Kabanata XIX

2174 Words
Chapter nineteen DYLAN’S POV’S Hindi ko inasahan na magkikita kami ni Maxine sa gasoline station na malapit sa bahay niya, papunta talaga ako sa kanya ngayon pero dito ko na siya nakita. Maraming tao doon kaya hindi ko na nagawang kausapin pa si Maxine lalo at kilala nila ako. Kainis naman! Lumayo na lang ako para hindi nila makita, nasa may pangalawang bahay ako bago yung gasoline station na pinagtatrabahuan ni Maxine. Hihintayin ko na lang siya dito. Mga ilang minuto lang naman at uuwi na siya. Patingin tingin ako sa relo ko at sa labas, nagbabakasakaling dumaan na si Maxine kaso wala pa siya. Kaso ng pangalawang lingon ko may napansin akong babae na hawid ni Maxine kaso may kasama siyang lalake at nasa iisang payong sila. Sino naman kaya yun? Nang makalapit na sila sa pinagparkingan ko nakumpirma ko nga na si Maxine iyon at yung lalake parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Pinagmasdan ko lang sila habang naglalakad, mukhang ihahatid siya nung lalake pauwi sa kanila Hindi ko kilala yung lalake pero pamilyar, kaya naman sinundan ko sila hanggang sa makarating ako sa bahay nila Maxine. Huminto na lang ako sa tapat ng tinutuluyan ni Maxine. Nakapagtataka talaga bakit derederetso lang din yung lalake papasok sa bahay nila Maxine? Kakilala niya ba yun? Medyo malakas pa ang ulan pero bumaba ako ng kotse ng makapasok na silang dalawa sa bahay ni Maxine. Ngayon ko lang nakita na may kasamang ibang lalake si Maxine at talagang hanggang sa loob ng bahay inihatid siya? Kumatok agad ako sa pinto. Agad naman akong pinagbuksan nung lalakeng kasama ni Maxine kanina. “ Maganda gabi.” Bati niya sa akin “ Sino ka?” “ Ako nga pala si Lucas.” At iniabot pa niya ang kamay niya sa akin, napakagalang naman ng lalakeng to. Hindi ko inabot yung kamay niya. “ Nasaan si Maxine?” “ Magkakilala ba kayong dalawa?” “ Eh kayo? Magkakilala ba kayo? Bakit ka nandito sa bahay niya? Sino ka ba?” “ Ako si Lucas Montealto at magkakilala kami ni Maxine.” “ Ngayon lang kita nakita.” “ Ganun din ako.” Hindi ba ako kilala ng lalakeng ito? Bakit parang wala siyang alam na may boyfriend si Maxine at artista ako? Hindi ba nanunuod ng TV to? “ Lucas sino yan?” rinig ko na ang boses ni Maxine at rinig ko rin ang yabang niya na nagmamadaling tumatakbo papunta dito sa pinto. “ Dylan.” Halata sa kanya ang gulat ng makita ako. “ Sino to?” tinuro ko yung lalake na nagbukas ng pinto. “ Bakit magkasama kayo sa iisang bahay?” “ Pinsan ko yan Dylan.” Napakunot ako ng noo. Pinsan? “ Ngayon ko lang siya nakita, may pinsan ka pala na malapit sayo?” pagtataka ko “ Nandito siya kase naghahanap siya ng trabaho.” Bakit parang alanganin ang sagot ni Maxine sa akin. Hindi umiimik itong sinasabi niyang pinsan niya, nakangiti lang siya sa akin. Hinila ako ni Maxine sa labas at sinara yung pinto. “ Bakit ka nandito? Akala ko umalis ka na kanina.” “ Tinignan ko lang kung nakauwi ka na.” Kahit hindi naman talaga yun ang dahilan. “ Ah okay” “ Kailan pa nandito yang pinsan mo?” “ Noong nakaraang araw lang.” “ Hanggang kelan siya dito?” “ Ah eh, kapag nakahanap na siya ng trabaho at murang matitirahan lilipat din siya agad.” Yan siguro yung tinutukoy ni Jingle na pinsan ni Maxine, ngayon nakita ko na hindi maganda ang kutob ko sa kanya. “ Sige aalis na ako.” Nasa bahay naman na siya at mukha namang walang masamang gagawin sa kanya yung lalakeng yun. Nawiwirduhan nga ako sa kanya, iba ang kilos niya maskia ng pananalita napakagalang. Hindi ko na masyadong nakakausap si Maxine dahil sobrang busy ko at pagod sa trabaho, hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Ang sama ko talaga sa kanya. ********* MAXINE’S POV’S Nabigla ako ng pumunta dito si Dylan at kausap pa niya si Lucas, nako naman oh ano naman kaya sinabi ni Lucas sa kanya? Nagbibihis kase ako sa kwarto kaya si Lucas ang nagbukas ng pinto. Si Kaleb naman nasa kusina nagluluto. At ng umalis si Dylan agad kong kinompronta si Lucas dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinagusapan nilang dalawa. “ Anong sabi niya sayo?” “ Marami.” “ Kagaya ng ano?” “ Kung sino ako, nagpakilala lang naman ako Maxine.” “Ano pa?” “ Kung bakit daw ako narito.” “ Ano pa?” “ Bakit Maxine may problema ba?” “ Wala naman” Kinakabahan lang ako na baka mabuko ni Dylan na hindi ko kamag anak si Lucas, pag iisipan ako ng masama nun. “ Nagpakilala lang ako sa kanya, sino ba ang lalakeng yun?” “ Siya ang boyfriend ko.” Bigla ko na lang nasagot ng ganun si Lucas. “ Boyfriend? Nobyo ba?” Hindi na ako umimik dahil umiva ang itsura niya, halata naman sa kanya na napipilitan lang siya na tawagin akong Maxine. Alam kong tinuturing parin niya akong nobya niya kahit na pinaliwanag ko na sa kanya ang totoo na hindi ako si Clara. “ Tara na baka nakaluto na si Kaleb nagugutom na kase ako.” Napatakbo na lang ako sa kusina, mahirap magpaliwanag sa mga taong ito lalo pa at galing sila sa ibang panahon. Anong alam nila sa panahon namin? At sa akin? Eh ang pagkakakilala nilang dalawa sa akin ay ako ang babaeng pakakasalanan sana ni Lucas. Mahirap naman talaga magadjust. Ako nga naghihirapan din sila pa kaya? Lalo pa at may kakilala silang kamukha ko malamang naman mawiwindang talaga sila. Ngayon kase medyo namumulat ang kaalaman ko dahil sa mga teknolohiya, may mga nareresearch akong time traveller na akala ko dati ay hindi totoo. Pero ngayon proven ko na. Kailangan ko lang mag ingat sa mga sasabihin k okay Lucas at Dylan, hindi naman sa nagloloko ako, ayoko lang ng gulo hindi ko pa gaanong kilala si Lucas, naaawa lang ako sa kanila dahil ako lang ang nakakaalam ng sitwasyon nila tapos wala pa silang matutuluyan. Sumakit tuloy ulo ko. “ Maxine, para sa iyo ito.” “ Paano kayo nakabili ng ganyan? Wala naman akong stocks dito na pagkain?” Nakangiti yung dalawa, ano kaya ang ginawa nila at nakabili sila ng masarap na ulam? Akala ko kung ano yung niluluto ni Kaleb. “ May mangangalakal na dumaan dito sa harap ng bahay mo Maxine at nabanggit niyang maari palang ipagpalit ng salapi ang nasa labas ng iyong bahay.” “ Yung mga bote ba na nasa sako ang tinutukoy niyo?” tanong ko kay Kaleb. “ Yun nga Maxine.” Marami na akong naipon na kalakal at yun ata ang tininda nila para magkapera. “ Kakaiba ang salapi ninyo dito.” Sabat ni Lucas. Iba naman na kase ang panahon ngayon at pabago bago talaga ang itsura ng pera. “ Nasa ibang panahon na kayo kaya iba talaga ang pera.” “ Makakasanayan din namin dito Maxine.” “ Tama si Lucas, hindi naman maaaring manatili kami dito ng walang ginagawa, kailangan ka rin naming tulungan habang hinahanap namin ang daan pabalik sa dati.” Kahit papaano nawawala na ang takot ko sa kanila at duda na masasamang tao sila. Pero ayokong ipakita yun para naman hindi sila makampante, ganun kase ang ibang tao kapag alam nilang komportable ka na sa kanila aabusuhin ka. Habang nakikipagkwentuhan ako sa dalawa biglang nagvibrate yung phone ko, si Jingle pala tumatawag. ( Hello Maxine?) “ Oh, napatawag ka?” ( Bukas na ang awarding ng best actor, hindi ka ba manunuod ng live?) “ Sa TV na lang siguro ako manunuod.” ( Sige, akala ko kase manunuod ka bukas ng live kaya tinawagan kita.) “ Kapag nanalo siya ng best actor, susurpresahin ko siya.” ( Maganda yan, sige na bye) Nakaraan ko pa iniisip yung awarding ni Dylan kung mananalo ba siya o hindi, malayo naman kase yung venue hindi ko afford, alangan naman makisabay ako sa kanya edi pinagkaguluhan kami ng media. Dito na lang ako sa bahay manunuod tapos kapag nanalo siya pupunta agad ako sa condo niya para batiin siya ng congratulations. May nakahanda ng regalo dito na ako mismo ang gumawa, mahilig ako magpaint kaya yun ang ginawa ko noong nakaraan pa. Mukha ni Dylan ang inilagay ko. Sana magustuhan niya to. “ Anong nangyayari? Nakangiti ka ng walang kinakausap?” tanong sa akin ni Kaleb. “ Masaya lang ako.” Siguradong si Dylan ang mananalo dahil siya ngayon ang rising star sa bansa, yung mga kasama niyang nanominate hindi naman magagaling at palaos na din sa showbiz, kaya siguradong si Dylan ang mananalo. ******* [ KInabukasan ] Nakahanda na ako at nag aabang na lang ako sa harap ng telebisyon para malaman kung sino ang nanalong best actor. Kasama kong nanunuod si Lucas at Kaleb, hindi nila maintindihan kung ano ang pinapanuod nila rinig ko ang bulungan nila pero ayaw nilang ipahalata sa akin. Hindi naman uso ang awarding noon sa panahon nila. “ Ayan na ayan na mag uumpisa na.” Sobrang excited ko, napapatingin na lang sa akin yung dalawa. Yung best actress nakuha ni Miraya, yung babaeng parang may pandikit sa katawan dahil dikit ng dikit kay Dylan ko. Sumunod na agad ang anunsyo ng best actor. At halos mapatalon ako sa upuan ko ng marinig ko ang pangalan ni Dylan, nanalo siya! Kagaya ng inaasahan ko! Hindi umiimik sina Lucas at Kaleb habang nakatingin sa reaksyon ko. “ Pasensya na, natuwa lang ako.” Nakakahiya ka Maxine, hindi ka na kagaya ng dati na mag isa lang sa bahay at magagawa mo lahat ng gusto mo. Kinuha ko na ang mga gagamitin ko pangdekorasyon sa condo ni Dylan at pati na rin ang regalo ko. “ Aalis muna ako.” “ Ngunit napakadilim na sa labas, hindi na magandang lumalabas ng ganitong oras ang mga babae.” Sabi ni Lucas. “ Dati ganun, pero hindi na ngayon, may importante akong gagawin kaya kailangan ko na magmadali, sige aalis na ako.” Hindi naman ako magpapapigil, gusto ko kase makita reaksyon ni Dylan sa regalo ko dahil siguradong matutuwa siya dito. Wala naman na akong narinig na sinabi si Lucas, hindi naman na nila ako sinundan. Naiintindihan ko naman sila, siguro kung ako ang nasa panahon nila baka hindi ko kayanin lalo mahigpit ang patakaran noong makalumang panahon. Yun ang tanda kong kwento sa akin ng lolo at lola ko noong nabubuhay pa sila, sobrang higpit noong mga panahong dalaga pa sila, kaya siguro ganun na lang mag alala si Lucas. Kung galing nga sila sa panahong eighteen ninety malamang mas matanda pa sila sa lolo at lola ko pero ang mga mukha nila mas bata pa tignan kesa sa akin. Ang kinis ng mukha ni Lucas at napakaputi niya. Bakit ganito naman Lord, ang unfair mo talaga sa akin. Nakarating na agad ako sa condo ni Dylan, hindi ko makontak si Jingle para sabihing nandito ako sa condo ng alaga niya. Mukhang busy pa sila, bahala na papasok na lang ako ng kusa, kaya ko namang lusutan yung mga gwardya. Pagkarating ko sa loob ng condo niya, naglinis muna ako at nag ayos sa kwarto niya. Nilagyan ko ng konting palamuti sa kwarto ni Dylan at ipinatong ko ang regalo ko sa kama niya. Siya na lang ang kulang para makita niya lahat to. Tinawagan ko ulit si Jingle kaso wala paring sumasagot, bakit kaya? Anong oras kaya sila uuwi? Sigurado naman akong uuwi siya dito mamaya kaya maghihintay na lang ako sa kanya. Halos mag iisang oras akong palibot libot dito sa loob ng condo niya, binubuksan ko yung Tv kaso naboboring naman ako sa mga palabas kaya pinapatay ko rin lang. Bakit kaya wala pa sila? Tumawag ako ulit kay Jingle at sa pagkakataong ito sinagot na niya, kaso ang ingay sa background niya parang ang dami niyang kasama. ( Maxine, pasensya na hindi ko nasagot mga tawag mo kanina, kasama ko kase yung mga matataas ang posisyon sa agency na kinabibilangan ni Dylan, pati na rin ang ibang media at papunta na kami ngayon sa condo niya magcecelebrate kami ng pagkapanalo niya ng best actor) “ Ha? Pupunta kayo dito?” ( Dito? Bakit nasaan ka ba? ) “ Hindi ba sinabi ko sayo na pupunta ako dito sa condo niya pagkatapos ng awarding?” ( Halla! Seryoso nandyan ka sa condo niya?) “ Oo Jingle, paano to?” ( Patay, nandito na kami sa tapat ng pinto ng condo niya, marami kaming kasama Maxine maski si Miraya nandito) Nako po. Pinatay na ni Jingle ang tawag, sakto naman narinig kong bumukas ang pinto ng condo ni Dylan. Lagot na, makikita nila ako dito, anong gagawin ko? Ang dami pa man din nilang kasama kagaya ng sabi ni Jingle.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD