Kabanata XVIII

2133 Words
Chapter eighteen LUCAS POV’S Masakit marinig ang mga pahayag ni Clara sa akin dahil ipinipilit niya na hindi siya si Clara, ayaw kong maniwala pero naguguluhan din ako sa mga nangyayari sa aking kapaligiran. Lahat kakaiba, maski ang ikinikilos ni Clara. Ipinipilit niyang siya si Maxine, ang mga sinasabi niya sa akin ngayon ay parang gusto ko ng paniwalaan, ang panahon ngayon ay hindi katulad sa panahon na kinalakihan ko. Naglakbay ba talaga kami ni Kaleb sa hinaharap? Galing ba talaga kami sa sinaunang panahon? Yan ang palaisipan sa akin dahil sa mga nakikita kong pagbabago sa paligid ko. Ayoko man siyang tawaging Maxine ngunit kailangan dahil yun ang ngalan niya dito sa panahon nila. “ Ano ba kaseng sinabi sa iyo ni Clara.” “ Mukhang tama siya, nanggaling nga tayo sa nakaraang panahon.” “ Ang basehan mo ba sa iyong sinasabi ay ang nakita nating kalendaryo?” “ Tama, ibang iba ang petsa noong araw ng kasal namin ni Clara at ang petsa ngayon.” “ Yun nga din ang aking pinagtatakahan Lucas, ibig bang sabihin totoo ang mga pahayag niya sayo?” “ Ayoko man maniwala na hindi siya si Clara ngunit, mukhang yun ang katotohanan.” “ Pero magkamukha sila, paano nangyari iyon?” “ Hindi ko rin alam kapatid.” Pareho kaming napaisip ni Kaleb ngayon, nagsasabi naman kami ng katotohanan kay Maxine, hindi naman kami nagsisinungaling. At mukhang ganun din siya. “ Ano na ang ating gagawin ngayon Lucas?” “ Kailangan muna natin makabalik sa dati nating lugar at panahon.” “ Kaya siguro ibang iba ang kilos ng Clara na kasama natin sa tirahan na ito ay dahil hindi siya ang tunay mong nobya, magkamukha lang sila, yun ba ang iyong naiisip?” “ Yun nga.” Pero ang puso ko, hindi parin nagbabago ang pagtibok nito kapag nakikita ko si Clara man siya o si Maxine. Kung nasa hinaharap man kami ni Kaleb malamang magbabago at magbabago ang buong paligid namin. Pero bakit ba kami narito? At paano kami napunta dito? Ang huling tanda ko ay umiinom lang kami ng alak ng may makita kaming maliwanag at doon na kami hinigop nito papunta sa lugar na ito. Si Clara lang ang hinahanap namin pero an gaming natagpuan ay si Maxine. “ Paano na tayo niyan.” Napakalungkot ng boses ni Kaleb, halata sa kanya ang pag aalala. “ Makakabalik pa kaya tayo?” “ Magtiwala ka lang, makakabalik din tayo sa dati nating panahon.” “ Pero paano?” “ Kailangan rin nating alamin ang bagay na yan.” “ Maiiwan si Clara dito?” “ Ang sabi niya ito ang kanyang panahon, kaya hindi niya tayo masasamahan pabalik.” “ Paano ka?” Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung magkaiba ba talaga si Clara at Maxine, parehong tumitibok ang puso ko sa kanilang dalawa, parehong saya at pananabik kapag nakikita at nakakasama ko sila. “ Tatanggapin ko, kung ano ang ibigay sa akin ng kapalaran ko.” Wala akong magagawa sa bagay na ito dahil kung ang kapalaran ko ay ito, tatanggapin ko na lang. “ Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang makisama sa mga tao sa paligid natin dahil, hindi ito ang panahon natin Kaleb.” “ Hindi parin ako makapaniwala Lucas na ganito ang nangyayari sa ating dalawa, maayos pa tayo dati at masaya bago ang kasal niyo ni Clara ngunit, nagbago lahat ng hindi sumipot ang iyong nobya.” “ Ayoko siyang sisihin sa mga nangyayari sa akin ngayon, lahat ng ito may dahilan, bigla na lang kaming pinagtagpo ng kahawig ni Clara sa panahong ito, kaya aalamin kung bakit nangyari yun.” “ Tama ka nga, kailangan natin manatili pa dito, pero hanggang kelan?” “ Hindi ko masasagot yan kapatid.” Gusto ko na rin makabalik sa panahon namin upang malaman kung naroon ba ang tunay na babaeng hinahanap ko. “ Kakain na.” Bumukas ang pinto at tumungaw si Maxine. Sumunod si Kaleb sa kanya at tumayo na rin ako sa aking kama. “ Kaya mo na ba Lucas?” “ Walang mangyayari sa akin kung hihiga lamang ako palagi.” “ Tama ka.” “ Kaleb, tawagin mo siyang Maxine.” “ Ngunit—“ “ Iyon ang kanyang ngalan sa panahong ito.” “ Sige kung iyon ang gusto mo.” Katulad ng binanggit ni Maxine kanina, siguadong mag iiba ang tingin sa amin ng maraming tao kapag pinilit ko ang aking gusto. Baka ikapahamak pa niya iyon, ayoko naman mangyari ang bagay na yun sa kanya. Si Clara man siya o si Maxine, kailangan ko rin siyang protektahan kahit anong mangyari kaya naman ang kagustuhan niya ang masusunod. “ Oh, bakit tumayo ka na?” “ Ibig kong saluhan kayo ngayon.” Kahit na wala akong gana kumain. Nakaupo na kaming tatlo at walang nagsasalita sa aming tatlo. “ Ah eh.” Nabasag lang ang katahimikan namin ng magingay si Maxine. “ Dito muna kayo tumira.” “ Totoo ba iyan Cla—Maxine.” Siniko ko si Kaleb. “ Oo, lalo wala kayong matutuluyan ngayon, mahirap na pagala gala kayo sa labas at hindi alam ng ibang tao ang totoong nangyayari sa inyo.” Napakabuti rin niya kagaya ng Clara na nakilala ko noon. “ Maraming salamat Cla—Maxine.” Nakakailang siko na ako kay Kaleb, hindi parin niya maiwasan na tawaging Clara si Maxine. Mahirap nga naman palitan ang nakasanayan lalo pa at magkahawig na magkahawig silang dalawa ng babaeng pakakasalan ko sana. “ Wala kaming maayos na natutuluyan ni Lucas, napakaraming masasamang tao ang lumalapit sa amin at halos saktan nila kami ni Lucas, ayaw namin ng gulo kaya lumalayo kami hanggat maaari, palipat lipat kami ng matutuluyan kaya napakahirap ng sitwasyon namin ngayon, at maramng salamat dahil papatuluyin mo kami sa iyong tahanan.” “ Habang hindi niyo pa nalalaman kung paano makabalik sa inyo, dumito na kayo lalo may sakit si Lucas.” Inaalala rin niya ako kagaya ng dati. Ayoko na magsalita pa, hanggang sa isip ko na lamang nasasabi ang lahat ng ito dahil baka kung ano nanaman ang maisip ni Cla- Maxine pala. Maski ako nahihirapan. Pero gagawa ako ng paraan upang maisaayos ang lahat. Kailangan ko muna malaman kung paano makakabalik sa aming panahon, yun ang una naming misyon nila Maxine at Kaleb. ****** MAXINE’S POV’S May part time ako ngayon at kailangan kong umalis, kaso itong dalawa maiiwan sila dito sa bahay, hindi naman siguro sila manggugulo dito. “ Huwag na kayong lumabas, baka kase kung mapano pa kayo.” Para tuloy akong nanay na nag aalala sa dalawa niyang anak. Kargo ko na silang dalawa lalo pa at magkakasama kami sa iisang bahay. Wala ng atrasan ito Maxine, ako na nagprisentang dumito sila sa bahay naaawa naman kase ako sa kanilang dalawa. Nakakakonsensya din magpalayas ng taong wala namang pupuntahan. “ Maari ko ba malaman kung saan ka pupunta?” “ Ah, magtatrabaho lang ako para may panggastos tayo dito.” “ Hindi ba dapat kami ang gumawa ng bagay na iyon dahil kami ang lalake dito at ikaw ang babae, hindi ka dapat magtrabaho Cla- Maxine pala.” Hindi parin sanay si Kaleb na tawagin akong Maxine. “ Iba na ang panahon ngayon Kaleb, pati babae nagtatrabaho na rin.” Inaalala din nila ako, talagang yung nakasanayan nilang kultura noon ang ginagawa nila ngayon kaso nasa modern days na sila wala na kami sa panahon nila na dapat ang lalake lang ang nagtatrabaho. Ang pangit nga naman tignan kase, sila ang nasa bahay habang ako ang naghahanap buhay. Mali naman kase ang sitwasyon naming lahat, naiintindihan ko na ang mga nangyayari lalo pa at galing sila sa makalumang panahon. Hindi man kapanipaniwala para sa iba kaso yun ang totoo eh, wala akong magagawa doon. “ Ihahatid na kita Maxine.” “ Hindi na, kaya ko sarili ko.” Napakagentleman ni Lucas. Bakit ko ba napagkamalang masasamang tao ang mga ito, ang bubuti nila sa akin. Ako itong masama ang iniisip sa kanilang dalawa, tapos trinatrato pa nila ako ng mabuti. “ Aalis na ako.” Binilin ko na huwag silang umalis dahil delekado din para sa kanila, simula ng mapunta sila sa panahon ko, nakaranas na sila ng kakaibang trato lalo pa at malaki ang pinagbago ng panahon namin sa panahon nila. Malapit lang dito sa bahay ang part time ko, sa isang gasoline station ako ngayon magtatrabaho, kakilala ko kase yung isa sa mga staff nila na may sakit ngayon kaya ako muna ang papalit. Puro lalake ang mga kasama ko ngayon dito buti at mababait sila. Buong maghapon akong nagtrabaho, overtime pa nga, dapat walong oras lang ako dito kaso umabot na ako ng gabi. Hindi pa ako nagtatanghalian dahil nagtitipid ako, marami na kami sa bahay at kailangan ko magtipid para magkasya ang budget ko. Oo nga pala, problema pala ang gastusin, hays nauna kase ang awa ko eh pero yung gatusin ko matriple na dahil tatlo kami sa bahay at hindi naman sila pwede magtrabaho. Nanghina tuloy tuhod ko kakaisip umupo ako dahil nangawit na ang mga tuhod ko, talaga bang ganito yung flow ng buhay ko? Napatayo na lang ako ng may magpapagasolina ulit, may ginagawa lahat ng mga kasama ko kaya ako na nag asikaso dito. “ Pafull—“ binaba na niya yung bintana ng sasakyan niya at magsasalita pa lang sana ako kaso nabigla ako ng makita ko kung sino yung magpapagasolina. “ Maxine?” “ Ako nga, part time ko.” Si Dylan napadaan dito para magpagas. Hindi ko inasahan na siya pala ang customer ko. Inasikaso ko muna siya bago makipagdaldalan dahil nakakahiya sa mga kasamahan ko baka isipin inuuna ko makipagkwentuhan kesa trabaho. “ Okay na.” “ Halika na, iuuwi na kita.” Banggit niya. “ Ilang minuto pa bago ako mag out, hintayin mo na lang ako.” “ Hindi mo ba nakikita itsura mo ngayon? Tara na ihahatid na kita” hindi ako umimik ramdam ko naman sa sarili ko na pagod at gutom na ako, mahahalat talaga sa itsura ko yun. “ Kung ayaw mo umuwi edi wag.” Ang bilis naman magbago ng mood niya. Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nag uusap kami ni Dylan. Ang malas naman wala akong payong. “ Diba artista yun?” “ Oo nga noh.” “ Yung kausap ni Maxine artista.” Yung mga customer namin na natrap dito dahil sa ulan ay pinagkakaguluhan na ngayon si Dylan. Itinaas na lang niya yung bintana ng kotse niya para hindi siya makita, nakakahiya kapag nalaman nila na yung girlfriend ng sikat na artista na si Dylan ay ganito lang ang trabaho. Hindi na niya ako pinilit pa na ihatid. Iba na nga talaga kami ngayon. Dati kapag ganito hinihintay pa niya ako o kaya pipilitin niya na umuwi na ako dahil sobra siyang nag aalala sa akin, kaso ngayon takot na siya dahil maraming nakakakilala sa kanya. Umalis na agad ang kotse niya ng mapansin siya ng mga tao. “ Swerte mo ah nakakita ka ng artista.” Ngumiti na lang ako ng lapitan ako ng isa sa mga katrabaho ko, maswerte ba tawag dun? Sa iba siguro oo pero sa akin hindi. Ilang minuto lang naman na mag oout na ako kaso malakas ang ulan, hindi ko naman pwedeng hintayin na tumila ito baka umabot pa ako ng madaling araw. Kinuha ko na yung mga gamit ko para makauwi na kaso nag aalangan ako tumakbo. Hindi talaga niya ako hinintay para ihatid, alam namna niyang ilang minuto na lang uuwi na ako pero umalis parin siya dahil sa mga nakakita sa kanya. Pwede naman na sa malayo siya maghintay ah. Boyfriend ko pa ba si Dylan o hindi na? Maski ako nalilito na sa relasyon naming dalawa. Tatakbo na lang ako, bahala na kung magkasakit ako basta gusto ko na mahiga at matulog. Magaan naman yung bag na dala ko kaya ipinatong ko ito sa ulo ko para kahit papaano ay hindi ito mabasa. Tumakbo ako ng mabilis, sa gilid gilid na lang ako dadaan kaso may biglang sumalubong sa akin na may bitbit na payong kaya napahinto ako. Muntik pa ako madulas sa biglang preno ko sa sarili. Nagulat ako, hindi ko inaasahan ito. “ Umuwi na tayo Maxine.” Nakangiti pa siya habang sinasabi yan sa akin. “ Lucas?” bakit siya nandito. “ Nakalimutan mo magdala ng payong kaya hinanap kita kung saan saan ng makita kong madilim na ang kalangitan.” “ Kanina mo pa ako hinahanap?” “ Oo, halos mag iisang oras na, hindi ko kase alam kung nasaan ka.” Nakakatuwa naman, makakauwi ako ng hindi basa. Mas nakaramdam ako ng tunay na pag aalala kay Lucas kesa kay Dylan.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD