Chapter forty seven MAXINE’S POV’S At dahil hindi na kami nag iimikan dito ay binuhat ko na yung ibang props para may maidahilan ako na magwalk out. “ Kailangan ko na pala dalhin to sa labas, sige mauna na ako.” Kahit sobrang bigat ng bitbit ko ay pinilit kong buhatin ito. “ Ako na.” Gustong buhatin ni Lucas yung mga dala dala ko. “ Kaya ko naman.” Nagmadali akong umalis para lang makatakas, ano ba tong pinaggagawa ko, gumawa ako ng ikasasama ko tapos tatakas din lang? Si Kaleb kase kung makapagtanong ng ganun, hindi naman kase ako handa sa isasagot ko, lalo pa at nalilito rin ako sa sarili ko. Sumunod sa akin si Lucas at Kaleb pero umiwas ako sa kanila, kunwari nag aayos ako ng mga props at tinutulungan ko ang ibang crew. Yung hindi ko gawain dito sa set nagagawa ko na kakaiwas