Kabanata XV

2077 Words
Chapter fifteen DYLAN’S POV’S Break time ko ngayon at nagpapahangin ako dito sa may gilid ng tent ko. “ Dylan, ang pangit daw ng performance mo ngayon sabi ng director, ano bang nangyari sayo?” “ Wala” “ Anong wala? Maski ako napansin ko wala ka sa sarili mo, nakailang take ka ng isang scene, hindi ka naman ganyan dati ah.” “ Inaantok lang ako.” Ang totoo niyan, iniisip ko si Maxine kaya iba ang takbo ng utak ko ngayon sa shooting. Nagtangka akong makipaghiwalay sa kanya pero, hindi ko kaya ang bigat sa pakiramdam kapag ako na ang kumakalas. Ang hirap mang iwan sa taong nakasama ko sa loob ng limang taon at wala namang ginawa sa aking masama. Inaalala ko siya, alam ko kaseng nahihirapan na rin siya kaya ganito ako pero hindi ko kaya, mahirap pala talaga iwasan ang taong nakasama mo ng matagal. “ Mag uumpisa na ulit yung scene tara na.” Aya sa akin ni Jingle. Kung pwede lang na ako ang masunod hindi na muna ako papasok ngayon kaso, kailangan namin matapos itong scene ngayon. Kulang na kami sa oras kaya kahit pagod ako at wala ako sa mood magtrabaho ay pinipilit ko paring gawin. Ilang oras din bago natapos ang shoot. “ Okay good job!” sabi ng director namin Bumalik agad ako sa tent ko at nagpahinga. “ Kahit papaano umokay performance mo kanina.” Gusto ko lang talaga matapos ang araw na to “ May problema ba kayo ni Maxine kaya ka nagkakaganyan?” tinignan ko si Jingle. “ Umalis ka kahapon sabi mo pupuntahan mo siya, ano ba nangyari?” “ Wala naman.” “ Hays, Dylan puro ka wala, sana hindi halata sa kilos at itsura mo kung walang nangyaring hindi maganda.” Hindi na ako umimik pa, uuwi na lang ako. Kaso paglabas ko ng tent may nakasalubong akong Miraya. “ Hi Dylan.” Tsk, ang lambing ng boses halatang nagpapakitang gilas. Ngumiti na lang ako pero iniwasan ko siya. Ayoko na kaseng mangyari ulit yung nangyari sa pinuntahan kong kasalan, wala akong nagawa para protektahan si Maxine dahil sa mga taong nakapalibot sa amin pati na rin sa mga media. Tiyak akong pagpyepyestahan nila si Maxine kapag nalaman nilang girlfriend ko siya at ayoko mangyari yun. Makabasa nga lang ako ng dalawang negative comments sa social media nasisira na ang mood ko paano pa kaya kapag siya na ang binatikos ng mga fans ni Miraya na halos mamatay na kakareto nila sa akin. Maski ang mga fans ko siguradong magwawala. Naiinis ako sa sarili ko. Ang hirap magpigil ng galit lalo kapag public figure ka at hinahangaan ka ng maraming tao. “ Dylan tignan mo, nominated ka sa best actor oh.” Pausbong na nga talaga ang career ko, dati supporting actor lang ako pero ngayon iba na. “ Kapag nanalo ka dito siguradong marami nanamang kukuha sayo niya, marami ka nanamang project, ay wait? Si Miraya din nominated bilang best actress.” “ Siya naman talaga palagi ang nasa listahan hindi na ako magtataka.” “ Kapag nanalo ka at nanalo siya, tiyak ako nasa top news nanaman kayong dalawa, baka maging magkalevel na kayo niyan.” “ Walang breed ang babaeng yun kaya hindi ko siya kalevel.” Mabait lang kapag nasa harap ng camera pero kapag sa totoong buhay niya, mas masahol pa siya samga kontrabida sa pelikula. Nasa news na ang pagkanominated ko kaya makikita yun ni Maxine, hindi ko siya madalaw ngayon dahil may susunod pa kaming pupuntaha ni Jingle. Ganito na ang buhay ko simula ng sumikat ako, nawalan na ako ng oras sa ibang tao maski sa sarili ko wala na ata akong oras. ****** MAXINE’S POV’S Narinig ko ang pangalan ni Dylan sa radio kaya nagbukas din ako ng Tv, nominated siya sa isang pinakalaking award ngayon dito sa bansa. Ang galing niya grabe, iba na talaga si Dylan ngayon. Natuwa pa ako noong umpisa pero nabawi ang ngiti ko ng maisip ko, ang taas na ni Dylan tapos ako? Ganito lang. Wala pa akong maipagmamalaki, wala akong ipon, hindi ako maganda, hindi ako makinis at walang permanenteng trabaho. Tapos may kasama pa akong dalawang wirdo sa bahay. Natutuwa ako para kay Dylan pero nalulungkot ako para sa sarili ko, hindi na ata talaga namin maibabalik sa dati ang relasyon namin. Parang hindi na nga kami magkakilala sa inaasta naming dalawa ngayon, madalang na lang kami mag usap. Walang oras sa isat isa. Kahit magsikap ako kulang parin, wala akong ibubuga sa mga leading lady niya na mayayaman at magaganda. “ Clara, gising na si Lucas.” Agad akong pumunta sa kwarto ni Lucas para tignan kung okay na siya, nakagising na nga siya habang nakasandal sa kama. “ Pinag alala ba kita Clara?” hindi masyado, nakonsensya lang talaga ako. “ Paumanhin kung hindi na kami nakapagpaalam sa iyo ng pumasok kaming dalawa ni Kaleb sa inyong tahanan.” “ Pasensya na rin kase, tinaboy ko kayo may lagnat ka pala.” “ Maayos na ang aking lagay ngayon Clara.” Hinawakan ko ang noo niya, medyo mainit pa siya pero hindi na kagaya ng dati. “ Kailangan mo magpahinga, ihahatid ko kayo kung saan kayo tumutuloy.” “ Wala kaming tinutuluyan sa lugar na ito Clara dahil hindi namin mahanap ang daan pauwi sa aming tahanan.” “ Ibig sabihin nawawala kayo?” “ Tama ang iyong hinala.” Sagot ni Kaleb. Paano sila mawawala eh ang lalaki na nila? hindi talaga nila alam ang daan pauwi? Sa ganyang edad? Mas marunong pa bumalik ang mga alaga ko kesa sa kanila. Magpatulong kaya ako sa pulis? Tama! Para mahanap ang lugar na sinasabi nila yun na lang ang tanging paraan para matulungan ko sila at makaalis na sila dito sa bahay ko. “ Tutulungan ko kayo maghanap.” Natuwa si Kaleb at si Lucas naman ay napangiti, talaga namang mga ulyanin na ata sila pero ang babata pa tignan. Kaya siguro hindi sila makauwi at pagala gala na lang sila kung saan saan dahil hindi nila alam ang daan pabalik sa kanila. Wala din silang cellphone o kahit anong gamit, ang alam lang nila ay pangalan ng lugar na tinutuluyan nila kaso nung hinanap ko kay mareng google wala namang lumabas na ganung lugar dito. Panahon ng lolo at lola ko pa ang lugar na yun eh, malamang naman pinalitan na ang pangalan nun ngayon. Ang weird nga talaga nila, maski ang suot nila at pananalita parang sinaunang panahon tapos pati lugar ganun din? Naghihinala na ako na mga alien ang kasama ko, or engkanto? Ang gwapong engkanto naman nito kung ganun. Ano ba Maxine huwag mo silang isipin, ang dami dami ko na ngang prinoproblema dumagdag pa tong dalawa. Iniwan namin ni Kaleb si Lucas sa bahay at kami lang dalawa ang pumunta sa ospital para matulungan na silang makabalik sa lugar nila. Lalo pa at may sakit si Lucas, alangan ako mag alaga? Hindi ako pwedeng magstay dito sa bahay dahil kailangan ko rin magtrabaho, si Kaleb naman parang walang alam sa mga kagamitan ko sa bahay pati sa lugar kaya mahirap iwan yan sa may sakit. Binigyan talaga nila ako ng isipin ngayon. Baka may pamilya na naghahanap sa kanila, kaya kailangan malaman na namin kung saan ang daan pabalik sa kanila. “ Sir, nawawala po kase sila at hindi ko malaman kung saan ang daan papunta sa lugar nila, pwede niyo ba kami matulungan?” “ Anong lugar ba hinahanap niyo?” tanong sa amin ng pulis at agad namang sinagot ni Kaleb ang tanong niya. Napakunot ng noo yung pulis dahil maski siya mukhang ngayon lang narinig ang lugar na yun, maski naman ako eh. Hinanap niya sa internet kung saan yung lugar at nagtanong din siya sa mga kasamahan niya kaso parang lahat sila ay hindi alam kung saan yung tinutukoy ni Kaleb. Halata sa itsura nila na hindi nila alam yung lugar. “ Miss sigurado kayo na may lugar na ganun?” “ Yun kase ang sabi niya.” Tinuro ko si Kaleb. “ Yun ang pangalan ng lugar namin.” Nakangiti pa si Kaleb “ Sinong nakatira sa lugar na yun? Ikaw lang?” tanong kay Kaleb ng pulis. “ Marami ang mamamayan sa lugar na iyan, ang kaibigan kong si Lucas ang kilala sa aming lugar dahil sa akin nilang yaman.” Yung mga pulis halatang iniisip na nababaliw ang kasama ko, ako rin nababaliw na dahil si Lucas? Pinakamayaman? Paano nangyari yun? Nagdahilan na lang ako para makaalis na sa police station dahil nagmumukha na rin akong baliw sa pagtulong ko sa kanila na mahanap ang lugar nila. “ Bakit walang nakakaalam ng aming lugar? Hindi ka na ba nagagawi doon Clara?” paano naman ako mapupunta dun aber? Sobrang curious ako sa lugar kaya pumunta ako sa internet cafe, sumunod lang sa akin si Kaleb at halatang ngayon lang nakapasok dito. Hindi naman siguro to manggugulo. Sinearch ko sa internet ang lugar na yun, matagal bago ako nakakita ng kapareho ng pangalan ng sinasabing lugar ni Kaleb. Pagkabasa ko. “ Huh? 1890 pa ang lugar na yun at napalitan lang ng pangalan noong 1990?” Pero bakit yung lumang pangalan ang alam nila Kaleb at Lucas? Bakit hindi yung bago? 2020 na pero yun parin ang kilala nilang pangalan ng kanilang lugar. Napatingin ako kay Kaleb, nanunuod siya sa mga batang naglalaro ng online games, halos mamangha siya sa pinapanuod niya. Nagtataka na talaga ako sa kanila, ang alam nilang lugar ay noong panahon pa ng mga lolo at lola ko, tapos noong una ko silang nakita iba ang suot nila para talaga silang galing sa makalumang panahon. Pero imposible yun, may ganun pa ba ngayon? Yung mapupunta ka sa ibang panahon? Sa movie ko lang nakikita yun kaya imposibleng mangyari yun, hindi ako naniniwala sa mga ganung bagay. Sobrang modern na ngayon at ang layo naman ng panahong 1890 kung doon pa sila nanggaling. Siguro nababaliw lang talaga sila, mas lalo ko silang kailangan mapaalis sa bahay sa lalong madaling panahon. Nakakatakot kase. Bumalik din lang kami ni Kaleb sa bahay at binalita niya kay Lucas ang mga nangyari. Nakakatayo na si Lucas, nasa sala na kaming tatlo ngayon. “ Salamat, napakabuti mo parin.” Nakakakonsensya naman, pinag iisipan ko sila ng masama habang ako? Mabuti sa panignin nila. “ Sigurado ba kayo na taga rito kayo sa mundo namin?” “ Ano ang ibig mong sabihin Clara?” tanong sa akin ni Lucas. “ Wala kaseng nakakaalam sa lugar na sinasabi niyo sa akin, kayong dalawa lang ang nakakaalam ng lugar na yun at pinalitan na ang pangalan ng lugar na yun.” “ Paanong papalitan?” “ Paano nangyari yun?” pagtataka nilang dalawa. Maski ako nalilito na rin sa kanila, ayoko maniwala sa instinct ko pero parang yun ang totoo na nagtravel sila sa panahon namin. “ Hindi na ba kami makakabalik sa aming lugar?” pag aalala ni Kaleb. “ Hindi naman sa ganun, ang sinasabi ko lang ay  iba na ang pangalan ng lugar na tinutukoy niyo.” “ Maari ba nating puntahan ang lugar na yun?” Alam ko yung lugar na yun pero iba ang pangalan “ Sige, dadalhin ko kayo dun.” Hindi ko alam kung magaling na ba si Lucas at gusto niyang makita ang lugar na tinutukoy ng internet pero nag aalala din siya sa nalaman niya kaya gusto niyang puntahan. Nagtaxi kaming tatlo, hindi naman gaanong malayo yung lugar na sinasabi nila. “ Dito yun.” “ Paano nangyaring ito ang bayan namin?” tanong ni Lucas. “ Hindi ito an gating lugar Lucas.” “ Ibang iba ito sa aming lugar, walang mga ganitong tahanan at wala rito an gaming bahay.” “ Pati na rin ang bahay namin Lucas wala.” Hindi ako makaimik sa kanila, ang dami na ngang bahay dito at ang gaganda pa “ Montealto street.” Binasa ko ang isang kalye. “ Lucas binanggit ni Clara ang apelyedo mo.” Napalingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Kaleb. “ Apelyedo ni Lucas ang Montealto?” “ Oo Clara, napakaraming nakakakilala sa mga Montealto kaya naman napakaimposibleng ito ang aming lugar dahil walang nakakakilala kay Lucas dito.” Ang pagkakaalam ko, ang mga street ay galing sa mga apelyedo ng mga tao noong sinaunang panahon. Malapit na talaga akong maniwala sa kutob ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD