Chapter forty DYLAN’S POV’S Ang dami ko ng nasabi hindi pa rin siya nakikipag away sa akin, bakla ata ito? o baka natakot sa akin. “ Wala akong ginagawang masama sa iyo.” “ Malamang sa akin wala, eh kay Maxine? “ “ Anong ibig mong sabihin?” “ Nagpapaligoy ligoy ka pa ah.” Hinawakan ko ang damit niya kaso may mga taong humila sa akin, ito yung lalakeng kasama din niya sa bahay ni Maxine. May lumapit ding matandang babae, ito yung may ari ng AMA agency. Nandito na yung mga kasama niya sa table niya kanina. “ Anong nangyayari?” tanong nung matandang babae. “ Pasensya nap o sa gulo.” “ Huwag kang humingi ng pasensya.” Sabat ko sa sinabi ni Jingle. “ Itong lalakeng ito ang nagbibigay ng gulo.” Turo k okay Lucas. “ Teka Dylan, bakit ba nagagalit ka kay Lucas?” tanong nitong babaeng m