Chapter forty eight MAXINE’S POV’S Ayaw talaga akong paalisin ng mga lalaking ito lalo ni Mr. Lu, hindi ako magpapatalo sa kanila, kesa naman ibenta nila ako sa mga matatandang manyakis an narito. Hindi ako katulad ng mga babaeng narito na nagbebenta ng katawan magkapera lang! Hindi ko kayang gawin yun. “ Bitiwan mo ko!” sigaw ko at kinagat ko ng mariin yung kamay ng lalake. “ Aray!” sinipa ko naman yung itlog nung isa pang lalake na humahawak sa akin sabay tumakbo ako ng mabilis. Napalingon bigla si Mr. Lu sa akin. “ Habulin niyo! Magsusumbong yan sa pulis!” sigaw ni Mr. Lu. Buti alam mo, doon talaga ako dederetso kaya tumakbo ako ng mabilis kaso nga lang ang bibilis din ng humahabol sa akin at ang lalaki pa ng katawan. Maski si Mr. Lu hinahabol din ako. Ang lakas ng kabog ng di