Kabanata VII

2077 Words
Chapter seven MAXINE’S POV’S Iniwan ko na yung dalawang lalake sa labas ng fast food na pinagtatrabahuan ko at binantaan ko sila na huwag na huwag papasok dahil ipapakulong ko sila. Pero bakit ganun? Yung mga lumalabas sa bibig nila minsan na salita ay mga lumang salita na, ang weird lang talaga ng dalawang yun. Ilang oras din akong nagtrabaho at gabi na ng makalabas ako ng fastfood, may dala dala pa akong makakain ko. Derederetso lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko yung dalawa na nakaupo lang sa may gilid kung saan ko sila iniwan kanina. “ Nandito parin kayo?” halos sabay naming nakita ang isat isa “ Clara!” natutuwa pa silang makita ako “ Bumalik ka.” Malamang dito ang daan ko kaya babalik talaga ako “ Ano ba kaseng kailangan niyo sa akin?” “ Gusto ka lang namin maibalik sa pamilya mo dahil nag aalala na rin ang mga magulang mo saiyo, lalong lalo na ako Clara.” “ Teka nga? Kaano ano ba kita?” “ Siya ang nobyo mo Clara, hindi mo ba naaalala si Lucas?” nobyo? As in boyfriend? Oo gwapo siya at humahanay siya sa kagwapuhan ni Dylan pero, yung utak nila hindi ata nakakabit ng maayos. “ Paano ko siya naging nobyo eh hindi ko nga yan kilala?” Nagkatinginan silang dalawa na para bang ako yung nababaliw, anong klaseng tinginan yan aber? Ako pa ata itong pinagmumukha nilang nababaliw. “ Hayaan mo muna siya kapatid, mukhang hindi niya talaga tayo natatandaan.” Bulong nung Lucas sa kasama niya. “ Pero Lucas, paano ang kasal niyo?” malakas ang pagkakasabi niyang yun “ Kasal?” ngayon naman kasal ang sinasabi nila “ Sinong ikakasal?” “ Kayong dalawa ni Lucas.” Sagot nitong isa. Nako po, kanina nobyo lang tapos ngayon kasal na? Ano ba tong pinagsasabi nilang dalawa lumilevel up agad? Kami nga ni Dylan, hindi pa namin napag uusapan ang bagay na yan tapos may lalakeng ikakasal nap ala sa akin? “ Sino ba si Clara?” tanong ko “ Ikaw.” Sabay na sagot nila. Sabi ko nga dahil ako naman talaga ang tinatawag nilang Clara, hays, mas nasstress na ako sa kanila kesa kay Dylan. “ Dyan na nga kayo, huwag niyo na akong susundan pa.” Naglakad na ako paalis at iniwan ko sila doon, malayo pa ang bus station kaya kailangan ko pa maglakad, mahal pamasahe sa tricycle, hindi pa naman ako gaanong pagod. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng may maramdaman akong sumusunod sa akin, nako po matitigas ang ulo ng mga yun sabing huwag nila akong susundan “ Ano ba! Sabing huwag niyo akong su—“ “ Holdap to, akin na pera mo.” Ang bilis ng kamay niya, may itinutok agad siyang patalin sa bewang ko habang inaakbayan ako upang hindi mapansin ng mga taong dumaraan na may balak siyang masama sa akin. Akala ko yung dalawang baliw ang sumusunod sa akin, totoong masamang tao nap ala. “ Akin na pera mo sabi.” Nararamdaman ko yung patalim sa bewang ko na tumutusok na, nanginginig ako sa takot at hindi ako makapagsalita. May mga dumadaan pero wala silang pakealam kahit na ang iba ay nakikitang masamang tao itong nakaakbay sa akin, ayaw nila madamay lalo may patalim siya. “ Oo na ito ibibigay ko na, huwag mo lang akong patayin.” Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha sa aking bulsa yung kinita kong pera sa trabaho ko, ang sakit naman nito, nagpagod ako tapos sa kanya lang mapupunta? Parang ayaw kong ibigay ito. “ Bilisan mo na” pinamamadali niya akong kunin ang pinaghirapan ko. Tulong naman oh, ngayon ko kailangan ng pulis pero bakit walang tumutulong sa akin ngayon? Wala akong choice, kinuha ko na lang yung pera na pinaghirapan ko pero iniwan ko yung iba “ Ayan na.” “ Ito lang?” “ Yan lang pera ko.” “ Imposibleng ito lang.” Hindi talaga mauuto ang mga masasamang tao dahil mas expert sila sa gawaing yun, natatakot ako na baka saksakin na niya ako. Nagbakasakali lang naman ako na makokontento na siya sa binigay ko kaso halata sa kanya na alam niyang may pera pa ako sa loob ng bulsa ko. “ Ito na ito ibibigay ko na sayo lahat.” Ang higpit ng pagkakaakbay niya sa akin, nasasaktan na ako. Help please! Help! Wala na akong magawa kundi ang palayain ang pinaghirapan ko, nanghihina ako ng sobra ng ibigay ko sa kanya lahat ng perang dala ko. Ang sakit, mas masakit pa ata sa break up itong nangyayari ngayon sa akin. Nilagay niya agad sa kanyang bulsa ang ibinigay kong pera pero napalingon kaming dalawa ng may lumapit sa amin. “ Clara?” nako po, bakit nandito sila? Sila ba ang pinadala mong tutulong sa akin Lord? Bakit sila pa? Ano namang gagawin nitong dalawang to sa armadong holdaper na to. “ May iba ka na palang iniibig.” Ayoko na sa mundo, naholdap na nga ako ganyan pa maririnig ko, anong iniibig? Itong mukhang kuhol na lalakeng to? Jusmiyo naman, kung magkakagusto man ako baka yung Lucas pa ang piliin ko kesa dito, ang baho na nga ang pangit pa. Pwe! “ Kaya ba, ayaw mo ng sumama sa akin, dahil sa kanya?” napahawak ako sa ulo ko, ano ba tong sinasabi niya. Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil kinuha ng iba nag pinaghirapan ko tapos dadagdag ka pa? “ Diyan na nga kayo.” Napatakbo yung holdaper palayo dito “ Bakit ka niya iniwan agad agad?” “ Mukhang hindi niya ito iniibig Lucas.” “ Pwede ba? Tulungan niyo na lang ako na maibalik sa akin yung pera ko, sige na habulin niyo na, magnanakaw yun eh.” “ Ano ang ibig mong sabihin Clara?” tanong nung Lucas. “ Yung lalake kanina, masamang tao yun kaya tulungan niyo ako, naiintindihan mo ba?” “ Lucas mukhang may masama siyang ginawa kay Clara.” “ Mukang ganun na nga.” Nag uusap silang dalawa ng kasama niya hindi ko sila masyadong maintindihan pero bigla na lang silang tumakbo ng mabilis. Mas mabilis pa sa takbo nung magnanakaw. Sinundan ko sila dahil sinusundan nila ngayon yung taong kumuha ng pera ko, teka bakit sila pa ang tutulong? Paano kung sila pa mapahamak? Mali Clara este Maxine! Ano ba nahahawa na ako sa dalawang yun kakaClara nila sa akin. Nako naman, mga wala pa sa katinuan ang tutulong sa akin pero bahala na basta maibalik nila yung kinita ko. Nakakasama kaya ng loob at ang bigat bigat sa pakiramdam. Hindi ko sila masundan dahil ang bilis nilang tumakbo, athlete laya tong dalawa? Bakit ganun ang galaw nila? pero imposible. Naabutan ko sila na hinila nila yung lalakeng nang holdap sa akin kanina, susuntukin sana nung hodaper yung isa pero ang galing nila, nakaiwas sila at bakit ang gagaling nila makipaglaban kahit may patalim na hawak yung holdaper? Ang dami ng nanunuod sa kanilang tatlo ngayon dahil kakaiba ang kilos nung dalawa, parang sanay sa pakikipaglaban ba, yun bang labanan noong mga sinaunang panahon, hindi na uso ang mga ganyang galawan ngayon dahil puro armado na ang mga masasamang tao, hindi na nila kailangan lumaban ng karate. Napuruhan nilang dalawa yung lalake at napaupo ito. “ Ibalik mo ang kinuha mong gamit sa aking mahal.” “ Mga baliw!” itinapon nung holdaper sa mukha ni Lucas yung perang kinuha niya sa akin at kumaripas ng takbo pero may parating na sasakyan ng pulis kaya nataranta ito, muntik pa siyang madumbog ng sasakyan ng pulis. Binaling ko ulit ang atensyon ko sa dalawa, pinulot nila yung perang sinaboy nung holdaper. “ Heto na.” Abot ni Lucas sa akin ng pera “ Salamat.” Natakot ako dahil ang galing pala nilang makipaglaban, at yung ganung galaw nila parang mga expert. Nakangiti sa akin ngayon yung Lucas, papogi lang? Oo gwapo ka pero ang weird mo masyado. Nakarinig ako ng tunog ng tiyan, mukhang gutom na ata itong dalawa, hindi pa kaya sila kumakain? At dahil naibalik nila ang peang pinaghirapan ko, ililibre ko sila ng pagkain bilang pasasalamat ko na rin sa tulong nila. “ Sumunod kayo sa akin.” May malapit na karindirya dito sa kinatatayuan namin kaya doon ko sila dinala. Pinagpili ko sila ng makakain at para silang ignorante sa ibang putahe at maski dito sa ibang gamit ng karindirya. Magkakasama kami sa iisang table at halata sa kanila na naninibago sila sa lugar, bakit ganyan silang dalawa? Parang galing sa ibang mundo. “ Pasasalamat ko yan dahil tinulungan niyo ko, kumain na kayo.” Ngumiti yung kasama ni Lucas sa akin at ng mag umpisa na silang kumain, akala mo hindi sila nakakain since birth, kulang yung one rice kaya napaorder pa ako ulit. Ang lalakas nilang kumain, parang may hinahabol sila dahil ang bilis nila maubos yung kanin nila at ulam, habang ako? Natulala, nakadalawang subo lang ng kanin. “ Gusto niyo pa? Heto oh.” Inoffer ko na yung kanin ko at kinuha yun nung kasama ni Lucas, gutom na gutom talaga sila. Hindi pa naman ako masyadong gutom at may pagkain din ako sa loob ng maliit kong bag, naawa tuloy ako sa kanilang dalawa. “ Lucas, ngayon lang ako nabusog ng ganito.” “ Salamat Clara.” “ Maxine.” Pagtatama ko. Nagtinginan pa silang dalawa “ Maxine.” Sabay nilang banggit. Mukhang hindi naman sila masasamang tao dahil tinulungan nila akong dalawa, kung gagawan nila ako ng masama edi sana kanina pa o noong una pa lang kami nagkita. Medyo nawawala na ang takot ko sa kanila kaso napakawirdo nila lalo sa kilos at pananalita. “ Taga saan ba kayo?” tanong ko sa kanila, may sinabi silang lugar pero nawindang ako dahil kakaiba, engkanto ata itong dalawa bakit ang luma ng lugar nila? “ Hehe bakit ganun parang luma lahat ng mga alam niyo?” “ Nagsasabi lang kami ng katotohanan.” Sagot nung kasama ni Lucas “ Clara, umuwi na tayo, hindi ka nababagay sa lugar na ito.” “ Aba may sarili kayong mundo? Dito ako nakatira, ito ang lugar ko, dito ako lumaki, saan niyo naman ako ipupunta?” “ Sa lugar natin kung saan tayo nagkakilala.” Ngayon nga lang tayo nagkakilala, nitong nakaraang araw lang pala tayo parang since birth magkakilala na kami sa inaasta niya. Bakit ba ako nakikipag usap pa dito, hindi ko naman alam kung anong sinasabi nila at hindi ko rin kilala si Clara. “ Aalis na ako, salamat na lang sa pagtulong niyo sa akin.” Ako yung mababaliw kapag nagtagal pa ako dito “ Hep, huwag kayong susunod sa akin.” Pagbabanta ko Mabuti na lang may nakita agad akong bus, lumingon pa ako sa dalawa at nakaupo lang sila kung saan ko sila iniwan, nabayaran ko naman na ang mga nakain nila, nakabayad na rin ako ng utang na loob, tama na yun. Nakasakay na ako sa bus. Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi nilang dalawa, parang matino naman ang isip nila kaso nga lang bakit ang luma ng style nila maski pananalita? Bigla akong nakaramdam ng vibration sa bandang bag ko, si Dylan tumatawag, sinagot ko agad sa sobrang pananabik. “ Hello didi” ( Nasaan ka?) “ Pauwi na ako sa bahay.” ( Pasensya ka na kung hindi kita nakokontak nitong nakaraang araw, masyado lang talaga akong busy) “ Naiintindihan ko Didi, alam ko ang trabaho mo kaya hindi mo na kailangan magpaliwanag” Bakit ganito ako ngayon? Kapag wala siya naiinis ako pero kapag kausap ko na siya at nagpapaliwanag siya tapos humihingi pa ng pasensya, ang dali kong magpatawad. Hays, Maxine ang tanga mo talaga pagdating kay Dylan. ( Sige, kinamusta lang kita) “ Sige I love—“ binaba na niya. Parang napilitan lang syang kausapin ako, bakit ganun? Dati rati nag sasabi pa siya ng I love you sa akin pagkatapos tumawag pero ngayon madalang ko na lang marinig yun sa kanya. Pagod siguro siya? May endorsement kase siya kanina sabi ni Jingle kaya siguro pagod ang mahal ko, hahayaan ko muna siya magpahinga. Atleast tinawagan niya ako, naalala niya ako, masaya na ako doon, kontento na akong nakausap siya bago matapos ang araw ko. Nalungkot nanaman ako bigla, ewan bakit ganito? Kahit pinipilit kong tanggapin kung anon a ang kasalukuyan naming sitwasyon ni Dylan, hindi ko parin mapigilan mamiss yung dati.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD