigla yung babaeng yun kahit napilitan lang para bumango ulit ang pangalan. Hay nako naman. Umalis na din si Jingle at mag aayos na kami ngayon ng mga gamit dahil tapos na ang kasal. “ Kakaiba talaga dito Clara, ibang iba sa lugar natin.” Isa pa tong si Lucas, anong lugar namin? May sarili ba kaming mundo? “ Ganito na talaga dito noon pa, anong kakaiba dito?” “ Ang mga nakaugalian ng tao pati na rin ang mga asal nila.” Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka dahil ganyan ka umasta, ikaw ang kakaiba Lucas hindi kami. Sasakit lang ulo ko kapag kausap ko to kaya lumipat ako ng area. “ Maxine magpahinga ka na, kami na dito.” Sabi sa akin ni Sharlene “ Pero parepareho kami ng trabaho kaya kailangan kong tumulong.” “ Ayos lang sa amin yun, sige na maghintay ka na lang sa upuan at magpahinga.” Pinilit ako ni Sharlene na magpahinga na lang, masakit parin ang paa ko pinipilit ko lang maging maayos ang paglalakad para matulungan silang lahat, nakakahiya kase kapag wala akong ginagawa, parepareho kami ng sasahurin tapos ako, uupo lang. Umupo na lang ulit ako at pinanuod silang magligpit ng mga dekorasyon pati ng mga gamit na nagamit dito. “ Clara, uminom ka muna.” “ Salamat” binigyan ako ng tubig ni Kaleb. Ag weird nilang dalawa ni Lucas pero mababait sila at napakagentleman, kakaibang kakaiba sila sa mga lalakeng narito. Nawawala ang isipin ko kay Dylan dahil kay Lucas, nakakabaliw naman kase makipagusap sa kanya, minsan matatawa ka na lang kapag pinapakinggan silang magsalita ni Kaleb. “ Okay! Mission accomplished!” sigaw ni Sharelne “ Good job guys!” “ Wohoo!” “ Galing!” “ At dahil maayos ang performance niyo, magpapainom ako!” “ Yehey!” ang ingay ng mga kasamahan ko dahil nakarinig sila ng inom. “ Sasama ka Maxine ah pati na rin yang pinsan mo.” Sabi sa akin ni Sharlene at talaga hinila niya kami ni Lucas palapit sa kanya. Sigurado ba siyang pati si Lucas? Okay na sana eh, hays bahala na nga, magpapakabait ako ngayon kay Lucas dahil iniligtas niya ako. Kailangan ko rin ng alak ngayon, para naman makatulog ako agad mamaya hirap kase ako matulog nitong nakaraang mga araw. Pumunta kami sa bahay nila Sharlene at inayos namin dito sa labas nila para dito mag inuman, malawak naman ang bakuran nila kaya kasya kami. “ Maxine, pwedeng ikaw na bumili ng alak? May gagawin pa kase ako.” Pakiusap sa akin ni Sharlene “ Sige.” Inabot niya sa akin yung pera. “ Isama mo si Lucas, taga bitbit.” Tinulak niya ng mahina si Lucas papunta sa akin. Malapit lang naman yung bilihan ng alak, lalakarin lang at kailangan ko nga talaga ng tagabitbit, wala akong kakilala sa mga kasamahan namin kaya no choice ako, si Lucas talaga isasama ko. “ Tara.” Aya ko sa kanya. Sumunod naman siya agad sa akin, naglakad lang kaming dalawa at walang umiimik sa amin ngayon. Yung damit niya normal na, hindi na parang yung damit noong panahon pa ng lola ko dahil pinahiram siya ni Sharlene ng damit ng papa niya. “ Maayos na ba talaga ang iyong lagay?” “ Oo maayos na.” Palagi niyang chinicheck kung okay ba ako, mas masahol pa siya sa boyfriend kong si Dylan ngayon kung umasta. Bumili ako ng alak at pati na rin ng pulutan inubos ko yung bigay nap era ni Sharlene, agad naman kaming bumalik ni Lucas at siya nagbitbit lahat. Habang naglalakad kaming dalawa ay may napahintong sasakyan sa gilid namin. Pamilyar itong sasakyan. Agad na bumaba ang driver, si Dylan pala at papunta siya ngayon sa akin, ang bilis ng lakad niya kaya hindi kami nakabalik agad ni Lucas. “ Mag usap tayo.” Hinila niya ako “ Teka, kailangan ko munang dalhin to sa mga kasama ko.” “ Hindi ba marunong umuwi yang kasama mo?” Oo, hindi siya marunong umuwi, baka mawala to at kung ano pang mangyari sa mga dala niya ang mahal pa man din ng mga alak na yan. Yung alak talaga ang inaalala eh, kase naman tong si Lucas para kaseng tanga kaya ang hirap iwan ako kase yung sinamahan niya kaya kailangan makabalik siya agad doon. “ Baka hanapin ako, basta kailangan ko muna madala to doon.” “ Siya na lang magdadala.” Pinilit akong isama ni Dylan kaya hinila niya ang kamay ko pero natigilan ako ng hilain din ni Lucas ang isa kong kamay. Ano ba naman to. “ Saan mo dadalhin si Clara?” “ Clara?” tanong ni Dylan “ Ah kase—“ magpapaliwanag pa lang ako pero nagkakatensyon na sa kanilang dalawa. “ Bakit Clara ang tawag niya sayo?” “ Nickname ko yun nung bata hehe.” Pagdadahilan ko, Lucas ilang beses ko na sinabing ako si Maxine. Kumunot ang noo ni Dylan dahil ngayon niya lang narinig yung sinabi kong nickname ko, ano ba naman to nagsisinungaling na rin ako kay Dylan. “ Teka? Sino ba to?” tukol niya kay Lucas. “ Ako ang nobyo ni—“ “ Pinsan ko yan.” kinurot ko sa tagiliran si Lucas para magtigil, hindi niya alam ang sinasabi niya lalo pa at kaharap namin si Dylan. “ Ngayon mo lang siya pinakilala sa akin.” “ Ah oo kase galing pa siya sa malayo, ngayon lang ulit kami nagkita.” Galing sa ibang planeta at hindi ko alam kung anong uri ng alien si Lucas. “ By the way, dalhin mo na lang yan sa mga kasama niyo, isusunod ko na lang si Maxine doon.” Walang nakapigil kay Dylan kaya naiwan si Lucas kung saan kami huminto, pinasakay ako ni Dylan sa sasakyan niya at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Huminto kami sa may gilid din lang ng highway. “ Bakit mo ko dinala dito.” “ Im sorry.” Pumunta lang ba siya dito para magsorry? “ Sorry saan?” “ Kanina.” “ Nakokonsensya ka ba kaya pinuntahan mo ko?” hindi siya umimik ibig sabihin tama ako, nakokonsensya siya dahil wala siyang ginawa. “ Alam ko ang lagay ng career mo at kung anong trabaho mo, aaminin ko naman na nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon, pero wala akong magawa dahil ganito lang ako.” Hindi kami magkalevel, may posibilidad na mawalan siya ng career kapag nalaman nilang ako ang girlfriend niya at baka maraming bumatikos sa kanya. “ Maxine” “ Ano yun?” “ Maghiwalay na tayo.” Tama ba rinig ko? Hiwalay ba? Teka? Nabibigla lang ata siya dahil nakokonsensya siya sa akin. “ Ano bang nangyayari sayo? Okay naman ako ah bakit nakikipaghiwalay ka? Joke nanaman ba yan?” hindi siya makapagsalita “ Uy Dylan, hindi magandang biro yan ah.” “ Sabi ko nga.” Binawi niya rin lang “ Pasensya na sa sinabi ko, ihahatid na kita.” Nanlalamig ang mga kamay ko at ang sakit ng puso ko ng direkta niyang sabihin sa akin yun, kahit binawi niya alam kong tinangka niyang makipaghiwalay sa akin. Hinatid niya ako sa harap ng bahay nila Sharlene, bawal siyang makita ng kahit na sino kaya huminto kami sa madilim na lugar. Umaambon na rin kaya dumiretso ako agad sa loob ng bahay nila Sharlene. “ Uy Maxine, nasaan si Lucas?” agad akong sinalubong ni Sharlene. “ Hindi pa ba siya bumabalik?” tanong ko. “ Bumalik siya dito dala dala yung mga pinamili niyo at pagkatapos, umalis din lang dahil ang sabi niya dinukot ka daw, nagalala kaming lahat sayo.” “ Dinukot?” Lumapit pa yung mga kasamahan namin sa akin, maski si Kaleb na busy kumakain at hindi napansina ng kaibigan niya. “ Saan siya nagpunta?” “ Hindi ko alam, ibig sabihin? Hindi ka dinukot?” “ Hindi, mali lang yung pagkakaintindi niya.” Palakas na ang ulan kaya napatingin ako sa labas “ Hinahanap ka niya ngayon sa labas, pero hindi niya alam na nandito ka na.” “ Akin na yung payong.” Nakakakonsensya naman si Lucas, hays! Sabi na nga ba hindi pantay utak nun eh iba ang intindi akala niya dinukot ako ni Dylan. Mabuti na lang at hindi niya kilala si Dylan. Kung hindi masasabi niya yun sa mga kasamahan ko dito. Agad akong lumabas ng makakuha ako ng payong, hahanapin ko si Lucas dahil siguradong hindi niya alam kung nasaan siya. Bakit ba ako nag aalala sa weirdong yun, kainis naman!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD