Kabanata XVII

2101 Words
Chapter seventeen JINGLE’S POV’S Anong oras na ng tumawag sa akin si Maxine, umuulan pa man din pero may iniuutos siya sa akin. “ Para saan ba?” ( Basta, kailangan kase ng kapitbahay namin sa school nila. ) “ Gaano ba katangkad yang mga kapitbahay mo at magkasize pa talaga sila ni Dylan.” ( Kahit ano na Jingle basta maisusuot lang please.) “ Okay fine.” Inuutusan niya ako na kumuha ng mga damit sa studio, yung lagayan ng mga props kapag shooting, yung mga ginagamit ng mga extra sa mga ginagawa naming pelikula. May mga nakatambak sa isang studio at ang iba dun hindi na ginagamit, hindi naman magbigay si Maxine ng specific na damit na kailangan niya, basta daw panlalake at gagamitin sa school. Ano kaya yun? Bahala na basta kukuha na lang ako ng makita ko dun, bawal kase kumuha doon kahit na hindi na ginagamit. Ayaw niyang ipaalam kay Dylan yung pinapagawa niya sa akin. Ang akala ko nga ay tungkol kay Dylan nanaman kaya siya tumawag pero himala ata hindi niya hinanap si Dylan sa akin. Para siyang nagmamadali. Pagpasok ko sa studio ang daming nakakalat na mga damit at props, hindi naman ako pwedeng magtagal dito dahil baka mahuli ako ng kung sino nakakahiya. Matatagalan ako kapag inisa isa ko pa ang mga to. Nakakita ako ng mga damit panlalake sa isang area kaya yun ang hinakot ko at nilagay sa malaking sako, kayak o naman buhatin to. Hindi ko alam kung ano tong mga nakuha ko, kailangan ko na akseng umalis agad baka mahuli ako. Nilagay ko agad ito sa sasakyan ko, si Maxine na bahala kung alin ang gagamitin niya dito sa mga kinuha ko. Nagkita kami sa isang lugar. “ Aba ang dami.” “ Sabi mo damihan ko.” “ Salamat Jingle.” “ Para saan ba yan?” “ Ah eh kase may kakilala ako na nangangailangan ng damit para sa scholl activity.” “ Ah ganun ba.” “ Hehe oo, sige kailangan ko na umalis, salamat!” Nakakapagtaka talaga siya ngayon, iba ang kinikilos niya at hindi niya hinahanap si Dylan o tinatanong man lang. Dati kapag tatawag yan si Dylan agad ang unang sasabihin pero ngayon? Hindi na niya hinahanap. Himala yun, si Maxine ba talaga yung kaharap ko kanina? Dederetso na lang muna ako sa condo ng alaga ko para sabihin mga schedules niya, isa rin yung pasaway. Kung hindi ko lang kayo kaibigan ni Maxine nako. ******* KALEB’S POV’S Hindi ako komportable sa mga damit na ibinigay sa akin ni Clara ngunit kailangan ko itong suotin dahil ang mga damit namin ni Lucas ay basang basa na. “ Komportable ka ba dyan Lucas?” Hindi siya umiimik, inaapoy parin siya ng lagnat. Ako ata ang susunod na lalagnatin dahil sa kasuotang ibinigay ni Clara, pag itinataas ko ang aking kamay ay tumataas din bahagya ang suot kong pang itaas kaya nakikita ang tiyan ko. Hindi na rin kase komportable suotin ang mga nakasanayan naming damit kaya itinapon na namin ito kung saan. “ Tada! Ayan ang dami niyo ng damit.” Biglang bumukas ang pinto, may buhat buhat si Clara na malaking sako na idinala niya dito sa silid na tinutuluyan namin ni Lucas. “ Kayo na bahala mamili ng isusuot niyo diyan.” “ Maraming salamat.” Hindi umiimik si Lucas dahil masama ang pakiramdam niya, nakapikit lang siya at nagpapahinga, ako na lang muna ang maghahanap ng ibang kasuotan. Alin kaya dito ang mas babagay sa akin? Napakarami nito. Lahat ng damit na binigay ni Clara ay afgad kong sinukat “ Ito ang mas babagay sa akin, magmumukha akong isang prinsipe.” Nagpalit ako ng damit. Isinuot ko ang damit na napili ko. “ Luto na yung lugaw, pwede na kumain si Lucas para makainom ng ga—“ “ Napakaganda ng mga damit na ibinigay mo Clara.” Nakatingin lamang siya sa aking kasuotan, siguro ay nabibighani na rin siya sa akin dahil sa kasuotang ito, para akong isang prinsipe sa suot kong ito. “ Anong nangyari sayo?” “ Hindi ba maganda sa iyong paningin?” “ Ah mali yung iniisip mo, pakainin mo na lang muna si Lucas tapos ipainom mo sa kanya ito ha.” Agad na lumabas si Clara n gaming silid. Nakapagtataka naman? Bakit napakapula ng kanyang mukha ng makita niya ako. ****** MAXINE’S POV’S Akala ko okay na lahat. Kulang na lang ay ang gumaling si Lucas pero, palpak pala yung plano ko na kumuha ng mga damit sa studio. Ano tong mga damit na binigay ni Jingle sa akin. Hindi ko na tinignan kanina dahil ang dami kaya umuwi na ako agad, yung suot ni Kaleb kanina, para siyang prinsipe tapos magpapakain lang siya ng may sakit ganun ang suot niya? Napasapo ako ng noo ko. Wala akong choice dahil wala naman akong pambili ng bagong damit nila kaya yun ang naisip ko, kaso hindi ko alam kung ano pa ang ibang binigay ni Jingle na damit. Mas okay pa kanina na suot niya ang damit ko. Kesa yung suot niya ngayon. Ayoko naman siyang pahiyain dahil mas komportable pa ata siyang suotin yun kesa sa damit ko. Baka mamaya kase kapag sinita ko siya sa suot niya ay magpabili pa siya ng bago, bahala na basta may maisuot sila kesa naman sa ganun na basang basa sila at pambabae ang damit. Tumulong lang naman ako kaso low budget lang talaga, ako nga hindi makabili ng bagong damit, alangan naman sila pa ang unahin kong bilhan? Ayoko muna pumasok sa kwarto nila matatawa lang kase ako. Yung mga costume pa ata sa movie yung mga naibigay ni Jingle sa akin, alam ko akseng magtatanong siya kaya ang dinahilan ko ay para sa school activity. Malinaw naman na sinabi kong lalake ang magsusuot at magkasingtangkad at kawatan sila ni Dylan kaso palak. Anong gagawin ko sa mga to. Kung totoong galing nga sila sa nakarang panahon, paano ko sila matutulungang makabalik doon? Saan kami sasakay? Kay doraemon? Anong taon na ngayon at halos panahon pa ng nanay ng lolo at lola ko sila nanggaling. Hindi naman sila pwedeng magtagal dito dahil hindi nila alam ang buhay sa kasalukuyang panahon, mahihirapan silang makisama. Madadagdagan pa ang problema ko nito kapag hindi sila bumalik sa lugar nila kung saan sila nanggaling. Nakatulala lang ako dito sa sofa habang nag iisip kung paano matutulungan sila Lucas at Kaleb na makabalik sa kanilang lugar. Kung engkanto man sila kailangan ko na ata magtawag ng albularyo. “ Clara, maaari ba kitang pakiusapan?” “ Tungkol saan?” “ Maaari bang ikaw muna ang magbantay kay Lucas, kailangan ko kaseng magbawas.” “ Okay sige.” Babantayan lang naman pala kaya pumunta na agad ako kay Lucas. Pagpasok ng kwarto napalingon agad sa akin si Lucas “ Ang sabi ko kay Kaleb ay huwag ka ng tawagin.” “ Ayos lang, wala naman akong ginagawa.” Umupo ako sa kama “ Maayos na ba pakiramdam mo?” ngumiti siya sa akin upang sagutin ang tanong ko pero halata naman sa mga mata niya na nanghihina pa siya. “ Pasensya na kung pinaalis ko kayo.” “ Karapatan mo iyon Clara, nanghimasok kami sa tahanan mo ng walang paalam.” Bakit ba ang babait niyo sa akin kahit na ganun na yung inasta ko sa inyo, kung ibang tao to malamang sinigawan pa ako. “ Naniniwala ka ba sa time traveller?” ang tahimik na kase namin kaya nagbukas ako ng topic. “ Ano ang iyong sinasabi?” “ Ang sabi ko, naniniwala ka ba na may tao talaga na naglalakbay galing sa ibang panahon?” Nakatitig lang siya sa akin, halata naman sa kanya na naintindihan niya ang tanong ko at nalilito rin siya sa mga nangyayari. “ Hindi ko alam.” Maski naman ako nagugulat sa mga nangyayari “ Ngunit, ang mga bagay at lugar dito sa palagid ay kakaiba, hindi kagaya ng kinalakihan kong lugar.” “ Nagsasabi ba talaga kayo ng totoo? Eighteen ninety pa kayo nanggaling? I mean, labing walo at siyam napu?” “ Yun ang huling petsa na natandaan ko bago kami napadpad sa kakaibang lugar niyo.” Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. “ Ikakasal sana ako at tanda ko pa ang peta, hindi dalawang libo at dalawampu ang taon ng araw ng kasal natin Clara.” Grabe talaga, hindi parin ako makapaniwala na nakaencounter ako ng mga tao sa sinaunang panahon. “ Nabibigla ako sa mga nangyayari ngayon dahil, ibang iba ito, hindi kagaya ng dati, mas lalo ka na Clara, ibang iba ka sa taong sanay pakakasalan ko.” “ Kung ganun, ikakasal ka talaga?” “ Oo.” “ Ibig sabihin, naglakabay kayo papunta sa taon namin? At kamukha ko ang babaeng pakakasalan mo?” “ Tama ang iyong sinabi Clara.” “ Maxine” pagcocorrect ko sa kanya. “ Maxine ang pangalan ko, hindi Clara.” Marami pa akong itatanong sa kanya. “ Huwag mo na akong tawaging Clara dahil hindi naman ako yung babaeng pakakasalan mo, malamang naiwan pa sa panahon niyo yung sinasabi mong Clara, dahil tignan mo twenty twenty na ngayon, ibang iba sa taon na sinasabi mo.” “ Ngunit, magkahawig kayo.” “ Yun na nga, magkahawig lang pero hindi kami magkapareho” Ang kulit niya ah. “ Malamang ang taong hinahanap mo ay nasa taong eighteen ninety pa.” “ Sa kakahanap ko sa kanya dahil hindi natuloy ang aming pag iisang dibdib ay napadpad kami ni Kaleb sa taon ninyo.” “ Mukhang ganun na nga ang nangyari, at napagkamalan niyo ako na si Clara.” Nakatitig parin siya sa akin, ayaw pa kumurap, talagang binubusisi ang mukha ko. Ibig sabihin yung itsura ko may kamukha pa noong sinaunang panahon? Ayaw ata niyang maniwala na hindi ako si Clara dahil hindi siya umiimik. “ Lucas, mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo pero sa tagal na nating nagkikita, napapansin ko na nagsasabi ka naman ng totoo, mahirap lang talaga sa panahon ngayon na maniwala sa mga ganyang kwento, sigurado kapag nalaman ng ibang tao na time traveller kayo ni Kaleb, baka pag isipan kayong baliw.” Ayaw parin niyang umimik, ang lungkot ng mukha niya. “ Lucas, hindi ako si Clara.” “ Ngunit—“ “ Maxine, yan ang itawag mo sa akin, dahil kapag hindi mo ako tinawag sa tunay kong pangalan talagang iisipin nila na nababaliw kayo, lahat ng nakapalibot na tao sa akin ay kilala ako bilang si Maxine simula pagkabata yun na ang pangalan ko.” “ Maxine.” Napilitan pa siya na tawagin ako sa tunay kong pangalan. “ Weird man isipin pero, naniniwala na ako sa inyo, yung kutob ko pinapatunayan niyo kaya mas lalo akong naniniwala na hindi kayo galing sa panahon namin, may mga bagay na hindi maipaliwanag sa inyo kaya naman hindi ko alam kung paano ko kayo tutulungan.” “ Hindi ka ba babalik sa atin?” “ Lucas, hindi ako si Clara, paano ako babalik eh ito ang panahon ko.” Ang lungkot talaga ng mukha niya. “ Pasensya na kung pinalungkot kita kahit may sakit ka, pero kailangan mo kaseng malaman ang katotohanan na hindi ako yung Clara na tinutukoy mo.” Alam ko mahirap tanggapin yun Lucas.  “ Tutulungan parin kita mahanap ang daan pabalik sa inyo at hahanapin din natin si Clara.” Ngumiti siya ng pilit. “ Uy Clara.” “ Maxine.” Binanggit ni Lucas ang pangalan ko. “ Yun ang ngalan niya.” Tanggap na ba niya na hindi ako si Clara? Lumapit sa kanya si Kaleb at may binulong pero narinig ko naman. “ Lucas bakit nagkakaganyan ka?” “ Yun ang gusto niya.” “ Hindi nga niya tayo maalala tapos susundin mo gusto niya? Dapat ikaw yung magpaalala sa kanya ng nakaraan niyo.” Nagmukha pa tuloy akong may amnesia, sila tong pumasok sa buhay ko at dinoble pa nila ang gulo ng buhay ko ngayon. Imbes na si Dylan lang ang inaalala ko nadagdagan pa. Pero infairness, hindi na ako gaanong nag iisip kay Dylan, mas iniisip ko itong dalawang kasama ko sa bahay kesa kay Dylan. Kapag nalaman ng ibang tao ang tungkol kanila Kaleb at Lucas malamang pagkakaguluhan sila dito, o baka dalhin na talaga sila sa mental. Umalis na muna ako sa kwarto dahil sila na ngayon ni Kale bang magkausap, sana naman ipaintindi ni Lucas kay Kaleb ang mga pinag usapan namin dahil ayaw niyang maniwala na hindi ako yung Clara na tinutukoy nilang dalawa.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD