Chapter fifty one KALEB’S POV’S Matapos naming ihatid si Maxine sa kanyang tahanan ay kinausap ko ng masinsinan si Lucas. “ Kaibigan, alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa ng isang lalake kapag may iniibig siyang babae.” “Tama pa bang gawin ko yun sa panahon nila?” “ Oo naman, mas kaaya aya ang magharana at magpakita ng totoong nararamdaman kapag kaharap mo ang babaeng nagugustuhan mo.” “ Anong gagawin ko?” “ Magharana tayo kay Maxine, hindi maaaring maghawak na kayo ng kamay ng wala man lang na maayos na pakiusap sa kanya upang hingiin ito. Nalilimutan mo na ang mga aral n gating mga magulang Lucas.” “ Paumanhin, kakaiba kase ang panahon ngayon kaya naman hindi ko magawa ang mga nagagawa ko noon, nahihiya ako minsan.” “ Ako bahala aking kaibigan.” Pumunta kami sa bahay ni M