Chapter seventy nine MAXINE’S POV’S Pinipilit kong maging okay para naman hindi na nahihirapan pa si Lucas, alam kong masakit na ang kanyang katawan at may iniinda na siyang karamdaman kaya ayoko namang dumagdag pa. “ Labas tayo mamaya? Susunduin kita.” “ Sige.” May kailangan akong pirmahang endorsement kaya kailangan kong pumunta sa agency, si madam A na ang bahala sa trabaho ni Lucas kaya sa bahay lang muna siya. Napag usapan namin ni Lucas na isang linggo pa siyang mananatili dito. Ang bilis bilis naman kase ng oras, iniisip ko palang na matatapos na ang isang linggo na makakasama ko siya ay nalulungkot na ako ulit. Mabuti na lang nasa sasakyan na ako at hindi na niya ako makikitang umiiyak. Nagpipigil lang ako ng luha kanina pa, ayokong dumagdag sa pasakit niya, naiintindihan