Chapter twenty two KALEB’S POV’S Nag aalala na kami ni Lucas dahil tanghali na at hindi parin lumalabas sa kanyang silid si Maxine, napakalungkot ng kanyang mukha kagabi. Noong umalis siya ay napakasaya ngunit pagbalik napakalungkot na, ano kaya ang nangyari? “ Hindi mo ba talaga siya pinaiyak Lucas?” “ Hindi ko kayang gawin yun sa kanya.” “ Bakit kaya napakalungkot ng kanyang mukha kagabi? Hindi parin siya lumalabas ng kanyang silid, hindi siya kumain ng almusal.” Nasa tapat ng pinto ng silid ni Maxine si Lucas ngunit nahihiya itong katukin ang pinto, napanghihinaan ng loob si Lucas. “ Nag aalala ka rin.” “ Sobra” “ Bakit hindi mo katukin?” Naglakas loob na si Lucas na kumatok ngunit walang sumasagot sa kanya. “ Maxine nariyan ka ba?” tanong ko. Wala kaming naririnig na boses