Chapter fifty two MAXINE’S POV’S Pagkagising ko agad kong chineck si Lucas sa labas ng kwarto dahil sa sala daw siya matutulog, kaso wala siya doon maski sa buong bahay wala siya. “ Nasaan na yun?” Wala rin siya sa labas ng bahay. Nanaginip lang ba ako na kasama ko siya kagabi? Kaso hindi yun panaginip dahil may benda ang kamay ko at yung mga basak na salamin ay nandito sa gilid. Maaga siguro siyang umalis. May narinig akong bumusina at paglingon ko yung kotse ni Lucas ang agad kong nakita at kasama pa niya si Kaleb. “ Teka? Bakit ang dami niyong gamit?” may mga bitbit silang kung ano ano, pati ba naman kaldero dala nila? At yung mga gamit nila sa condo nakalagay din sa kotse. “ Anong meron?” tanong ko kay Kaleb dahil siya ang naunang lumapit sa akin, hingal na hingal siya dahil a