Chapter thirty nine KALEB’S POV’S Pinuntahan ako ni madam A sa condo dahil hindi daw nagpakita kagabi sa kanilang dalawa ni binibining Joy si Lucas. Napansin ko rin na wala sa kanyang silid si Lucas. “ Umalis siya kagabi pa.” paliwanag ko kay madam A. “ Saan naman siya pupunta?” pag aalala ni madam A. “ Sabi ko sa kanya may meeting kami ng alas nuwebe kaso hindi siya sumipot, nasaan na ba ang kaibigan mo?” tanong ni binibining Joy. “ Hindi ko rin alam.” Nagkaroon ako ng hinala kung nasaan si Lucas ngayon. “ Pakiramdam ko, na kanila Maxine siya.” “ Maxine? Yung kaibigan niyong babae?” tanong ni binibining Joy. Ngumiti lamang si madam A na para bang may naiisip na kakaiba sa sinabi ko sa kanya. “ Sige, sunduin natin siya doon.” Malumanay na sinabi ni madam A sa akin. Sumunod nama