Kabanata VIII

2077 Words
Chapter eight JINGLE’S POV’S Kanina pa tawag ng tawag si Maxine, maski text tinadtad ako pero yung phone ni Dylan wala man lang siyang message. Nako Maxine, pasimple ka pa talaga na kunwari ayos lang sayo na busy ang boyfriend mo pero sa akin siya nag hahanap ng information. Naaawa na ako sa babaeng yun, kilala ko na sila since nag uumpisa si Dylan sa industriya ng showbiz, napakasupportive ni Maxine bilang girlfriend at kahit napapahiya siya sa harap ng maraming tao pinipilit parin niya magpart time tuwing may bakanteng trabaho kapag nagshoshoot. Ako ang gumagawa ng paraan para makapasok siya ng trabaho, naaawa rin kase ako sa kanya lalo pa at hirap din siya sa buhay. Tapos itong alaga kong si Dylan nako, nagiging pasaway na hindi ko malaman kung bakit. Nagpapakabusy sa trabaho at nakakalimutan na palagi na may girlfriend siyang naghihintay ng tawag niya. May artistang nililink sa kanya, sikat na sikat din kaya yung head ng agency na may hawak kay Dylan, pinupush silang dalawa kahit kunwaring magjowa lang daw sila para daw dumami ang mga fans nila. Hindi ako pabor doon, naiinis ako dahil masasaktan si Maxine kapag nalaman niya itong binabalak ng mga nasa agency ni Dylan. Yung babaeng nililink sa kanya, may gusto rink ay Dylan, hindi naman maganda at retokada pa, tsk! Mas maganda si Maxine. Botong boto ako sa kanya dahil mabait siya. “ Hoy Dylan!” “ Ang ingay mo nagpapahinga ako dito.” Kakatapos lang niyang magbihis dahil kakauwi niya galing sa endorsement niya sa isang product. “ Hindi mo man lang ba kakamustahin si Maxine?” Napatingin siya sa akin na parang naalala niyang may Maxine siya, nako po, baka mamaya mahulog ka dun sa nililink sayo na mukhang pwet ng baso, pinagtagpi tagpi lang ata ang mukha nun, nabugbog nasa retoke. Hindi siya umimik “ Ano ka ba Dylan, girlfriend mo si Maxine, kailangan niyo rin ng oras sa isat isa.” “ Pagod ako.” “ Para kakausapin lang at kakamustahin, grabe Dylan buong araw na hindi nagkita tapos hahayaan mo na lang na buong araw na hindi mo siya makausap?” “ Hays, ang daldal mo akin na nga yung phone ko.” Napilitan pa tong lokong to, inabot ko na lang agad yung phone niya, sabi ko kase kay Maxinen iteetxt ko siya agad kapag nakauwi na si Dylan pero mas maganda kung si Dylan na mismo ang magsabi sa kanya. Rinig ko ang pag uusap nila, halata sa boses ni Maxine ang tuwa kaso agad naman pinatay ni Dylan yung telepono ng makamusta na niya si Maxine. “ Oh yan tapos na, pwede ka na umalis dito magpapahinga na ako.” “ Nako, ikaw talaga, sige na kita na lang tayo bukas.” Halata naman na pagod siya, nakahiga siya sa couch ng condo niya at nakapikit, hindi ko alam kung anong nasa isip ni Dylan dahil palagi siyang kinakausap nung mga nasa agency na may hawak sa kanya. Nasusuhulan ata siya kaya siya nalilito minsan. Mas mabilis kase ang pagsikat at mas maraming dadating project kapag sumali ka sa mga agency lalo sa pinasukang agency ni Dylan. Kaso nga lang, parang nadadayaan ako, gusto ko siyang ipull out doon kaso nakapirma na siya ng kontrata at taon ang hihintayin bago matapos ito. Umalis na ako sa condo niya. Nakatanggapo ako ng text galing kay Maxine at masaya siyang tinawan siya ng boyfriend niya, ang hindi niya alam napilitan pa itong tumawag. Hays, kaya ang hirap mainlove lalo sa mga artista, may mga nahandle na akong ganitong sitwasyon at sa huli naghiihiwalay din kahit napakatagal na nilang magkarelasyon. Huwag naman sanang mangyari yun sa alaga ko at kay Maxine, baka maimpluwensyahan si Dylan ng kasikatan. Huwag naman sana siyang lamunin ng ganung pag iisip, hanggat kaya ko pipigilan ko na lumaki ang ulo niya dahil sa showbiz. Kung hindi lang mabait sa akin si Maxine malamang hindi ako makokonsensya ng ganito, babae din naman ako kaya alam ko ang pakiramdam niya. Hays, Dylan. ****** MAXINE’S POV’S Napakaganda ng umaga ko dahil tinawagan ako kagabi ni Dylan, ang liit na bagay pero nakakapagpakilig na sa akin. Dati sanay na ako sa ganun pero ngayon, madalang na lang kase niyang gawin kaya hinahanap hanap ko na. Pero ngayong umaga, wala nanaman siyang tawag o text sa akin, maaga siguro siyang umalis, hindi ko nga alam kung saan siya pupunta ngayon. Tinatanong ko na lang kay Jingle lahat ng gusto kong tanungin tungkol kay Dylan dahil, simula ng umuusbong na ang career niya ay hindi na siya ngasasabi sa akin kung saan siya pumupunta o anong ginagawa niya. Nahihiya akong magtext o tumawag na sa kanya dahil noong ginawa ko yun nasaktuhan kong mainit ang ulo niya kaya nasigawan niya ako, masakit yun para sa akin kaya hindi ko na inulit. Humingi naman siya ng despensa kaya madali ko siyang napatawad. Alam kong pagod siya kaya hindi ko siya iniistorbo, si Jingle ang kinukulit ko palagi at tinatanong, mabuti na lang mabait ang manager niyang yun. “ Jingle magkasama ba kayo?” ( Hindi pa nga siya dumadating dito sa interview niya, maaga dapat siya sa morning talkshow na ito kaso wala pa si Dylan) “ Ha? Wala pa siya? Sandali kokontakin ko muna siya” ( Hindi siya matawagn Maxine) Binaba ko ang tawag k okay Jingle at kinontak ko agad si Dylan, tama nga siya hindi siya matawagan mukhang nakapatay ang phone niya. Tulog pa kaya siya? Ano naman kayang nangyari? Kinakabahan ako kaya nagmadali akong nag ayos at pupunta ako ngayon sa condo niya. Nagtaxi ako kahit mahal ang singil para mapadali ang pagdating ko, pero hindi naman ako makapasok agad sa loob ng room niya. Nalusutan ko ang gwardyang nasa ibaba kaya nagmadali akong pumunta sa condo ni Dylan, alam ko password ng pinto niya kaya makakapasok ako agad. Nag ingat ako upang walang makakita sa akin. Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko agad “ Bakit Jingle?” sakto naman kakapasok ko lang sa kwarto ni Dylan. ( Nandito na si Dylan.) “ Ah ganun ba.” Dahan dahan akong naglakad papasok, makalat na ang buong paligid para bang may nagwala at may nakita akong dalawang baso ng alak na may lamang wine, hindi nabawasan ang isang baso habang ang isa ay may laman pa. May kasama siya dito? Pero sino? Si Jingle lang siguro yun diba? Ayoko tanungin si Jingle dahil baka kapag ang sagot niya ay hindi, kung ano ano nanaman ang maiisip ko. Binaba ko na yung tawga ni Jingle at umalis na ako sa condo ni Dylan. Bakit kinkutuban ako ng masama, ayoko ng ganitong pakiramdam parang may nangyayaring hindi ko alam kay Dylan. Hindi naman siguro niya ako niloloko, kakatawag nga lang niya sa akin kagabi at kinamusta, hindi naman siguro siya ganun kung may ibang siyang babaeng kinahuhumalingan. Ano ba Maxine huwag ka magi sip ng ganyan, walang ibang babae si Dylan. Sa tagal namin na magkasama at magkakilala, palagi niyang sinasabi sa akin kung sino ang mga lumalandi sa kanya. Nitong sumubok siya sa showbiz hindi na siya ganun. Nakakapraning pala ang ganito, ngayon lang kase ako nakaramdam ng ganito, yung kukutuban ka pero wala ka namang proweba. Naglakad lakad ako kung saan saan matapos kong puntahan ang condo ni Dylan. Hindi ko ramdam ang pagod ko dahil ang utak at ang puso ko ngayon ang napapagod kakaintindi at kakaisip ng kung ano ano. Hindi man ako umiimik pero yung isip ko ang daming sinasabi, hindi ko alam kung anong susundin ko, yung kutob ko ba o yung galaw ni Dylan na pinapakita niya sa akin. Sobrang lutang ng pakiramdam ko, hindi ko namalayan sobrang layo nap ala ng nilakad ko, nakarating ako sa fast food na pinagpartimeman ko. Ang hirap naman ng ganito. “ Uy Maxine!” “ Sharlene!” “ Ang tagal nating hindi nagkita.” “ Isang linggo lang naman.” “ Kahit na, matagal parin yun ah, teka? Anong ginagawa mo dito?” “ Napadpad lang.” “ Sakto, may iaalok ako sayong trabaho.” “ Talaga? Saan?” Si Sharlene ang bestfriend ko wala nga lang si Joe na palagi niyang kasama, kaibigan ko rin yun na lalake. Busy sila parati sa trabaho nila kaya madalang kami magkitakita, ngayon na lang ulit at mukang may magandang balita siya. “ Magseservice kami ng wedding at kailangan pa namin ng isang tauhan, ano go ka ba?” “ Wala naman akong inaatrasan, kaya go lang!” “ Itatawag ko na lang sayo kung saan ha.” “ Clara!” nagulat ako ng marinig ko nanaman ang pangalang yan at ang boses ni Lucas, ayan nanaman sila, oo nga pala dito ko lang sila iniwan malamang dito lang din sila pagala gala. “ Huh ako? Ako ba ang tinutukoy ni pogi? Nakatingin dito eh.” Ang akala ng kaibigan ko ay siya, pero alam ko ako yun. Limingon  ako kung saan ko banda narinig ang pagtawag at tama nga ang hinala ko, nandito pa nga sila kaso wala yung isa. Lumapit sa akin yung Lucas, wala yung kaibigan niya na palagi niyang kasama “ Mabuti bumalik ka sa lugar na ito, hindi kami umalis dito upang makita kang muli.” “ Aba naman, napaka pogi naman niyan, sino Siya Maxine?” tanong ni Sharlene “ Pinsan ko hehe.” Yan na yung lumabas sa bibig ko, alangan kaibigan ko? Ah hindi, basta pinsan na lang yun na nasabi ko wala ng bawian. “ Ang pogi ah, pakilala mo ko.” Sabi na nga ba ganito magiging reaksyon ni Sharlene. “ Ah diba may pupuntahan ka pa? Kase may dadaanan muna kami ng pinsan ko, diyan ka muna text na lang kita bye!” “ Hoy! Maxine ano bang sinasabi mo! Wala naman akong pupuntahan!” Siguradong mababaliw si Sharlene kapag kinausap niya si Lucas kaya hinila ko si Lucas paalis sa kinatatayuan namin kanina. Kapag si Sharlene ang nilayo ko hindi yun magpapahila dahil nakakita ng pogi, oo gwapo si Lucas as in may itsura talaga kaya madali siyang makakuha ng atensyon ng iba. “ Bakit ba kayo nandito? At teka nasaan yung kasama mo?” “ Naghanap siya ng makakain namin, hinintay ka talaga namin na bumalik upang makita kang muli.” Napadaan nga lang ako dito eh, hindi ko naman sadya na mapadpad dito, sa sobrang kakaisip ko ang layo ng nilakad ko. “ Ano nanaman bang kailangan niyo sa akin?” “ Gusto lang naman kitang makita Clara.” “ Umuwi na kayo sa inyo, delekado dito at isa pa nagmumukha ka ng pulubi.” Ang dumi dumi na ng damit niya sayang kagwapuhan niya. “ Hindi namin batig kung saan ang daan pauwi.” “ Ano ba kaseng address niyo? Tirahan o kahit kamag anak? Saan ba kayo nakatira?” sinabi nanaman niya yung address na parang wala naman sa earth parang street pa lang yun noong mga panahon ng kastila bakit yun ang sinasabi niya? Ang hirap naman tanungin ito ayaw naman magsabi ng totoo para matulungan kong makauwi. “ Hindi ko alam kung saan yan” sabi ko. “ Doon ka rin nakatira Clara, malapit sa tahanan namin.” Whatever! Hindi ko nga alam yang lugar na yan tapos doon pa ako nakatira? Tsk. “ Hintayin mo na lang dito yung kasama mo, kailangan ko na umalis, diyan ka na.” Mababaliw ako sayo, nagsasalita ako habang paalis pero bigla na lang siyang tumakbo palapit sa akin at tsaka ako hinila palapit sa kanya. Nakarinig ako ng malakas na busina “ Muntik ka ng mapahamak Clara.” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, muntik na nga akong makaladkad ng kotse. Mabuti na lang talaga hinila niya ako, hindi tuloy ako nakaimik, tinulungan nanaman niya ako bakit ba palagi na lang kami pinagtatagpo lalo sa panahong ganito yun bang mapapahamak ako at malungkot. Nakatitig lang kami sa isat isa, lumayo ako dahil nailing ako bigla ang lapit kase namin sa isat isa at ilang beses na siyang napapayakap sa akin. Manyak ba to? sinasadya kaya niyang hilain ako para mayakap? Pero inililigtas lang naman niya ako. Nako! Maxine ayan ka nanaman sa pinag iisip mo, tinulungan ka na nga minasama mo pa. Iniwan ko na siya doon at tumakbo na ako palayo. Nawawala ang iniisip ko tungkol kay Dylan kapag nakikita ko si Lucas, nakakabaliw naman kase ang mga pinagsasabi niya. Weird na pogi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD