Chapter sixteen
LUCAS POV’S
Akala ko magandang balita na ang ihahatid sa akin nila Clara at Kaleb, ngunit, kakaiba ang kanilang sinabi sa akin.
Walang nakakaalam n gaming lugar.
Paano nangyari yun? Doon kami nanggaling kaya hindi maaaring walang nakakaalam ng lugar na yun.
Inaya kami ni Clara papunta sa tinutukoy niyang lugar namin, at ang sabi niya ay pinalitan na ang ngalan n gaming lugar.
Hindi ito maaaring mangyari dahil kamakailan lang ay naroon kami, walang pagpupulong na naganap noon na nagsasabing papalitan nila ang ngalan ng aming lugar.
Bumaba kami sa isang lugar na napakaraming nakatayong tahanan, wala ng mga malalaking puno pati na rin ang malalawak na bukirin.
Paano nangyaring ito ang lugar namin?
Pati na rin ang tahanan namin ay wala dito, ang aking ama at ina ay hindi ko mahanap sa lugar na ito.
Napansin ko na pareho ang daan ng lugar na ito sa kinalakihan kong lugar ngunit ang mga bahay ay napakarami kesa sa kinalakihan kong lugar.
Napakabilis naman ata ng pagpapatayo nila ng magagarbong tahanan, dati an gaming tahanan lamang ang pinakamalaki sa amin, kaya hindi ako naniniwala na ito ang kinalakihan kong lugar.
Naglakad lakad kami at kakaiba talaga dito.
Hindi pa mabuti ang pakiramdam ko, pinilit ko lamang na sumama dahil gusto kong makita ang tinutukoy ni Clara.
“ Umuwi na tayo.” Aya sa amin ni Clara.
Wala akong magawa, hindi ko alam kung bakit naging ganito na dito at wala na ang aking ama’ ina maski ang tahanan namin.
Pagkauwi namin sa bahay ni Clara ay nanghina ang mga tuhod ko, umiinit nanaman ang aking katawan ngunit hindi ko pinaalam kay Clara.
“ Ano na ang gagawin natin ngayon Lucas?”
“ Paumanhin kapatid ngunit, hindi ko masasagot ang katanungan mo.”
Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung saan kami lulugar ngayon, wala kaming masisilungan ni Lucas at hindi namin kayang makisabay sa mga nasa paligid namin.
Ibang iba ang nakikita namin ngayon kesa sa nakalakihan namin.
Napakagarbo at moderno ng mga kagamitan at pati na rin ng kasuotan ay hindi na katulad ng sa amin.
Nakikita na ngayon ang ibang parte ng katawan sa mga kasuotan ng mga kababaihan, pati na rin sa mga kalalakihan.
Hindi rin nagsasalita si Clara, nahihiya na ako dahil ako dapat ang umaalalay sa kanya dahil hindi niya ako maalala pero bakit parang ako ang nakikilugar sa lugar niya?
“ Paano na to.” pag aalala ni Kaleb.
Ganun din ako kapatid, sobra akong nag aalala ngayon ngunit hindi ko iyon maaring ipakita sa iyo dahil baka mawalan ka ng pag asa na makakabalik tayo sa ating mga tahanan.
“ Teka, paano ba kayo naligaw?” tanong ni Clara sa amin.
“ Nag iinuman kami ni Kaleb ng may makita kaming maliwanag sa isang malaking puno kaya nilapitan namin ito at para kaming nilamon ng punong iyon, pagkamulat ng aming mga mata aywala na kami sa aming lugar.”
“ Totoo ba yan?”
Hindi naniniwala si Clara sa amin, hindi ko na nga rin malaman kung ano ba ang nangyayari ngayon dahil kakaiba nag lahat sa paligid namin.
Maski ang pakiramdam ko kakaiba.
“ Nagsasabi si Luca sng totoo Clara.”
Ayoko man maniwala sa naiisip ko na napunta kami sa ibang mundo ngunit ito ang nakikita ng mga mata ko ngayon dahil sa dami ng pagbabago sa paligid ko.
******
MAXINE’S POV’S
Nakaupo kaming tatlo ngayon dito sa sofa sa sala, para kaming lantang gulay na nakatulala ngayon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nung dalawa pero tulala sila ngayon.
Naaawa ako sa kanila pero natatakot din dahil hindi ko naman sila kilala ng lubusan, hindi ko nga alam kung saan ba talaga sila nanggaling dahil yung lugar na tinutukoy nila eh hindi na nag eexist, iba na ang pangalan.
Wala na rin daw ang bahay nila doon pati ang mga magulang nila wala na doon.
Nagtataka na rin ako sa kanilang dalawa at natatakot, baka mga engkanto to nagpapanggap lang na gwapong tao.
May gwapo talaga Maxine?
Hays, napakaattractive naman talaga ni Lucas sa totoo lang, kaya noong nakasama ko siya sa trabaho parang ako pa yung alien kesa sa kanya eh.
Teka ano na bang araw ngayon? Kailangan ko na rin pala magbayad ng mga bills ko.
Pumunta ako sa harap ng kalendaryo.
“ Ano yan Clara?”
“ Kalendaryo, hindi niyo alam?” tanong ko kay Kaleb.
“ Alam namin ang kalendaryo ngunit, bakit ganyan ang nakalagay?” pagtataka ni Lucas.
“ Tama, kakaiba ang mga nakalagay na numero, bakit ang taon ay dalawang libo at dalampu?” tanong ni Kaleb
Doon na ako mas lalong natakot dahil alam kong nagsasabi sila ng totoo at nagpapakita ng totoong reaksyon.
Halatang nagtataka sila.
“ Hindi ba at isang libot walong daan at siyam na pu ang taon ngayon?” tanong ni Kaleb.
Napalunok ako sa sinabi niya, eighteen ninety? Yun ang tinutukoy niya.
“ Twenty twenty na, anong sinasabi niyo?”
Nagtinginan sina Kaleb at Lucas “ Hindi ganyan ang taon ng kalendaryo namin ng huli namin itong makita.”
Nagsasabi ba sila ng totoo?
Napaatras ako dahil parang nagsasabi sila ng totoo
“ Aaahh!” napatakbo ako dahil sa takot ko.
Nagkulong ako sa kwarto at nilock ito, grabe na to, galing sila sa panahong eighteen ninety? Kaya pala yung hinahanap kong lugar nila ay noong panahon pa noon.
Matagal na akong kinukutuban sa dalawang to pero ngayon na may proweba na ako, natatakot ako.
“ Clara anong nangyari sayo?”
“ Umalis na kayo dito sa bahay!” sigaw ko.
Natatakot ako baka kung anong gawin nila sa akin lalo pa at nanggaling sila sa ibang panahon. Para tuloy akong baliw kakaisip.
“ Umalis na kayo!” sigaw ko.
Gusto kong tawagan si Sharlene kaso baka magkagulo pa, mas mabuting paalisin ko na lang sila sa bahay at lumayo na sila sa akin.
Paano nangyaring napunta sila sa panahon ngayon? Imposible talaga? Totoo bang may time traveller?
Relax Maxine, kailangan mo lang silang paalisin para hindi ka madamay sa anumang gulo na hatid nilang dalawa.
“ Clara.”
“ Huwag kayong lalapit sa akin, umalis na kayo dito sa bahay!” sigaw ko ulit, hindi ko na muling narinig ang boses nila.
Pinakiramdaman ko kung nasa labas pa sila ng pinto pero parang wala na, nakarinig kase ako ng mga yabag ng paa palayo.
Bigla akong natakot, sino ba namang tao ang hindi matatakot kung ang tanging alam ng mga kasama ko sa bahay ay noong sinaunang panahon pa?
Hindi nila ako masisisi kung ganito maging reaksyon ko kase naman hindi naman ako naniniwala sa time traveller na yan.
Pero kung sila nga ay ganun, aba naman kahit sino matatakot sa kanila.
Mga ilang minuto akong nanatili pa dito sa kwarto, nakarinig ako ng malakas na buhos ng ulan, rinig kase sa bintana ng kwarto ko.
Lumabas na ako para makita kung narito pa sila sa bahay.
Umalis na talaga sila, sumunod din sila sa sinabi ko kanina.
Mas gugustuhin ko na talaga mag isa kesa ganun ang mga kasama ko, pakiramdam ko nagsasabi sila ng totoo pero sa kabilang side ko, napakaimposibleng magkaroon ng time traveller sa panahon ngayon.
Napatingin na lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan.
Masarap humigop ng mainit na sabaw ngayon kaya magluluto ako ng noodles, wala naman kase akong makain ngayon.
Ayoko na isipin yung dalawa yun.
Kung totoo mang nanggaling sila sa ibang panahon mas mabuti pang lumayo na ako sa kanila habang maaga pa.
Mas mabuting wala sila dito, dahil baka mamaya ako pa ang mapahamak ng dahil sa kanila.
Kumain na lang ako ng noodles habang nakatulala sa kawalan, nakakainis na bakit kase may konsensya ako.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa labas, bakit ba ako nag aalala kay Lucas.
Naalala ko kase na may sakit siya kaya bigla ko siyang naalala ngayon.
“ Hindi pwede Maxine, mas mabuting pinaalis mo sila.” Sambit ko sa aking sarili.
Kumain na lang ako para hindi sila maalala kaso, paano na lang kung mamatay yun ng dahil sa akin lalo at umuulan sa labas at kagagaling lang niya sa sakit.
Ano ba konsensya bakit ka ganito sa akin?
Naaalala ko yung mga kabutihang ginawa niya sa akin ngayon, nawawala ang takot ko kapag naiisip ko yun.
Kainis na ah.
Maxine bigla kang lumambot kumain ka lang ng noodles?
Nag iisip ako kung hahanapin ko ba sila para pabalikin dito o hindi na, nako naman may split personality ba ako? Bakit bigla na lang akong bumabait, kanina lang walang awa ko silang pinalayas pero ngayon, parang gusto ko silang pabalikin.
Sumasagi kase sa akin yung mga ginawa ni Lucas.
Kung masama nga talaga silang tao edi sana noon pa nila ako sinaktan, kaso hindi, sila pa ang tumutulong sa akin.
“ Okay fine.” Hahanapin ko na sila.
Padalos dalos talaga ako sa mga desisyon ko, hinahayaan ko na madala ako ng galit, hindi pala maganda ang ganun, ayan tuloy ang lakas ng konsensya ko.
Lumabas ako ng bahay at may dala dala akong dalawang payong.
Hinanap ko silang dalawa kung saan ba sila napadpad, wala naman akong makitang malapit na waiting shed , saan naman kaya sila nagsilong?
May nakita akong dalawang lalake na naglalakad habang yakap yakap nila ang kanilang mga sarili.
Mukhang sila Lucas at Kaleb na nga yun.
Tumakbo ako para maabutan sila, hindi nga ako nagkamali sila nga yun.
Agad kong pinayungan yung dalawa kaya nagulat sila at napalingon, wala akong masabi nahihiya ako ng sobra.
Nakakaawa lagay nila ngayon dahil basang basa sila ng ulan.
“ May noodles pa sa bahay.” Nagtinginan yung dalawa “ Tara na.” Iniwan ko sa kanila yung isang payong, hindi ko alam kung narinig nila yung sinabi ko.
Hindi pa sila sumunod sa akin, halatang nagtataka sila sa ginagawa ko ngayon.
“ Tara na, malamig dito.”
At nung mapansin ko sila na sumunod sa akin ay binilisan ko na lang maglakad, nakakahiya kase ako yung nagmukhang baliw.
Papalayasin tapos pababalikin? Baliw ka na nga Maxine.
Narinig kong umubo si Lucas ng makarating na kami sa bahay, mas lalo akong nakonsensya.
Binigyan ko sila ng tig isang tuwalya at tsaka sinandokan ng noodles para mainitan ang katawan nila.
Ang lamig pa man din sa labas.
“ Kainin niyo yan para hindi kayo ginawin.”
Hindi ko na inuungkat yung pagpapalayas ko sa kanila dahil ako yung nahihiya “ Clara, salamat pinabalik mo kami dito sa iyong tahanan.”
Sabi ko nga mapag uusapan yun, hays, buti na lang hindi sila marunong mang asar o mambully kung hindi nakakahiya yun.
“ Wala kaming mapuntahan ngayon, bumalik ang init ng katawan ni Lucas ngayon.” Kaya pala hindi nagsasalita si Lucas at nakatulala lang siya sa pagkain na inihain ko sa kanya.
Lumapit ako agad kay Lucas “ Mainit nga siya.”
“ Hindi pa siya gumagaling.”
Ang tanga ko talaga, pinalabas ko sa malakas na ulan yung taong inaapoy ng lagnat.
“ Dalhin mo na siya sa kwarto.”
Naghanap ako ng mga lumang damit ko dahil wala naman akong maipapahiram sa kanila na panlalakeng damit lalo pa at mag isa ko lang naman dito sa bahay.
Wala naman akong kasamang lalake dito, sila lang dalawa at basang basa ang mga suot nila ngayon baka matuyuan sila.
“ Magpalit na kayo.”
Iniabot ko sa kanila yung mga damit na pinahiram ko, naghanap muna ako ng gamot na ipapainom kay Lucas habang nagbibihis silang dalawa.
Kung wala lang akong konsensya malamang namatay na yun sa daan.
Nagluto rin ako ng lugaw upang kainin ni Lucas bago siya uminom ng gamot.
“ Tapos na ba kayo magpalit?”
“ Oo.” Alanganin yung sagot ni Kaleb, umoo naman siya kaya binuksan ko na yung pinto.
“ May problema ba?” tanong ko agad kaso pagkatingin ko ng mga suot nila nagpigil akong tumawa.
Bitin pala yung mga damit ko sa kanila, mas matangkad naman kase sila kesa sa akin malamang naman magiging crop top yung tshirt ko.
Hindi ko na nakita kung anong itsura ni Lucas sa binigay kong damit dahil nakakumot siya kaso itong si Kaleb, hindi ko mapigilan tumawa.
“ Wala ka na bang ibang maipapahiram na kasuotan Clara?” saan naman ako kukuha ng damit nila? mga lalake sila at ang mamahal kaya ng mga damit sa labas kapag bibilhin.
Ah! Alam ko na kung saan ako hihingi ng damit!