Kabanata IV

2045 Words
Chapter four MAXINE’S POV’S May part time nanaman ako ngayon, kahit mababa ang sahod ko tsinaga ko na makita lang si Dylan dahil isa ako sa mga crew ng gagawin niyang movie. Taga dala ng mga gagamiting damit ni Dylan at ng iba pa nilang cast. Nagtutupi ako ngayon ng mga damit na nakakalat dahil binagsak ng director nila dito sa isang kwarto ang mga damit na susuotin nila Dylan mamaya sa shooting. “ Bilisan niyo dyan! Ang babagal niyo kumilos malapit na mag umpisa ang shoot!” Ito lang ang mahirap dito dahil kapag nasa mababang posisyon ka, siisgaw sigawan ka lang ng mga nasa matataas ang posisyon at wala kaming kalaban laban doon. May kasama akong nagliligpit ng mga damit, ang dami kase kaya hindi namin maayos agad lalo pa at mga costume ng iba nilang cast ito mabibigat. Binilisan ko na rin ang kilos kahit nakakapagod upang makapanuod ako ng shooting ni Dylan ko. [ AFTER AN HOUR ] Nasa gilid na ako ng pinagdadausan ng shooting nila Dylan at nanunuod kami ngayon na mga crew, ang galing galing niya talaga. Kaya mas lalo akong naiinlove sa kanya. Napakagwapo niya ngayon lalo sa kanyang suot. Kailangan pa kami dito dahil kami ng kasama ko ang taga abot ng damit kapag nagpapalit na ang mga cast, ang hirap pero kinakaya ko. Hindi lang naman pera ang habol ko ngayon dito. Nasisiyahan ako kase nakikita ko ang mahal ko na gumagawa ng panibagong movie, saksi ako sa kasikatan niya ngayon. “ Bilisan mo ano ba!” sigaw sa akin, napatingin dito si Dylan pero wala naman syang magawa Wala namang alam ang mga tao na ako ang nobya niya kaya hindi niya ako magawang maipagtanggol ngayon kahit sinisigawan na ako ng director nila. “ Ang bagal mo kumilos! Ayan pa oh! Kailangan yan!” binato sa akin ng director yung isang damit Hindi ko kase nahanap yung pares ng damit na kailangan ng isa sa mga cast nila kaya pinapagalitan ako ngayon. Nakakahiya, nakatingin ang lahat sa akin habang pinapagalitan ako ng director, maski si Dylan nakatitig sa akin. Mukhang nahihiya din sya sa kapalpakan ko. Matapos kong mag asikaso ng mga gagamitin nilang damit ay nagtago ako sa may gilid upang hindi nila mapansin. Nasa akin ang sentro ng kahihiyan kanina kaya nagtatago ako ngayon, papahupain ko muna ang galit nung director bago ako magpakita. Napapanuod ko pa naman banda dito si Dylan kaya ayos lang. Ilang oras din ang shooting nila at pagkatapos nito nag ayos nanaman kami ng mga damit upang idala sa laundry shop. Ang daming nanunuod na fans ni Dylan ngayon kaya ng matapos yung shooting ay isa isa silang lumapit sa kanya upang magpapicture. Pinagmamasdan ko lamang sya ngayon hanggang sa lumapit kay Dylan yung leading lady niya sa movie na ito at tsaka pinaalis ang mga fans niya na umaaligid sa nobyo ko. Teka? Anong karapatan niya para gawin yun? Hindi naman sya yung girlfriend ah. Hinawakan niya bigla ang braso ni Dylan, aba naman nakapulupot pa, ang sarap lapitan kaso nagpipigil lang ako. Hindi makapalag si Dylan, gustong gusto din? Nakatalikod kase sya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon ng kanyang mukha, hindi parin inaalis nung babae yung pagkakahawak niya sa braso ni Dylan. Ngayon lang pinares kay Dylan ang babaeng ito at mukhang may gusto sya sa boyfriend ko. Gusto ko sumugod sa kanya at alisin sa pagkakakapit yung babae. “ Hayaan mo muna” lumapit sa akin si Jingle, napansin ata niya na naiinis ako “ Ganyan ang trabaho ni Dylan kaya kailangan mo magpigil.” Ang manager niya lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin Mabuti na lang mabait sya at kinocomfort niya ako ngayon. Tama, trabaho lang to hindi mahal ni Dylan ang babaeng yan. Ako ang mahal niya kaya bakit ako magseselos? Mageeskandalo lang ako kapag may ginawa akong hakbang at mapapahiya pa ang boyfriend ko. Buti na lang talaga napigilan ko ang sarili ko, umalis na lang ako para hindi na makita yung malanding leading lady ni Dylan. Naghintay ako sa isang kwarto kung saan inaasahan kong pumunta si Dylan kaso halos mag kakalahating oras na wala pa sya. Hindi man lang niya ako tinext o tinawagan kung nasaan sya? Bakit ganun? Nagtago pa ako para lang makapasok sa kwartong to kaso wala naman si Dylan dito, hindi naman sya pumasok dito. Magpapakahirap nanaman akong lumabas dahil baka makita ako ng kung sino at pag isipan pa ako ng masama. Hinanap ko si Dylan, wala na sya dito sa lugar kung saan sya nagshoot. Hindi nagpaalam sa akin kung saan sya pupunta? Umuwi na lang ako mag isa, hays, maging positive ka lang Maxine baka sobrang busy lang niya ngayon kaya hindi na niya magawang mahawakan ang phone niya. Dati naihahatid pa niya ako sa bahay na tinutuluyan ko ngayon, pero ng sumisikat na sya kagaya ngayon, halos isang beses na lang ata niya magawa yun sa isang buwan. Nagnenegatibo nanaman ang pag iisip ko. Napag usapan na namin ito ni Dylan kaso hindi ko magawang masaktan, ang sakit sobra. Mahirap talaga na ipakilala ang kagaya kong low class na girlfriend ng isang sikat na artista, baka mawala na sa kasikatan si Dylan kapag nalaman nila kung sino ang real life girlfriend niya. Alam ko naman ang patakaran sa showbiz. Babatikusin at paparatangan ng kung ano ano si Dylan kapag nangyari yun, masisira career niya ng dahil sa akin kaya tinitiis ko ang sakit. Kahit minsan somosobra na. Napaupo ako sa sofa habang nanunuod ng news. ( Ang sikat na si Dylan Buenavista ngayon ay nakitang kadate ang kanyang leading lady na si Miss Aya.) ( Mukhang tama ang usap usapan na matagal ng may gusto si Dylan sa kanya) ( Baka gumagawa na ng hakbang ang binata ngayon upang maligawan ang pinakamamahal nating Miss Aya) Yung balita tungkol kay Dylan at doon sa babaeng ahas na nakapulupot sa kanya kanina, may pinakita pang picture na magkasama silang lumabas kanina sa may pinagshootingan. Grabe lang, para akong nadouble dead nito. Kasama pala niya yung babaeng yun kanina habang ako? Naghihintay sa may kwarto at nag aabang ng text o tawag niya. Hindi ko na kaya makinig kaya pinatay ko na yung TV. Hindi nanaman ako makakatulog nito dahil sa nalaman ko, kahit na ginagawa nila ito para mas yumabong ang career nila, hindi ko talaga maiwasan masaktan ng todo. Ganito na nga ang sitwasyon ko sa buhay mas lalo pa akong bumababa kapag may ganyan akong nalalaman tungkol sa boyfriend ko. “ Ayoko mastress!” sigaw ko dito sa loob ng bahay “ Wala na nga akong pera ganito pa.” Naalala ko bigla, may kakilala pala akong operator ng taxi, mamamasada na lang ako para mapagod at mawala ang iniisip ko tungkol kay Dylan. Tama! Agad akong pumunta sa kakilala ko at hindi naman ako nabigo, pinahiram niya sa akin yung taxi niya at ang sabi niya sa akin yung kikitain ko daw sa akin na hindi na sya makikihati. Ang bait niya, kahit pala nasasaktan ako ng todo may blessing naman na papalit. Namasada na lang ako ng taxi upang may libangan ako total magagabi na para mapagod na lang din ako at wala ng iisipin pa bago matulog. Sa isang oras na pamamasada naka tatlong pasahero agad ako. Ang saya naman nito may budget nanaman ako para bukas maliban sa kinita ko kanina. Nalilibang ako dito lalo pa at binibigyan ako ng tip ng mga pasahero ko. Binuksan ko yung radio para naman hindi kami maboring ng pasahero ko kaso nga lang yung kanta ay yung theme song ng movie nila Dylan. Ang lungkot ng kantang ito. Mabuti na lang nawala na ang selos ko kanina, inisip ko na lang na para sa future namin ni Dylan ang ginagawa niya. Makikilala naman nila akong lahat na girlfriend niya, pero sa ngayon na pausbong palang ang career niya, kailangan ko muna itago ang relasyon namin. “ Salamat po.” Sabi ko sa pasahero ng nag abot sya ng malaking tip Ayos to ah! Makakauwi na ako. Binilisan ko ang pagmamaneho ko total wala naman na akong pasahero ngayon at ibabalik ko na itong taxi sa may ari. Pero “ Aah!” Napapikit na lang ako bigla ng may biglang tumawid na dalawang lalake. Mabuti na lang nakapreno ako, hindi naman siguro sila namatay? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang sasabog. Mas mauuna pa atang masira ang puso ko sa kaba kesa sa selos. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko dahil tinignan ko kung may nasagasaan ba ako, wala pa man ding gaanong tao sa lugar na ito. Hindi ko naman narinig na may sumalpok sa taxi kaso may nakita akong tumawid talaga kanina. Napasilip ako sa labas, may nakaupong lalake sa may gilid habang inaalalayan sya ng kasama niyang lalake rin. Halla! Nasagasaan ko ata peo mukhang hindi naman nasaktan. Agad agad akong lumabas ng taxi at lumapit sa kanilang dalawa, mukha pa man din silang pulubi dahil yung suot nila luma na. “ Sorry po, nasaktan ba kayo? May masakit ba? Dadalhin ko na kayo sa ospital.” Mawawala pa ata kita ko nito dahil may ipapaospital ako ngayon. Malas naman oh. Tinapay na nga naging bato pa. Napatingin ako sa dalawang lalake, tinititigan nila ang mukha ko na para bang kinikilala nila ako ng mabuti. Anong nangyari? Nagkaamnesia ata sila? “ Clara?” sabi nung lalakeng pogi pero yung suot hindi ko trip talaga, makaluma ang style. “ SI Clara nga Lucas!” “ Clara, kaitagal kitang hinanap.” Hindi ko alam kung may amnesia na sila bigla o matagal na silang wala sa sarili, bakit nila ako tinatawag na Clara? “ Nandito ka lang pala.” “ Maitutuloy na ang kasalan kapatid.” Tuwang tuwa silang nakita ako? Hindi ako makagalaw ngayon dahil nagtataka ako sa pinagsasabi ng dalawang to, nabunggo ko ba sila? Tapos nagkaamnesia? Lagot na ako nito, mas malaki gastos ko. “ Nabunggo ko ba kayo?” tanong ko sa kanila “ Hindi mahal ko, nagulat lang kami sa sinasakyan mo dahil napakatulin saan mo nakuha ang bagay na yan?” Nananaginip ba ako? Anong tawag niya sa akin? Mahal ko? “ Napakagandang sasakyan at napakabilis, ngayon lang ako nakakita ng ganyan Lucas ibang iba sa sasakyan na mayroon kayo” “ Ako din kapatid, isasama ba natin yan pag uwi Clara?” Hindi naman pala sila nabunggo, nagulat lang sila kaya napaupo yung isa, bumusina kase ako ng malakas lalo pa at natapat ako sa madilim na lugar. Yun kase yung turo sa akin ng mga kakilala kong driver, bumusina sa madilim na lugar lalo kapag mag isa lang. May multo daw kase. At mukhang totoo nga, mga kaharap ko ba ay multo? Bakit hindi sila umalis ng bumusina ako? “ Clara bakit hindi ka nagsasalita?” “ May masakit ba sayo?” Tanong nilang dalawa, may multo bang nag aalala? Kinurot kurot ko ang sarili ko at ang sakit, hindi ako nananaginip totoong nangyayari ito sa akin ngayon. “ Mahal ko bakit nagkakaganyan ka?” nakatulala lang kase ako ngayon sa kanilang dalawa Hindi ako makatakbo ngayon dahil naghalo halo na ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung matatakot ako sa dalawang lalakeng ito pero para silang walang kamalay malay. “ Lucas bakit parang hindi ka kilala ni Clara.” “ Kaya nga kapatid.” Napapanganga na lang ako habang nakikinig ng usapan nila, dahan dahan akong umaatras upang makalapit na sa taxi at makaiwas na sa kanila. May nakasalamuha ata akong baliw. Mga takas ata sa mental ang dalawang to, itsura palang halata na, sayang dahil ang gwapo pa nung isa mukhang pwede mag artista. Dinadahan dahan kong makaalis, nako po, Lord itakas mo ako dito, kahit na mawala ang kita ko hwag lang akong makuyog ng dalawang lalakeng ito, baka kung anong gawin sa akin ng mga to. Modus ba nila to? Wala naman akong nababalitaan na ganyang modus, malas ko nga naman ako pa talaga unang mabibiktima ng mga taong to. Wala na ang akong pera tapos ganito pa mangyayari sa akin. Lord gusto ko lang naman mawala stress ko pero bakit dinagdagan mo po? Mabait naman po akong tao kaya please lang makatakas sana ako dito.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD