Kabanata IX

2076 Words
Chapter nine DYLAN’S POV’S Parang gusto kong magback out na sa showbiz kaso nanghihinayang ako sa mga pinaghirapan ko, ang mga napundar ko ay mawawala kapag umalis ako dito. Wala akong ibang trabaho at ito lang bumubuhay sa akin ngayon, sikat na sikat ngayon kaso, nasasakal ako minsan lalo sa agency na pinasukan ko at ay Miraya. Siya ang leading lady ko ngayon na sobrang sikat, miss Aya ang palayaw sa kanya, siya ang top one artist na babae kaya ipinapares nila sa akin upang mahila ako paangat kagaya niya. Nanghihinayang lang ako dahil ayoko ng ganito, wala akong choice kung hindi ang makisama lalo pa at pumirma ako sa kontrata noon dahil ang akala ko masaya sa showbiz pero hindi pala. Nakokonsensya ako kay Maxine, ako ang nasasaktan para sa kanya pero hindi ko siya magawang ipagtanggol dahil duwag akong tao, ang daming nakakakilala na sa akin at baka masira ang pangalan ko at madamay pa siya, kaya hindi na ako gaanong lumalapit kay Maxine. Ayoko siya madamay pero mahal ko siya, ang hirap sobra ng sitwayson ko. May bisita ata ngayon kaya agad kong binuksan ang pinto, paalis na sana ako pero dumating si Miraya, may dala dalang wine. “ Anong ginagawa mo dito?” “ Gusto ko lang naman makilala ng husto ang magiging leading man ko at future boyfriend ko sa showbiz.” “ Wala akong balak na gawin yan.” “ Yun ang makabubuti sa career mo ayaw mo ba?” Pumunta siya sa bandang kitchen at kumuha ng dalawnag baso, nilagyan niya ng wine ang dalawang baso at inilapag sa mesa ko. “ Umalis ka na dito.” “ Ako ang senior mo sa showbiz kaya igalang mo ko at isa pa ako ang hihila sayo paangat kaya itrato mo ako ng tama.” “ Kaya kong umangat ng wala ka, kaya huwag mo kong inuutusan sa gagawin ko.” Kinuha ko na ang mga gamit ko para makaalis na dahil may aattendan akong morning talkshow, gahol na nga ako sa oras dahil sa Mirayang yan. “ Sandali!” tinapon niya sa akin yung unan na nasa couch ko “ Ang bastos mo ah, kung hindi tayo magtutulungan siguradong babagsak tayong pareho.” “ Ikaw lang.” “ Dylan!” binato nanaman niya ako ng kung ano anong gamit na mahawakan niya, kainis! Pakealamera pa! “ Kapag hindi mo ako sinunod sisiguraduhin kong mawawala ka sa showbiz at pagkakaguluhan ka ng lahat at sisiraan hanggang sa mabaliw ka na lang kakaisip kung anong gagawin lalo pa at napakarami mo ng fans, pero mas marami akong fans kaya kayang kaya kitang siraan at pabagsakin.” Kung pwede lang manakit ng babae kanina ko pa ginawa. “ Lumabas ka na dito.” Binuksan ko ang pinto upang paunahin siyang makalabas, sumunod naman siya sa gusto ko kaya umalis na ako agad. Nahihirapan na nga ako minsan lalo pa kapag nakakakita ako ng mga bashers at negative comments tungkol sa akin. Ang hirap ihandle ng ganito, nakakadepress kung minsan at kailangan maganda ang performance mo na nakikita ng tao. Bwisit na Miraya yan, mukhang gagamitin pa ang showbiz para lang makuha ako. Ang sabi ni Jingle sa akin, may gusto sa akin si Miraya, pinipilit nila ng kampo niya na ligawan ko siya para umusbong ang career ko. Hindi ko yun gagawin, masasaktan si Maxine. Hindi ko sinabing may girlfriend ako dahil madadamay siya, kagaya ngayon sa sitwasyon ko, alam kong madadamay si Maxine kapag nalaman nilang girlfriend ko siya. Kainis talaga! Nasipa ko yung upuan na ansa harapan ko. Ang duwag ko. Akala ko masaya sa showbiz dahil sa mga pinapanuod ko noong bata pa ako pero ganito pala ang buhay dito. Napakarisky, kailangan mong protektahan ang mga mahal mo sa buhay kung hindi? Idadamay pa nila sa pambabatikos kapag nagkamali ka. Ang layo na rin ng narrating ko, kainis lang dahil kapag paangat kana ang daming hihila sayo pababa. Pipilitin kong umangat ang career ko kahit na mag isa ko lang, ayoko humingi ng tulong sa iba para sumikat lalo na si Miraya. Kaso yung agensy kase, ang lakas nila manakot, natatakot akong malaman nila ang tungkol sa amin ni Maxine at gamitin siya laban sa akin para mapasunod. Hindi ko nga nadadalaw ang mahal ko, hindi ko na rin nakakausap. Mas mabuti atang lumayo na lang ako sa kanya para hindi siya madamay, isang negatibong komento lang sayo tiyak akong maaapektuhan na ang emosyon mo, paano pa kaya ako na sikat? Siguradong marami akong magiging bashers at pati na rin si Maxine kapag nalaman nilang siya ang nobya ko. Hindi ko rin naman kayang makipaghiwalay kaso wala akong maisip na paraan para mailayo siya, ilang taon ko siyang nakasama at minahal, hanggang ngayon naman kapakanan niya ang inisiip ko.  Sa harap ng camera ipinapakita kong masaya at okay ako. Yun ang parating kailangang gawin ng isang artistang kagaya ko na pausbong palang sa industriya. ****** MIRAYA’S POV’S Ako talaga yung tinanggihan? Grabe Dylan hindi mo alam kung anong tinatanggihan mo, para ka ng tumanggi sag into. Mas sikat ako kesa sa kanya kaya mahahatak ko ang career niya, ang hinihiling lang naman sa kanya ay ligawan niya ako dahil maraming fans ang may gusto nun. Mas lalo pa nga siyang sumikat ng dahil sa akin, tsk, ang choosy niya ah ano bang kinaaarte niya? Bakla ba siya? “ Miss Aya ito na yung kape mo.” “ Manager pangit ba ako?” “ Hindi naman po” bagong manager ko nanaman ito “ Maldita lang” rinig ko yun, may pa bulong ka pa, humanda ka sa akin. Kakapalit ko lang ng manager tapos ganyan pa ugali? Nako nakakasika kayo ng ganda, ganyan na ganyan din sa akin yung dati kong manager, pinatapos lang niya kontrata niya sa akin. “ Anong schedule ni Dylan ngayon?” “ Bakit mo tinatanong?” “ Masama ba? Gusto ko nga malaman eh kaya sabihin mo.” “ Nasa morning talkshow siya kanina.” “ Dapat pala umattend din ako dun.” Kunwaring supportive na nililigawan, hays ako na alng gagawa ng paraan para mangyari yun, wala namang magagawa si Dylan dahil mababash siya ng napakaraming fans ko kapag tinanggihan niya ako. Crush ko si Dylan noon pa dahil napakatalentado niya at natuwa ako ng umusbong ang career niya unlike sa mga kasabayan niya noon na bumagsak ang career. Kaya ang saya dahil nagiging leading man ko na siya, mas nauna akong nag artista sa kanya dahil simula palang ako sumasali Sali na ako sa mga contest hanggang sa heto na sobrang sikat ko na. Hindi ko naman mapigilan magkagusto kay Dylan lalo pa at single naman siya, wala namang sabit, at ako? Sikat naman ako maganda at sexy pero bakit ayaw niya sa akin? May nanliligaw sa akin na ibang artistang lalake kaso hindi ko type, kasikatan ang habol nila kaya dumidikit sila sa akin, si Dylan ang gusto kong pasikatin noh hindi sila. “ Maghanap ka ng talkshow na iguguest kaming dalawa.” Utos ko sa manager ko “ Pero, sobrang dami ng schedule mo ngayong linggo.” “ Edi gawan mo ng paraan!” Kainis! Walang utak ata tong pinalit na manager sa akin, ayoko magalit dahil baka masira ang mga pinagawa ko sa mukha ko. Ang hirap magpigil ng galit lalo pa at retokada akong tao, baka pumangit pa ako ang mahal pa man din ng ginastos ko dito. “ May aattendan kang wedding ng sikat na couple at ganun din si Dylan.” “ Talaga?” ibig sabihin? Magsasama kami sa iisang lugar? Masaya yun ah. “ Sige ihanda mo ang gagamitin kong damit, gusto ko ako ang pinakamaganda doon.” “ Sigurado naman akong ikaw ang papansinin nila kesa sa ikakasal.” Tama siya, sikat kaya ako. “ Si Dylan ang gusto kong makapansin sa akin, hindi ang ibang tao.” “ Okay fine, hahanap ako ng designer sa damit na isusuot mo.” Okay relax Aya, kailangan hindi ka magalit, magkikita pala kami ni Dylan kaya kailangan fresh ang mukha ko. Hindi pa man din schedule ng pagpapaganda ko ngayon. ****** MAXINE’S POV’S Ngayon ang araw ng sinasabing trabaho ni Sharlene, kami ang magseservice sa venue kaya inagahan ko ang gising. Ang sabi niya sikat na couple daw ang ikakasal kaya maraming bisita. Naghanda na ako upang pumunta sa meeting place namin, si Sharlene ang team leader namin at isa ako sa mga crew niya. Nagmadali akong pumunta para na rin hindi nakakahiya sa kaibigan ko at sa ibang staff nila. Mabuti na lang at hindi pa sila kumpleto may mga hinihintay pa kaming kasamahan namin. Ang ganda nga ng uniform ng mga crew kase sosyal din yung venue at ikakasal. “ Maxine kailangan natin mauna doon kase kasama din tayo sa magdedecorate ng lugar.” “ Okay sige, tara na.” “ Pero wala pa yung dalawang kinuha ko, sila dapat magbubuhat nito eh.” Mukhang mabibigat ang mga dadalhin naming gamit. “ Sino ba yung mga yun? Baka hindi naman sila sumipot.” “ Sisipot sila, kase nandyan ka.” “ Ha?” “ Ayan na pala.” Paglingon ko sa tinutukoy ni Sharlene, lagot na bakit nandito yung dalawang baliw, yung Lucas at yung kasama niya. “ Bakit sila?” “ Sorry Maxine kulang kase kami ng tao, noong iniwan mo yung pinsan mo ay kinausap ko agad sila, hindi namna sila nagdalawang isip sa offer ko at sinabi kong kasama ka kaya pumayag sila oh diba? Mas masaya to.” Anong masaya dito. Pinakilala ko nga palang pinsan ko ang dalawang yank ay Sharlene, akala ko kase hindi na kami pagtatagpuin pa pero bakit ganun? Lagi na lang kaming nagkikita. “ Oh sya magbihis na kayo, ito yung mga isusuot niyo.” Inabutan niya yung dalawa ng maisusuot. Napatingin pa sa akin yung Lucas at ngumiti. Alam kaya nila ginagawa nila? ni hindi nga nila alam ang mga pinagsasabi nila tapos iimbitahan pa talaga niya bilang crew yung dalawang baliw na yun. Akala ko normal na araw lang to para sa akin, kaso kinakabahan ako dahil kasama ko yung dalawang lalake na pinagkakamalan akong Clara. Silang dalawa ang hinihintay namin bago kami umalis, halos ilang minuto silang nagbihis at paglabas nila, yung mga kasama kong crew napalingon sa kanilang dalawa. Tinignan ko na rin kung bakit, ibang iba nga talaga ang dating nung Lucas kapag nabihisan ng maayos, ang tino tignan parang walang sinto sinto. “ Ang pogi naman ng pinsan mo Maxine.” “ Hehe.” “ Pakilala mo ko mamaya diyan ah, ireto mo ko.” Nako naamn Sharlene “ Ang hindi ko lang magets noong nakausap ko sila ay yung way nila ng pananalita parang makaluma at weird, buti na lang gwapo yung isa at okay na din yung itsura ng isa kaya kinuha ko sila.” Mali ang desisyon mo Sharlene kung alam mo lang “ Tayo na!” Nasa iisang van kami ngayon at katabi ko pa si Lucas, para siyang bata na palingon lingon kung saan saan, ngayon lang ba siya nakasakay ng van? “ Kakaiba ang mga palamuti ng inyong sasakyan.” “ Anong kakaiba dito?” tanong k okay Lucas “ napakaganda at komportable, nakakamangha.” “ Hinaan mo yang boses mo, nakakahiya.” Pareho sila ng kasama niya na manghang mangha sa loob ng van at maski sa daan, ngayon lang ba sila nakakita ng mga building? Para talaga silang ignoranteng bata. “ Narito na tayo!” Ang ganda ng venue, may  pool pa. “ Maxine kailangan natin magmadaling mag ayos, kulang tayo sa tao at sa oras.” “ Okay sige.” Maaga kaming pumunta rito, mamaya pa naman ang kasal kaya makakapaghanda pa kami, fresh flowers kase ang dala namin hindi kase maganda kung ilalagay na namin ito kahapon, mawawala na ang pagkasariwa nito. Nag aasikaso ako ng mga gamit ng may naramdaman akong may dumampi sa tenga ko, paglingon ko nasa gilis ko nap ala si Lucas at napahawak ako sa tenga ko, may nilagay siyang bulalak. “ Napakaganda mo.” Namula ako sa sinabi niya. Ano ba tong nagiging reaksyon ko, mali ito, hindi dapat ganito bakit ako kinilig? “ Kailangan ka dun oh.” Pagtataboy ko sa kanya at tsaka ako umiwas, ako ang nahihiya sa pambobola ni Lucas, mabuti na lang at walang nakarinig. Maganda daw ako? Ngayon ko lang ulit narinig yan sa isang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD