Chapter forty one LUCAS POV’S Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakikita ko sa mga mata ni Maxine na malungkot siya. Kahapon pa iba na ang itsura niya, halata sa kanyang mukha ang lungkot kaya nag aalala ako para sa kanya. Ayaw niya akong kausapin, itinataboy niya ako tuwing magtatangka akong lumapit sa kanya. Nasasaktan ako sa inaasta niyang ugali sa akin. “ Kasalanan mo to.” kasama ko ngayon sa daan ang sikat na artista na si Dylan, siya rin ang dating kasintahan ni Maxine. Tama siya, kasalanan ko ito, nagalit sa akin si Maxine kaya may nagawa ako sa kanya na hindi niya nagustuhan. Hindi koo mawari kung ano ang nagawa kong mali. Umuwi ako sa tinutuluyan namin ni Kaleb at naabutan ko ang kaibigan ko pati na rin ang mga kasama ko kanina sa loob ng condo. “ Nag aalala kami sayo