Kabanata XIV

2177 Words
Chapter fourteen MAXINE’S POV’S Binilisan ko maglakad para mahanap ko agad si Lucas, kasalanan ko to bakit umalis siya, dapat hindi ko siya iniwan kaso si Dylan kase. Kung saan saan na ako napadpad mahanap lang siya, umuulan pa man din. May nakita akong tao sa may waiting shed kaya agad kong pinuntahan, medyo madilim kase kaya hindi ko mamukhaan. “ Lucas?” “ Clara!” halata sa kanya ang pagkatuwa ng makita niya ako, agad niya akong hinila palapit sa kany at niyakap. “ Mabuti at ligtas ka.” Matagal bago ko narealize na ibang lalake ang yumayakap sa akin, itinulak ko siya ng mahina. “ Bakit mo ba ako hinahanap? Sabi ko naman sayo bumalik ka na dun.” “ Ang akala ko ay dinukot ka ng lalakeng yun kaya agad akong gumawa ng paraan para hanapin ka.” Hays naman naman Lucas. “ Hindi ako dinukot, kakilala ko yun.” Hindi siya umimik, malamang natauhan na dahil kung ano anong pinaggagawa kase. “ Ayan tuloy ang lakas ng ulan hindi tayo makabalik agad.” Nanatili lang kami dito sa waiting shed at hinihintay na humina ang ulan kaso mukang matatagalan pa kaya nakatayo lang kami dito. Napapaatras ako dahil nababasa ako ng mga patak ng ulan at mahangin din kaya pumapasok dito ang tubig ulan. Hindi ko mabuksan yung payong dahil mahangin at baka masira, wala kaming gagamitin pauwi. “ Dito ka.” Hinila niya ako papunta sa likuran niya. “ Anong ginagawa mo?” “ Hinaharang ko yung ulan upang hindi ka mabasa.” Isiniksik niya ako sa sulok habang siya? Nakaharang sa harap ko, maliit lang kase itong waiting shed kaya madaling mabasa dito sa loob lalo kapag ganito kalakas ang ulan. Napakagentleman naman niya masyado, may ganito pa palang lalake kahit na hindi naman niya ako gaanong kilala. Parang ako pa nga ang nagkaamnesia sa turing niya sa akin dahil ang ipinipilit niyang pangalan ko ay si Clara. Siya itong walang alam sa nangyayari, dalawa sila ni Kaleb na wirdo parang sila ang may amnesia. Ilang minuto kaming naghintay sa ganitong posisyon namin, nababasa na siya ng ulan pero hindi parin siya umaalis sa pwesto niya para hindi ako mabasa. “ Mahina na ang ulan, pwede na tayong bumalik.” Ngumiti siya sa akin at sabay kaming naglakad pauwi, iisang payong lang kami at siya ang humahawak nito dahil mas matangkad siya sa akin. “ Grabe nag alala kami sa inyo, pasunod na sana kami eh kaso biglang lumakas ang ulan.” Paliwanag ni Sharlene. “ Okay lang kami.” “ Kung ganun, tara na nag iinuman na sila doon.” Sumunod kami ni Lucas sa kaniya, malapit na malasing ang mga kasama namin habang kami? Paumpisa pa lang sa pag inom. Pagkaupo ko naalala ko yung sinabi ni Dylan sa akin na gusto niya makipaghiwalay, napilitan lang siyang bawiin yun dahil sa sinabi ko. O sadyang nabibigla lang siya dahil nakokonsensya siya na hindi niya ako nailigtas? Ako na ang gumagawa ng rason sa utak ko para lang hindi masaktan dahil ang sakit marinig kapag nakikipaghiwalay na ang mahal mo sayo. Iniisip ko palang parang hindi ko na kaya, nasanay ako kay Dylan dahil siya parati ang umaalalay sa akin at palagi kong nakakausap. Naging ganito lang naman kami dahil sa pausbong na ang career niya, alam ko naman kung ano ang trabaho niya at iniintindi ko yun. Uminom na lang ako ng alak upang mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Dylan sa akin. Sila dito nagkakatuwaan at nagkwekwentuhan habang nag iinuman, nakikisali sa kanila sina Lucas at Kaleb. Normal sila tignan pero kapag nagsalita sila tungkol sa akin at sa kanila? mababaliw ka talaga. Si Lucas na hindi ko kilala, siya pa tong nag aalala para sa akin at promoprotekta, bakit ganun? Dapat si Dylan yun eh hindi siya. Namimiss ko na si Dylan. Uminom na lang ako ng marami dahil ang sakit ng puso ko ngayon, yung alak lang ang makakapagpagaan ng loob ko ngayon. Nakakaramdam na ako ng hilo pero hinahanap hanap ko parin ang lasa ng alak kaya uminom parin ako. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa antok, nalalasing na ako pero gusto ko paring uminom, wala namang nagpipigil sa akin ngayon wala naman akong jowa dito kaya iinom ako. Nawawala na yung masakit na pakiramdam ko hehe. Nahihilo na kase ako ngayon, gusto ko na matulog kaso hindi ko alam kung nasaan ako, bakit hindi ko bahay to? Nasaan ba ako? Uminom ulit ako ng alak kaso ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam. Naalimpungatan ako ng nararamdaman kong mabigat ang puson ko, naiihi ako kaso paggising ko sumakit ang ulo ko. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, nasa bahay na ako? Sa mismong kwarto ko pa talaga ah. Nakakapagtaka naman paano kaya ako nakarating dito? Ang pagkakaalam ko nasa bahay ako nila Sharlene eh at umiinom ng alak kasama ng mga katrabaho ko. Nasobrahan ko ba ang pag inom? Pinapakiramdaman ko muna ang sarili ko bago bumangon dahil nagtataka ako paano ako nakarating dito sa bahay. Naglakad ako? Baka hinatid ako ni Sharlene kaso lasing din silang lahat kagabi ang alam ko. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko, sumilip ako baka kase may kung sinong nasa loob ng bahay ko, at hindi ako nagkamali sa hinala ko. “ Magandang umaga!” “ Bakit ka nandito?” “ Ang bilin sa akin ng iyong kaibigan ay alagaan kita kaya naman naparito ako.” “ Ibig sabihin? Ikaw ang naghatid sa akin?” “ Oo Clara.” Nakita kong natutulog si Kaleb sa sofa ko, halla! Alam na nila ang bahay ko nako naman, sakto kakagising lang din ni Kaleb. “ Sige na umalis na kayo.” Hinila ko silang dalawa kahit na kagigising pa lang ni Kaleb, baka kung ano pang gawin ng dalawang ito sa akin lalo mag isa ko pa naman dito at hindi ko pa sila gaanong kilala. Pinalabas ko sila ng bahay at sinaraduhan ng pinto. Natakot ako dahil, ngayon lang kase ulit may ibang tao dito sa bahay ko. Wala naman silang reklamo ng paalisin ko silang dalawa kahit kagigising lang ni Kaleb, kinabahan ako ng sobra pero wala naman siguro silang ginawa sa akin? Hindi naman masakit p********e ko, hindi naman siguro nila ako pinagsamantalahan? Sumilip ako sa bintana at nasa labas parin sila ng bahay ko, bakit hindi pa sila umaalis, hays! Pinagbigyan ko na kayo kahapon na makasama sa trabaho. Nakahawak lang ako ngayon sa katawan ko, natakot ako bigla hindi ko alam kung anong nangyari kagabi eh lalo pa at lasing na lasing ako. Baka pinagsamantalahan nila ako yan ang naisip ko agad. Baka nagpapakita lang sila ng kabutihan ngayon tapos susunggaban nila ako kapag may pagkakataon. Hindi muna ako lumabas ng bahay, hindi rin naman sila kumatok ng pinto ibig sabihin hindi sila yung mapilit na taong gustong pumasok dito. Sumilip akong muli pagkatapos ng ilang minuto, wala na sila dito sa harap ng bahay ko. Umupo na lamang ako sa sofa at nag isip, ang sama ata ng ginawa ko, pinaalis ko sila agad dahil ang dumi ng naiisip ko. Mag isa ko lang kase dito at babae pa ako tapos may papasok na dalawang lalake na hindi ko naman kilala. Pero bakit ganito nakokonsensya ako sa ginawa ko kanila Lucas at Kaleb. Biglang may kumatok, aba akala ko hindi sila magpupumilit na pumasok. “ Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon!” sigaw ko “ Maxine ako to si Sharlene!” Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Sharlene kaya agad kong binuksan ang pinto, lumingon pa ako sa buong paligid bago ko siya pinapasok. “ Anong ginagawa mo? Bakit ka nagtatago?” “ Baka kase may pumasok ulit dito sa bahay.” “ Ulit? Teka? Nasaan sina Lucas?” Oo nga pala hindi niya alam na hindi ko naman talaga kaano ano si Lucas “ Umalis na kanina.” “ Hindi ba welcome dito si Lucas? Hindi ba pinsan mo siya? Siya lang ang alam kong kasama mo ngayon dito dahil siya ang nagalaga sayo hanggang makauwi ka.” “ Ha? Nag alaga?” “ Oo, sobrang lasing ka kahapon at halos ilabas mo na lahat ng kinain mo, hindi ka rin makatayo sa sobrang kalasingan kaya inaalalayan ka ni Lucas, siya lang naman ang hindi uminom sa atin.” “ Ibig sabihin, wala siyang ginawa sa aking masama?” “ Pakiramdam ko wala naman, iba ang aura ni Lucas sa akin napakamaginoo niya at tsaka magpinsan kayo diba ano namang gagawin nun sayo?” “ Ah wala lang.” Hindi tuloy ako makapagsalita ng maayos, pinanindigan ko na kaseng pinsan ko si Lucas kaya heto nalilito si Sharlene. “ Kung wala pang jowa yung pinsan mo ireto mo ko ha.” Ngumiti na lang ako dahil hindi ko pa naman gaanong kakilala sina Lucas at Kaleb pero mas lalo akong nakonsensya sa sinabi sa akin ni Sharlene. Siya ang nag alaga sa akin habang lasing ako. Kaya pala naabutan ko sila ni Kaleb na nandito sa bahay dahil binabantayan nila ako, yun siguro ang dahilan pero iba naman ang naisip ko, hays Maxine ano ka ba naman, kakapanuod ko to ng movie kaya ganito isipan ko. Wala akong trabaho ngayon maski sideline wala kaya lumabas kami ni Sharlene para mawala hang over naming dalawa. Ako ata ang maraming nainom kagabi. “ Oh, bakit nandun sina Lucas sa waiting shed? Akala ko ba umalis na?” “ Huwag ka na huminto, deretso mo na.” Natatakot ako na mabuko dahil ang pakilala ko sa kanya ay pinsan ko si Lucas, nakaupo silang dalawa ni Kaleb sa may waiting shed malapit sa street namin. Para kaseng wala silang tinutuluyang permanente kaya kung saan saan ko sila nakikita. Nawa tuloy ako bigla. Pumunta kaming mall ni Sharlene pero hindi mawala sa isip ko si Lucas, hindi ko alam kung konsensya ba ito o awa. Daldal ng daldal si Sharlene pero hindi ko maintindihan. “ Maxine tignan mo to, bagay sayo to.” “ Teka, kailangan ko na pala umuwi may tumawag sa akin na pwede kong pagtrabahuan, ingat na lang Sharlene!” “ Hoy! Maxine!” hindi na ako nagpahabol pa, babalikan ko kase sina Lucas kaya umalis na ako. Tinatamaan ako ng konsensya ko. Alam ko naman na wala silang matutuluyan dahil yung sinasabi nilang lugar ay hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Nagtaxi ako papunta sa waiting shed kung saan ko sila nakita, hindi pa sila umaalis doon pero may napansin ako kay Lucas dahil ang tamlay ng mukha niya. Napatingin silang dalawa sa akin ng lapitan ko sila. “ Clara mabuti at naparito ka, inaapoy ng lagnat ang kaibigan ko wala akong maibigan na panglunas sa karamdaman niya.” Lumapit ako kay Lucas at hinawakan ang kanyang noo. Mainit nga siya, mukhang kasalanan ko to naalala ko kase naulanan siya ng dahil sa akin. “ Alalayan mo siya, dalhin natin siya sa bahay.” “ Ngunit ang sabi mo, hindi kami maaaring—“ “ Sige na dalhin mo na siya sa bahay.” Para siyang nanghihina dahil nilalagnat siya, nako naman kaya pala hindi niya ako kinulit dahil nilalagnat nap ala siya kanina pa tapos pinaalis ko pa sila sa bahay. May bakanteng kwarto pa sa bahay kaya doon ko sila pinatuloy. Nahiga agad si Lucas habang si Kaleb nanghingi ng bimpo at tubig para ilagay sa noo ni Lucas. “ Kanina pa ba siya nilalagnat?” “ Kagabi ay masama na ang kanyang pakiramdam.” “ Ganun ba” Mas lalo akong nakonsensya, kainis! May mga gamot ako dito kaya pinainom ko siya, hindi pa iminumulat ni Lucas ang mga mata niya, dala siguro ng pagod at sakit ng katawan kaya siya nanghihina ngayon. “ Bantayan mo muna siya.” Masama nap ala ang pakiramdam niya tapos inalagaan pa niya ako ng malasing ako, hindi ko alam ang mga nangyari kaya pinaalis ko sila agad. Ang sama ko naman. Nagluto ako ng lugar para kay Lucas para makain niya agad. “ Maxine!” biglang bumukas ang pinto, nanlaki ang mga mata ko dahil bumalik si Sharlene dito sa bahay. “ Akala ko ba may trabaho ka?” “ Ah oo, nagluto lang ako ng kakainin ko.” “ Lugaw? Wala ka na bang pera? Kakasahod mo lang ah.” “ Nakakatikim na kase ako ng lugaw.” Tinutulak ko siya palabas ng bahay, makikita niya kase sina Lucas at Kaleb na narito sa bahay, madami nanamang tanong tong si Sharlene dahil ang dinahilan ko sa kanya ay magtatrabaho ako kaya iniwan ko siya. Sinundan pala niya ako, nako naman. “ Bakit ayaw mo ko papasukin?” “ Umutot ako.” “ Yuck ka talaga.” “ Mabaho sa sala,huwag ka na muna pumasok.” “ Okay fine, hindi mo kase ako hinintay kanina kaya pinuntahan kita dito, sige na uuwi na ako next time na tayo magbonding.” Mabuti na lang hindi siya nagpumilit na pumasok kung hindi, mapapahiya ako sa kasinungalingan ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD