Chapter twenty one MAXINE’S POV’S Nakayuko parin ako habang nagtataka sila kung sino ba ako, malamang naman ngayon lang nila ako nakita dito. Sa sobrang ingay nung lalake na gagamit sana ng banyo ay nagsipunta ang iba nmilang kasama dito sa kwarto ni Dylan para makiusyoso. Nakakahiya na to sobra. “ Sino ka? Bakit ka nandito?” “ Magnanakaw ata to Dylan.” “ Tumawag kayo ng pulis!” Napatingin na ako sa kanila, ang dami nila maski si Jingle hindi nakapagsalita dahil ayaw niyang masira ang career ni Dylan kapag nalaman nila kung kaano ano ako ni Dylan. Habang ang boyfriend ko nakatitig lang sa akin at hindi nagsasalita. Tulungan mo naman ako malusutan ito, bakit hindi ka nagsasalita diyan? “ Dylan kilala mo ba siya?” tanong ni Miraya sa kanya. Nag aabang ako ng isasagot ni Dylan pat