Kabanata V

2052 Words
Chapter five LUCAS POV’S Ibang iba ang lugar na napuntahan namin ni Kaleb ngayon, parang ibang mundo ang bibilis ng mga gamit maski ang mga sasakyan. Ang mga kasuotan kakaiba rin, hindi kagaya sa suot namin ni Kaleb kaya naman naglakad kami palayo dahil pinagtitinginan kaming dalawa. “ Baka nasa ibang bansa tayo?” “ Imposible, wala naman tayong ginawa upang makarating doon.” “ Nasaan ba tayo Lucas?” “ Hindi ko talaga alam kapatid.” Naglakad lakad kami ni Kaleb hanggang sa makarating kami sa walang gaanong tao, malamig din ang simoy ng hangin dito. Nakakapagtaka talaga kung paano kami nakarating sa lugar na ito at kung anong klaseng mundo ba ito? Napakaganda ng mga kagamitan nilang lahat dito. “ Lucas saan ba tayo patungo ngayon?” “ Baka narito si Clara Kaleb kaya hindi sya nakarating sa aming kasal.” “ Sa tingin mo ba ay ganun ang nangyari?” “ Kakaiba kase ang lugar na ito at hindi ko alam kung saan na ang daan patungo sa tirahan namin.” “ Maski ako Lucas wala akong alam sa lugar na ito.” Lakad lang kami ng lakad ni Kaleb, hanggang sa napagod kami at umupo sa may gilid ng malaking puno. Wala kaming patutunguhan ngayon dahil wala naman kaming alam sa kinalalagyan naming lugar ngayon. “ Mabuti pa ay pumunta tayo sa kabilang daan” tukoy ni Kaleb, ang tinutukoy niya ay sa katapat naming daan. “ Mas mabuti nga.” Tumugon na lang din ako sa gusto niya Ilang hakbang palang ang nagagawa namin ni Kaleb ay may malakas na tunog kaming narinig kaya napaupo ako sa sobrang gulat. Malapit lang ang tunog na yun kaya napaupo ako bigla, mabuti na lang nahawakan ako ni Kaleb sa braso. “ Salamat kapatid.” “ Tumayo ka na Lucas.” Inaalalayan ako ngayon ni Kaleb dahil nadumihan ang aking kasuotan sa pagkabagsak ko sa lupa, nakita namin ang isang magandang sasakyan na nakahinto malapit sa amin. Napakaliwanag pa ng harapan nito. “ Lucas mukhang kakaiba ang sasakyan na yan.” “ Tama ka.”  Hindi kami umalis dahil may lumapit sa amin na babae, halatang kinakabahan ang babae at ang akala niya ay natamaan kami ng minamaneho niyang sasakyan. Pero ng masilayan ko ang kanyang mukha. Nabuhayan ako ng loob. Si Clara! Si Kaleb din natuwa ng makita si Clara at sya ang lulan ng magandang sasakyan na kulay puti, natutuwa akong makita sya. “ Sabi sayo nandito sya.” Bulong ni Kaleb sa akin. Ang saya ng puso ko ngayon, gusto kong tumalon sa tuwa at yakapin sya kaso parang hindi niya kami nakikilala. Pinapakiramdaman ko ang kilos at pananalita niya, ibang iba sa Clarang nakilala ko pero kamukhang kamukha niya ang mapapangasawa ko. Bakit hindi niya ako kilala? Maski si Kaleb ay hindi niya kilala. Nakakapagtaka naman ito. Ang dami na naming sinabi pero sya? Ang tipid lang ng mga isinasagot niya sa amin ni Kaleb at parang takot na takot syang makita kami. Anong nangyayari sayo mahal ko? Bakit ka nagkakaganyan? Nawala ka na sa mismong kasal natin tapos hindi mo pa ako maaalala? Ang sakit naman nito. “ Clara mahal ko, umuwi na tayo.” “ Hinahanap ka na rin ng pamilya mo Clara” dagdag ni Kaleb ngunit hindi parin sya umiimik, nakatitig lang sya sa aming dalawa. Nagkatinginan kami ni Kaleb at pareho kami ng naiisip na hindi kami kilala ni Clara. Anong ginawa sayo ng mga tao dito Clara? Baka sinaktan ka nila kaya ka nagkaganyan. Patawarin mo ako mahal ko hindi agad ako nakasunod sayo dito upang maipagtanggol ka, baka minlatrato ka pa ng mga tao dito kaya wala kang maalala tungkol sa amin ngayon. “ Lucas, hindi niya tayo kilala.” Bulong sa akin ni Kaleb. Halata naman na hindi kami naaalala ni Clara at ibang iba ang suot niya ngayon kesa noong huli ko siyang nakita. Napakaiksi ng kanyang pang ibabang palda at ang damit niya pang itaas naman ay nakikita na ang kanyang dibdib. Ayoko man ng ganyang itsura niya dahil baka mabastos siya ng mga kalalakihang narito kaso nakikita ko rin sa mga babaeng dumadaan dito ay ganun din ang kasuotan, mas maiksi pa sa suot ni Clara. “ Mukhang kailangan mo ng matinding gamutan mahal ko, kailangan ka na namin maiuwi sa inyo, nag aalala na ang mga magulang mo sayo.” “ Magulang? Wala akong magulang.” Nagkatinginan ulit kami ni Kaleb, ang hirap pala ng ganitong sitwasyon dahil walang naaalala na kahit ano ang mahal ko. Maski ang kanyang magulang nakalimutan na niya. Anong klaseng lugar ba ito? Bakit nalimutan niya kaming lahat? Mabuti na lang kami ni Kaleb ay may naalala pa. Matino pa ang pag iisip naming dalawa. ****** MAXINE’S POV’S Hindi ko na kaya ito, hindi ko na matatagalan kausapin ang mga baliw na ito, bakit ba kase hindi ko mailakad ng maayos ang mga paa ko? Natatakot ako nab aka modus lang nila ito tapos babarilin na lang nila ako dito bigla o kaya hubaran nila ako. Dylan ko! Tulungan mo ko! Yung phone ko nasa loob ng taxi, paano ako makakahingi ng tulong nito? Wala pa man ding gaanong naglalakad banda dito. At ang mga dumadaang mga sasakyan naman ang tutulin kaya hindi ako makahingi ng saklolo, balak ko talagang tumakbo papasok ng sasakyan ko. Magbibilang ako ng sampu bago ako tumakbo Isa Dalawa Tatlo Apat Lima! Hindi pa umabot ng sampu dahil ang tagal, kaya naman napapikit na lang ako habang pinilit kong makatakbo papunta sa taxi. Kaso nga lang may biglang humila sa akin, napakalakas kaya napalingon agad ako, hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang gumawa nun at paglingon ko, dibdib na ng isang lalake ang nasa harapan ko. Niyakap ako nung pinakagwapo sa kanilang dalawa. Hindi naman sila amoy pulubi, ang bango pa nga ng damit niya sobrang kakaiba ng amoy nakakagaan ng loob. Teka, teka Maxine niyayakap ka ng hindi mo kilala. Naitulak ko sya ng mahina upang makawala sa pagkakayakap niya. “ Anong problema Clara? Bakit ka nagkaganyan?” Naiinis na ako kanina pa nila ako tinatawag na Clara! “ Hindi ako si Clara, Maxine ang pangalan ko at hindi ko naman talaga kayo kilala, wala na rin akong magulang, kaya pwede? Tigilan niyo ako? Uuwi na ako, dyan na kayo.” Hindi naman na nila ako sinundan, derederetso na ako sa paglalakad at halata sa kanila ang pagtataka ng sabihin ko yun. Nainis na ako ng sobra, ang layo naman ng pangalan ko sa Clara, sino ba yung Clara na tinutukoy nila? Sumakay na ako sa taxi at binilisan ko ang pagmamaneho ko upang makalayo na sa mga baliw na taong yun. Halata naman na wala sa katinuan ang dalawang yun, pero bakit ako ang napagdiskitahan, kainis naman napakamalas. Muntik pa akong nakagastos ng pampaospital nila dahil para silang tanga, ang lakas na ng busina ko kanina at ilaw hindi parin nila napansin? Mabuti na lang mga wala sa katinuan ang mga yun, hindi naman siguro nila ako isusumbong sa pulis. Magkakasala pa ako niya. Nakauwi na ako sa tinutuluyan ko, nawala yung atensyon ko kay Dylan at sa babaeng pinapares sa kanya ng mga fans niya. Hindi matanggal sa isip ko yung dalawang lalake kanina. Mukha silang matino at mayaman pero yung pananalita nila at kasuotan kakaiba eh, kawawa naman yung pogi doon, artistahin din ang mukha sayang naman. Sana hindi ko na sila makasalubong pa. Nakakatakot sila. Pinagkakamalan nila akong Clara, magkamukha ba kami ng Clara na tinutukoy nila?  napakaimposible naman nun? May kamukha ba ako? Napatingin tuloy ako sa salamin. Itong itsurang to may kamukha pa pala? Tsk, swerte ko na lang kung yung Clara ay mayaman tapos ako ang ipalit. Imposible naman yun mangyari. Hays! Loko talaga yung dalawang yun natakot tuloy ako, sinara ko mabuti ang mga pinto dito baka mamaya pumasok sila bigla sa bahay ko. Mag isa ko pa naman dito. Tinawagan ko si Dylan upang ikwento sa kanya ang nangyari sa akin kanina kaso hindi siya sumasagot, nagriring lang yung phone niya. Maaga pa naman ah, hindi yun natutulog ng ganitong oras, nasaan nanaman kaya siya? Si Jingl ang tinawagan ko upang tanungin kung nasaan si Dylan “ Hello Jingle” ( Yes, Maxine? Anong meron?) “ Kasama mo ba si Dylan?” ( Kanina pa yun umuwi, malamang nasa bahay na siya) “ Ganun ba” bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ( Pagod lang yun, hwag ka magi sip ng kung ano) “ Baka nga, sige salamat.” Sana pala hindi ko na tinawagan si Dylan, nabaling nanaman ang atensyon ko sa kanya, napapansin ko kaseng nagiging cold na siya sa akin. May nabasa akong libro noon na kapag ganun na ang lalake sa girlfriend niya ibig sabihin daw nun ay may iba na siyang mahal o wala na ang pagmamahal niya sa akin. Naalala ko yung biro niya sa akin na gusto niyang makipaghiwalay. Biro nga ba yun o nagtatangka na talaga siyang makipaghiwalay? Grabeng kamalasan talaga sa buhay ko, love life, career maski sa family. Anong klaseng sumpa ba ang dumapo sa akin. ****** KALEB’S POV’S Umalis na si Clara at nag iba na rin ang kanyang ugali. “ Paano ba yan Lucas, ibang iba na ang Clarang nakilala natin noon.” “ Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapatid.” Ang lungkot ng kaibigan ko ngayon dahil hindi siya maalala ng mahal niya, ang sakit nun para sa kanya lalo pa at hinahanap niya ito araw araw. Napaupo na lang sa lupa si Lucas dahil halata sa kanyang mukha na nasaktan siya ng todo sa pinakitang asal sa kanya ni Clara. “ Mukhang may kakaiba sa lugar na ito kaya hindi ako maalala ni Clara.” “ Parang ganun na nga Lucas.” “ Mabuti na lang alam kong ligtas siya at narito siya kaya ang kailangan ko na lang gawin ay ang mahanap kung saan siya tumutuloy.” “ Tama! Yan din ang sasabihin ko sayo, kailangan natin maibalik ang ala ala ni Clara at ibalik siya sa kanilang tahanan.” “ Ngunit, saan natin siya hahanapin?” “ Yan ang hindi ko alam Lucas.” Pinapalakas ko ang loob niya pero hindi gumagana ang mga ginagawa ko sa kanya, naging buhay na niya si Clara tapos ganito pa ang mangyayari Napakalupit ng tadhana sa kanilang dalawa. Hindi na nga natuloy ang kanilang kasal, hindi pa siya maalala ng kanyang mahal. Ako yung nasasaktan sa para sa aking kaibigan, pero siguradong mas nasasaktan si Lucas ngayon. Naglakad lakad kami kung saan saan, wala kaming matutuluyan ngayon ni Lucas dahil hindi namin batid ang lugar na ito. “ Pagod na ako kapatid.” “ Ako rin” “ Tayo ng magpahinga muna.” “ Dito ba tayo matutulog?” Nasa ilalim kami ng malaking puno ngayon at dito na kami naabutan ng hating gabi kakahanap kay Clara. Nahanap na namin siya ngunit umalis naman kinalaunan. Ramdam ko na rin ang pagod at antok kaya gumawa ako ng higaan gamit ang mga dahon na nakikita ko dito sa paligid. Ginawan ko rin ng higaan ang kaibigan ko upang makapagpahinga siya ng maayos. Hindi ganito ang kinalakihan niya, sila ang pinakamayaman sa aming lugar tapos dito lang siya ngayon natutulog sa ilalim ng puno. Walang kahit ano mang pangtakip sa lamig. Malamig kase ang simoy ng hangin at wala kaming harang para dito, nakayakap na lang kaming dalawa sa aming sarili upang maibsan ang lamig. Naaawa ako para sa kaibigan ko. Sana bukas, maging maayos na ang lahat at makabalik na kami sa aming tahanan. Ang hirap mamuhay sa ganitong lugar, napakatulin ng mga sasakyan at kakaiba ang mga kinikilos at kagamitan ng mga tao dito. Hindi kami nababagay ni Lucas sa lugar na ito. Sana panaginip lamang ito, at bukas maayos na ang lahat, matuloy na rin ang inaasam asam na kasalan nila Lucas at Maxine, maging payapa at maayos na rin ang kanilang buhay. Sana bukas, wala na kami sa lugar na ito. Nakikiusap po ako sa inyo oh aming Diyos, alisin mo na kami dito ng aking kaibigan, masilayan na sana namin muli an a ming tahanan, mkita na namin ang mga mahal namin sa buhay, at maibalik na ang lahat sa dati.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD